- Patrick's POV -
Ang sarap sa pakiramdam nung marinig ko mula mismo kay Ella na mahal nya din ako. Hindi ko akalaing pwede palang mangyare yun? Kase, wala akong ibang ginawa kundi asarin sya, bwisitin sya at sirain ang araw nya. Sino ba namang mag-aakala na yung aso't pusa ng barkada mahal pala isa't isa diba? Parang teleserye. Haha! Pero, seryosong usapan, parang hindi ko kayang ma-imagine na walang Ella.
"Guyys! Heyy! Invited kayong lahat sa open party ko!" -Babae. Di ko kasi alam pangalan nya eh. -__- Pero, mukha syang di gagawa ng matino. Tapos yung suot nya pang palda, napaka-ikli. Kung si Ella magsusuot ng ganyan, hinding hindi ako makapapayag.
"Narinig mo yun, Ella? Open party daw! Tara punta tayo!" -Tammy.
"Oy! Anong punta punta?! Hindi kayo pupunta dun. Eh, mukha namang mga di gagawa ng matino yung mga yun eh. Nakita nyo ba itsura? May pahikaw hikaw pang madami ohh. Tsaka baka mamaya, may inuman dun." -Ako.
"Grabe naman to. Nagkayayaan lang kami, nagtalumpati ka na dyan Tatay!" -Britney.
"Mocha, may point din naman kasi si Patrick. Tingnan mo ha? Diba sikat yang grupo nila bilang 'BITCHES'? Sorry for the word ha? Pero, totoo." -Winston.
"Oo nga naman, girls. Makinig nalang kayo. Para din naman sa ikabubuti nyo to eh." -Tikoy.
"Eh, malay nyo naman kasi, dun ko mahanap yung soulmate ko." -Tammy.
"Tammy, ang love, di yan hinahanap. Kusang dumarating yan on the right time, place and person." -Ella. :') Kinilig naman ako. Haha! Bading!
"Oo nga naman. Kaya baka mamaya, sa kahahanap mo, nalagpasan mo na pala yung tamang tao para sayo." -Ako.
"Ayos ah? Inlove na inlove tayo sa mga kasabihang nasasabi naten ah? ElRick! Taray! Hahaha!" -Tikoy -__-
"Pero, kidding aside, tama silang dalawa. Kaya, Mocha, Tammy, Ella, walang pupunta ha?" -Winston.
"Opo." -Silang tatlo.
» Pag-uwi....
- Tammy's POV -
"Ella, sige na please. Punta na kase tayo. Di naman nila malalaman eh. Tsaka, di naman tayo iinom. Sige na please??? *pout* Tsaka, sasama na si Britney. Hindi naman ako papayagan ni Dad kung si Britney lang. Kelangan syempre, kasama ka. Pleaseee?" -Ako. Pinipilit ko kase si Ella na samahan ako sa open party.
"Hayyy. Oo na! Oo na! Basta siguradong safe tayo dyan ah?" -Ella.
"Oo naman bes! Thank you! Thank you talaga!!!!" -Ako. Then, hinug ko sya. Ang bait talaga ng bestfriend ko.
- Ella's POV -
Pinilit ako ni Tammy na samahan sila ni Britney dun sa open party. Bukas pa naman yun ng gabi. Pero, kinakabahan na ko. Kase naman, baka di ako payagan ni Mama tsaka, baka magalit si Patrick. Kasi, diba nga, sya yung unang unang kumontra nung magyaya si Tammy magpunta dun?
Eto na! Magpapaalam na ko kay Mama...
"Ahh, Ma, pwede po ba kong magpunta sa open party? Nagpapasama po kasi si Tammy.." -Ako. Nanlaki naman mata ni Mama. Di naman kasi ako mahilig sa parties.
"Party, nak? Talaga? Sige ba! Akala ko talagang bahay, school at barkada mo lang ang alam mong puntahan. Bute naman at marunong ka na magparty!" -Mama. Sabe na ehh -__-
"Ma naman! Pinilit nga lang ako eh." -Ako.
"Eh, anak, balita ko may lovelife ka na ah? Yiiie. Si Patrick ba yan? Gwapo yun eh." -Mama. O.O Kanino nya yun napulot?!
