Chapter 24

107 0 0
                                    

Jessica's POV

Sa ilang araw na nag daan maraming nangyari, hindi ko inaasahan yung desisyon ni Hyo. Alam kung mahal nya si Yoona pero bakit yun ang pinili niyang desisyon, akala ko malinaw na sa kanya ang lahat. Umasa pa naman ako na mag papakasal na sila pero hindi pala matutuloy. May mga bagay pala na hindi mo aasahan na mangyayari at yun yung mahirap tanggapin agad.
Simula nung nag meeting kami hindi ko parin nakakausap si Yuri, kaya nangungulit na si Soo dahil nga malapit na yung flight ko sa Korea. Sabay sabay kami ng araw ng flight pero mag kakaiba naman kami ng pupuntahan, gagawin namin ito para sa business hindi para mag bakasyon. Ewan ko na lang kay Soo, paniguradong date lang ang kakalabasan ng sa kanila ni Sunny.

" Siguro war kayo ni Yuri kaya hindi mo pa nasasabi, tama ako noh? "-Sooyoung

" Naging busy kasi sya kaya hindi ko muna kinausap, may ilang araw pa naman ako para mapapayag sya. "-Jessica

" Siguraduhin mo lang na papayag talaga sya dahil pumayag na si Mommy na yung Café nya yung gagamitin natin sa ibang bansa. "-Sooyoung

" May tiwala ka naman sakin eh, kaya alam kung papayag si Yuri. "-Jessica

" Pakibilisan naman Sica, kung pwede akitin muna yang si Yuri para mapapayag mo. "-Sooyoung

" Tsk. Hindi ko alam yang sinasabi mo, "-Jessica

" Gawin mo yung sayaw na ginagawa mo sa club pag nalalasing kana, Haha. "-Sooyoung

" Hindi ako natutuwa sa sinasabi mo Soo, ano ba seryoso ko. "-Jessica

" Sagot ko na yung alak basta galingan mo lang sumayaw. "-Sooyoung

Tumayo naman ako sa inuupuan ko, alam nya namang short tempered lang ako tapos ang lakas nya pang mang asar.

" Hey! Wag ka namang pikonin, Haha. "-Sooyoung

Nag roll eyes lang ako sa kanya saka lumabas na ng resto, babalik na lang ako sa apartment para mag pahinga kesa naman makipag asaran lang ako sa Giant na yun. Nakakaimbyerna sya. Sino kaya mga tao sa apartment, sana naman nandun si Ppanyang.
Didiretso na sana ako sa elevator ng makita ko si Yuri sa lobby, tawa naman sya ng tawa sa kaharap nya. Diba may trabaho sya? Bakit nandito sya? At sino naman tong babae nato na nakausap nya? Hindi ko makilala dahil nakatalikod sakin kaya si Yuri lang ang namukhaan ko. Napabuga naman ako ng makita na nag papacute sya sa babae, ewan ko ba naaasar ako. Bakit pag nag uusap kami hindi sya ganun? Bakit pag sa iba nag papacute sya? Oo nga pala. Hindi nya ko ganun kaclose at hindi nya rin ako girlfriend para gawin yun, tama lang na pormal kami mag usap.

Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa kanila, pati yata yung paa ko may sariling pag iisip. Nalilito tuloy ako bakit lumapit ako sa kanila, ano naman dahilan ko para ipagbawal sya na makipag usap sa babae? Hindi nya nga ako girlfriend, nag seselos kaya ko?

Nung nasa likod nako ng babae, napatingin sya sakin kaya humarap din yung babae. Parang tumaas naman yung dugo ko ng malaman kung sino yun. Mas may karapatan nga naman sya dahil mag bestfriend sila. Mas mahalaga si Yoona kesa sakin, pero ang iniisip ko bakit sobrang laki yata ng galit nya sakin pag nakikita nya ko. Nilinaw ko naman na kaibigan ko lang si Hyo, napaka selosa nya.

" Hey! Why are you here? Wala kabang trabaho? "-Yuri

Tinaasan naman ako ng kilay ni Yoona, paano ko naman kaya magiging close sya kung ganito ang pakikitungo nya sakin. Nag aalala nga ako sa kanya tapos sya nagagawa nya pang sungitan ako. Ano ba nagustuhan ni Hyo dito, at lalo na tong si Yuri? Paano naging mag bestfriend sila? Ang weird talaga nila.

Roommate (YulSic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon