Tiffany POV
Napatakbo naman ako palapit sa sala dahil narinig kung tumunog yung cellphone ko. Agad kung tiningnan yung tumawag, napansin ko naman na si Taeyeon yung tumawag kaya sinagot ko na ito.
" Hello hubby, napatawag ka? Break time nyo ba ? "-Tiffany
" I'm going home early today wifey, kaya magluto ka ng masarap. Okay? And i have something to tell you, I'm sure you'll like it "-Taeyeon
Napangiti naman ako sa sinabi nya, ano kaya yun?
" About your presentation? How is it? "-Tiffamy
" I'll tell you later wifey, tatapusin ko muna toh para makauwi na ako dyan at masabi na sayo "-Taeyeon
" Okay, I'll wait here hubby "-Tiffany
Ako na ang bumaba ng tawag dahil alam kung nagmamadali na sya para makauwi dito sa apartment namin.
Umakyat naman ako sa kwarto namin para kuwain yung pink na jacket ko, nagdala narin ako pera para sa pamimili ng gagamitin ko sa pagluto.
Nakalimutan ko kasing mamili kaya naubusan na ako ng gagamitin sa pagluto ko. Hindi naman sanay si Taetae sa ibang luto, ayaw nya rin yung binibili na luto na.
Pagbaba ko sa ground floor nagmadali na akong lumabas, lalakarin ko na lang yung market dahil malapit lang naman yun dito samin.
Pagpasok ko sa loob ng market kumuha na ako ng basket para lalagyanan ng bibilhin ko.
Naglibot libot muna ako para makapag isip kung ano ba ang lulutuin ko para kay Taetae, pork ribs sana kaso baka hindi nya magustuhan yun.
Sa paglalakad ko napadpad ako sa mga karnehan, nakakita naman ako ng manok. Siguro yung chicken fillet na lang yung lutuin ko para naman maiba at yung gulay na ampalaya. Hindi kasi nawawala sa niluluto ko yung gulay gusto ko laging masustansya yung kinakain nya dahil alam kung nag tatrabaho sya.
Pagkatapos ko kumuha ng chicken, naglakad naman ako sa may mga gulay at kinuha yung ampalaya at nilagay iyon sa basket na dala ko. Yung mga seasonings na lang ang kulang, kaya naghanap na ako nun sa iba. Nung makompleto ko yung mga bibilhin ko nag lakad na ako sa may counter para bayaran yun. Hindi rin mawawala yung gatas pag bumibili ako, dahil may calcium yun na tama sa katawan ng tao.
Pagkatapos ko magbayad naglakad na ako pabalik sa apartment namin.
Uunahin kung lutuin yung chicken fillet dahil madali lang naman yung ampalaya. Nung maayos ko na yung mga ingredients na gagamitin nag simula na akong magluto para masunod ko narin yung ampalaya.
Pagkatapos ko magluto, inayos ko narin yung table para sa pagkain ni Taetae. Alam kung para sa ibang babae na bwebwesit sila dahil yun lang ang ginagawa nila maghapon sa bahay ang magluto, maglinis at maghugas ng plato. Para sakin kasi mas ikinasisiya ko ito dahil tama lang na pag silbihan ang asawa mong nag tatrabaho at pagod pag umuwe na. Makita ko lang sya na masayang kumakain parang ang lahat ng pagod nawawala na lang bigla.
Sakto nung matapos na ako mag ayos ay narinig kung tumunog yung doorbell.
Alam kung si Taetae na yun kaya nag ayos muna ako ng sarili ko bago humarap sa kanya. Medyo basa narin yung likod ko dahil nga pinawisan ako kanina nung nagluto ako.

BINABASA MO ANG
Roommate (YulSic)
RomanceSabi nga nila pag may mga umaalis may papalit. Paano kung yung papalit na iyon ay hindi mo type. Parang ang layo maging kaclose mo pero dahil sa isang pangyayare magbabago yung tingin mo sa kanya. Bago mo lang malalaman ang totoong pag uugali niya...