"Ma! San mo po nakuha yang balita na yan?!" -Mama. Kay Tammy nanaman siguro. :/
"Kay Tammy.. Eh, hindi ka naman kasi nagkkwento, anak. Kaya pinagkwento ko si Tammy. Kasi baka nahihiya kang magkwento." -Mama. Napa-face palm naman ako.
"So, ano, nak? Kayo na ba? Or MU lang?" -Mama.
"Ah... Eh... MU palang po." -Ako. Napayuko naman ako pagkasabi ko nyan. Nakakahiya kasi.
"Wag ka ngang mahiya sakin, Ella. Mama mo ko kaya okay lang na magsabi ka sakin no. Ayos naman sakin si Patrick eh. Mukha namang mabait sya. Gwapo pa! Haha. Osige, umakyat ka na." -Mama.
"Ah, Ma, kase po, magkikita po sana kami ni Patrick. May pag-uusapan po kasi kami eh." -Ako.
"Ah, osige. Ingat ka, nak!" -Mama.
"Bye, Ma!" -Ako.
...............
"Ano yung nabalitaan ko kay Winston? Magpupunta pa din daw kayo sa open party?" -Patrick. Eto na nga ba, sinasabe ko eh.
"Patrick naman! Sasamahan ko lang naman si Tammy. Di kase sya papayagan ng Daddy nya kung di ako kasama." -Ako.
"Sinabihan ko na nga kayong delikado eh." -Patrick.
"Patrick... Sasamahan ko lang naman sila eh. Alam mong ayaw ko sa mga ganyan ganyan na party di ba?" -Ako.
"Oo. Pero, malay ko ba kung nagbago na isip mo. Ella, kaligtasan mo lang naman iniisip ko. Pero, parang ayaw mong makinig." -Patrick.
"Hindi naman sa ganun, Patrick.. Pero..." -Ako.
"Tama na. Tara na. Ihahatid na kita sa inyo." -Patrick.
Hinatid nya ako sa amin ng di man lang sya nagsasalita sa kotse. -_- Ugh. Pinagbuksan nya ko wang pinto nung baba na ko.
"Ahh, Patrick... Sorr----" -Ako. Di ko natapos sasabihin ko. Pinutol nya kase.
"Sige, bye." -Patrick. Tapos umalis na sya.
Ayaw ko yung ganito ehh. Yung magka-away kami. Hayyy. Oo, sanay akong ma-inis sa kanya tuwing inaasar nya ako noon. Pero, iba na ngayon eh.
Hayyy. May ginagawa nga pala akong letter para sakanya. Tatapusin ko nalang yun. Pero, di ko pa naman yun ibibigay sa kanya. After 6 years pa.
» KINABUKASAN »
- Patrick's POV -
Tinext ko si Ella na magkita kami ngayon sa resort namin. Mamayang gabi pa naman kasi yung open-party nila eh.
"Patrick...." -Ella. Alam kong sya yun kaya, humarap agad ako sa kanya.
"Ella... Maupo muna tayo." -Ako. Umupo kami at umorder ng agahan.
"Sorry sa kagabi..." -Sabay kami ng sinabe.
"Ayos lang." -Sabay ulet. -_-
"Patrick.../Ella..." -Kami.
"Sige, una ka na." -Ako.
"Di nalang ako sasama sa kanila." -Ella.
"Sumama ka na. Sasamahan ko nalang kayo." -Ako.
"Talaga? Sigurado ka ba?" -Ella.
"Oo naman. Ayaw ko namang pabayaan kayo..." -Ako.
"Thank you, Patrick." -Ella.
"Basta para sayo." -Ako. Tapos, naramdaman kong yinakap nya ko. Kaya, yinakap ko sya ng mas mahigpit.
Sana, laging ganito. Ang sarap sa pakiramdam...
-------------------
End of Chapter 3 :)
Next chapter nalang yung Open-Party. :))))
Comment, Vote and Become a Fan!!! :D
BINABASA MO ANG
Growing Up (What If?) [KathNiel]
FanfictionPatrick fell in love with Ella at the age of 15. He was willing to wait until they both turn 21 but, WHAT IF they make a mistake that will turn their lives up side down? Will they still grow strong, or will they just forget about their feelings? How...