Chapter 9

321 8 0
                                        

Yoona POV

Alam kung tama yung sinabi ni Sunny, dapat hindi ko agad pinapairal ang selos ko. Bakit ba kasi ang gwapo ng loko na yun pati tuloy ako naloloko narin sa kanya XD Iisipin ko na lang muna yung sasabihin ko bago ako magselos.

Saktong napadaan ako sa apartment ni Jessica, napansin ko na may pumasok sa loob nito. Lalake pa yung pumasok, sa pag kakaalam ko walang tao sa apartment ni Jessica dahil nasa trabaho nya ito ngayon. At dahil may pagka curious ako naglakad ako palapit sa pintuan, pagsineswerte ka nga naman nakabukas ng konti yung pinto. Tumingin tingin ako pero wala namang tao, ano yun multo na pumasok ? Nagulat na lang ako nung biglang bumukas yung pinto kaya ang kinalabasan nito nakapasok na ako sa loob tumama pa yung siko ko dahil ito yung pinangsangga ko para hindi ako tuluyang mahulog.

" Sorry miss, "-

Tinulungan nya naman akong tumayo kaso yung siko ko biglang kumirot kaya napa ' ouch ' ako.

" Dumudugo yung siko mo, halika gagamutin ko "

Pag angat ko ng ulo ko mas lalo kung kinagulat kung sino yung lalakeng na
nasa harap ko. Bakit nandito sya sa apartment ni Jessica? Ito ba yung sinasabi nya na bagong apartment nya? Pero bakit dito pa? Bakit kay Jessica pa ? At bakit parang nagagalit ako? Oo nga pala dahil best friend nya ako at dahil narin pinag seselosan ko si Jessica. Tch! gaga.

" Yoongie? Anong ginagawa mo dito? "-Yuri

"Mamaya kana nga lang mag tanong, masakit yung siko ko "-Yoona

Tinawanan nya lang ako,

" Sige tumawa kapa, hindi mo ba ko tutulungan? "-Yoona

" Ikaw naman kasi, bakit nakasandal ka sa pintuan? Ayan tuloy nasugatan yang siko mo "-Yuri

"Akala ko kasi may kung sino yung nasa loob nito, "-Yoona

Dinala nya ko sa may kitchen dahil nandoon daw yung first aid kit. Agad akong naupo sa dahilang nakakangawit kaya ang tumayo. Pagkakuha nya ng first aid kit agad nyang ginamot yung siko ko na kanina pa dumudugo. Pagkatapos nya linisan nilagyan nya na ng band aid.

"Ano okay kana ba? "-Yuri

" Paano ako magiging okay, kung nagasgasan yung siko ko. Wag ka nga mag tatanong na okay ako. "-Yoona

" Ayan! Namiss ko yang kamalditahan mo. Ano ba kasing ginagawa mo doon? "-Yuri

Roommate (YulSic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon