Hyoyeon's POV
Siguro natauhan ako sa sinabi ni Sica, masyado kung prinoblema yung mga bagay na hindi pa naman nangyayari. Parang pinangunguhan ko na agad kaya nawawalan ako ng pag asa.Ilang araw na lang at aalis nako pero hindi pa kami nag kakaayos, paano ko masasabi sa kanya yung totoo ? Papayag kaya siyang makasal sakin? O mas magiging okay sa kanya na nasa malayo ako pero walang kasiguraduhan na babalik ulit ako dito. Mahirap talaga kung dalawa lang kayong anak tapos ako pa ang taga pag mana ng ibang business namin dahil may sarili ng business yung kapatid ko kaya no choice talaga ako kundi ang pumunta ng ibang bansa. Gusto ko rin naman na makitang masaya ang pamilya ko dahil marami na silang binigay para samin, gusto kung suklian yun. Sa oras na makabalik na sila dito ako na ang CEO at ako narin ang mamamahala ng lahat ng business namin. Mahirap para sakin na tanggihan yun dahil ngayon na lang ako babawi sa kanila, kaya nga mas lalo akong naguguluhan.
Ngayon araw na ito yung launching ng Blanc at nag dadalawang isip ako kung sasama sya sakin, pero hindi pa rin naman kami nag uusap kaya malabo na sumama sya sakin. Ilang araw ko narin syang hindi nakikita, nakakamiss din pala yung kakulitan nya.
Hindi ako lumalabas ng apartment buong umaga dahil sa hapon pa naman ako mag aayos at wala rin akong ka-meeting ngayon kaya mag kukulong na lang muna ako dito. Kung hindi nga lang launching ngayon ng Blanc baka hindi na ako lumabas hanggang gabi, nawawalan na ako ng gana at hindi ako makapag isip ng maayos para sa plano ko na kausapin si Daddy.
Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit ako lagi nakatingin sa pinto, siguro nag aantay ako na baka bumukas yung pinto at lumabas si Yoona tapos kukulitin niya akong lumabas para makasama nya ko kaso hindi mangyayari yun dahil simula nung araw na yun baka sinabi nya na sa sarili nya na hindi nya nako kakausapin o papansinin man.
Napatingin naman ako sa cellphone ko ng may tumawag. Mabuti naman tumawag sya dahil siya lang ang kailangan ko ngayon para makumbinsi si Dad na wag na akong pumunta sa ibang bansa pero baka ipilit din niya sakin na tanggapin na yun para makakahinga narin sila ni Mom.
" Hey! How are you lil brother? "-Jongyeon
" Mag sisimula na ang kalbaryo ng buhay ko, tulungan mo naman ako. "-Hyoyeon
" I know kaya nga tumawag ako sa'yo dahil sinabi na sakin ni Daddy. Congrats you're a CEO now, "-Jongyeon
" Hindi pa ako handa, ayaw ko pang umalis dito. "-Hyoyeon
" Dahil ba kay Yoona? Alam mong ganyan din yung nangyari sakin, pero look at me now mas lalo akong umangat dahil mas tama ang pinili ko dahil lolokohin din pala ako ng babae na yun. Kung ayaw mo talaga na iwan sya, pakasalan mo para hindi tumutol si Daddy. "-Jongyeon
" Wala pa yata sa isip niya ang pag papakasal, "-Hyoyeon
" Ang malas mo Hyo, Haha! Just try to convince her, malay mo. "-Jongyeon
" Wala na akong oras para mangyari yun, dahil ilang araw na lang aalis na ako. "-Hyoyeon
" Pwede namang mag propose ka, para fiancee muna sya at dun na lang kayo mag pakasal. "-Jongyeon
" Hindi ko na alam ang gagawin ko, "-Hyoyeon
" Gawin muna lang yung sinabi ko, kung ayaw nya talaga na ikasal kayo then let her go. Marami pang babae ang makikilala mo, baka hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa. "-Jongyeon
" Bahala na nga. "-Hyoyeon
Pinatay ko na yung tawag nya, may part talaga na nakakatulong sya pero mas marami parin yung pang aasar nya. Ang hirap talaga mag karoon ng matinong kapatid.
![](https://img.wattpad.com/cover/55357775-288-k293598.jpg)
BINABASA MO ANG
Roommate (YulSic)
RomanceSabi nga nila pag may mga umaalis may papalit. Paano kung yung papalit na iyon ay hindi mo type. Parang ang layo maging kaclose mo pero dahil sa isang pangyayare magbabago yung tingin mo sa kanya. Bago mo lang malalaman ang totoong pag uugali niya...