Jessica's POV
Ilang araw na ng makabalik ako sa trabaho ko pero parang hindi nako sanay kasi naaalala ko yung mga ginagawa sakin ni Yuri nung hindi ko pa magalaw yung kamay ko. Nakakapanibago tuloy.
Maaga kasi siyang umaalis ng bahay at palagi kung naabutan na nakahanda na yung agahan ko. Katulad ngayon ilang minuto lang ang pagitan ng pag alis nya pero hindi ko sya naabutan, pag uuwi naman ako ng gabi ay natutulog na sya dahil alam kung pagod sya hindi ko na sya ginigising.
Nagiging busy narin ako kaya hindi ako makapag laan ng oras para makausap sya saglit, ganun din naman sya pansin ko na masyado nya ng tinutukan ang negosyo nya. Hindi ko alam pero nami-miss ko sya kausap at kasama, mag kasama nga kami sa isang bahay pero hindi kami nag kakausap pareho.
Didiretso ako ngayon sa factory para tingnan yung mga cosmetics na ilalaunched namin bukas, sinabay ko na kasi lahat para isahang promote na lang. Mahihirapan pag hindi pa namin ginawa yun dahil marami pang darating na mga projects sa Blanc.
Tinapos ko na yung breakfast ko at naligo na para maaga akong makaalis ngayon,
Naabutan ko naman si Hyoyeon na papunta rin ng parking lot, bihis ito na parang may importanteng pupuntahan. Binilisan ko naman mag lakad para makasabay sa kanya, napansin nya naman ako kaya napahinga sya.
" May lakad kaba?"-Jessica
" Ano sa tingin mo? "-Hyoyeon
" Suplado mo naman, nag tatanong lang ako. Ano na pala balita sa inyo ni Yoona? "-Jessica
" Ganun parin, hindi nya nako kinakausap. Mauuna nako may aayusin pa ko. "-Hyoyeon
" Wait lang. Nag mamadali ka naman umalis, iniiwasan mo ba yung mga tanong ko?"-Jessica
" Hindi sa ganun may ka-meeting lang ako ngayon kaya kailangan ko ng umalis. "-Hyoyeon
" Sige, mag kita na lang tayo mamaya. "-Jessica
Nag sign naman sya ng okay kaya huminto nako sa pag lalakad dahil nalampasan ko na yung kotse ko.
Kailangan ko talagang makausap sya, hindi ako komportable na may problema sya. Kaibigan ko parin sya at alam kung may problema sta dahil ramdam ko yun. Ginagawa ko lang din kung anong makakatulong sa kanya, alam ko kasing mahal nya si Yoona kaso nag titiis lang sya ngayon dahil may problema nga. Ayaw nyang ipaalam kay Yoona dahil ayaw nya itong madamay pa o kaya mag alala sa kanya. Hindi naman kasi tama yun, kahit naman itago nya nahahalata parin sa mga kinikilos niya dahil hindi niya alam na nag babago yung ugali nya. Alam kung may pag kamaldita si Yoona pero alam kung mabait sya, ramdam ko na gusto nya rin akong maging kaibigan. Hindi nya lang magawa dahil hindi naging maganda ang unang pagkikita namin.
Pumasok nako sa kotse ko at nag simula ng mag maneho para makapunta nako ng factory.
Pagbaba ko sa kotse bumungad naman sakin yung secretarya ko at inayusan niya ako dahil maselan nga sa loob ng factory.
Tinuro nya naman sakin kung nasaan na yung mga tapos na cosmetics.
" Ready na ba yan para bukas? "-Jessica
" Yes Miss Jung, ayan na po ang lahat ng products na ilalaunched bukas. "-Andrea
" Mag padala kayo ng ibang samples sa office ko mamaya. "-Jessica
" Yes Miss Jung. "-Andrea
" Dapat lang na maayos ang lahat para bukas, ayaw kung pumalpak tayo. "-Jessica
Tumingin naman ako sa loob kung paano nila ginagawa yun at nag try din akong gumawa nun.
Tiningnan ko pa yung ibang ichecheck sa factory bago ako umalis dun.
![](https://img.wattpad.com/cover/55357775-288-k293598.jpg)
BINABASA MO ANG
Roommate (YulSic)
RomanceSabi nga nila pag may mga umaalis may papalit. Paano kung yung papalit na iyon ay hindi mo type. Parang ang layo maging kaclose mo pero dahil sa isang pangyayare magbabago yung tingin mo sa kanya. Bago mo lang malalaman ang totoong pag uugali niya...