Chapter 9

447 2 0
                                    

- ELLA's POV -

Puro nalang once upon a time. Walang happily ever after. Walang forever...

Sa ngayon, yan lang ang naiisip kong definition ng love. Kayo ba naman ang masaktan ng taong binigyan nyo ng lahat lahat ng meron ka. Isinuko mo ang lahat sa kanya. Lahat FIRSTS. Ngayon, panibagong first to.. FIRST HEARTBREAK. Tingnan mo nga naman ohh, naging single mother pa ko. Pero hindi ko isisisi sa anak KO ang lahat ng to. Hindi naman kasi sya nag-udyok sa amin na buo-in namin sya.

Hindi ko inakala na darating tong araw na to. Yung mawawala sa akin si Patrick. Akala ko magkakaroon na ako finally ng isang COMPLETE FAMILY. Hindi yun naibigay ng mga magulang ko sa akin, kaya yun sana ang gusto kong ibigay sa anak ko. Pero, ano nga bang magagawa ko? WALA. Wala na sakin si Patrick eh. Nandun na sya sa Michelle na yun. Naisip ko tuloy na siguro, kung di lang ako buntis nasakin padin si Patrick. Kasi magagawa pa din namin yung gusto namin. Pag nabuntis ba si Michelle, hahanap ulit sya ng bago?

Ngayon, natutunan ko na... Walang taong permanente sa buhay natin. May mga darating at bibigyan tayo ng maraming alaala pero, mawawala rin. Kasi darating sa punto na from happy memories, sad naman ang susunod. From being so in love with each other, magiging total strangers. Ganyan naman ata talaga ang pagmamahal. Pag naibuhos mo na ang lahat ng meron ka, iiwan ka nalang. Bakit ba kasi hindi pa ko natuto kay mama.

Kung natuto lang ako.. Or mas magandang, kung in-apply ko lang sana yung natutunan ko. Edi sana masaya ako ngayon. Hindi ko naman sinasabeng sobrang lungkot ko. Kahit papano, masaya ako dahil sa anak ko. Pero, hindi nyo naman ako masisisi kung magsisisi ako. Hindi ko kasi sya mabibigyan ng kumpleto at masayang pamilya. Yun lang naman ang tanging hinihiling ko. Ang maging kumpleto sya. Yung wala syang hinahanap hanap kase may kulang.

Alam ko na gusto kong maging buo ang pagkatao ng anak ko. Pero, kung ganito ang pangyayare, hindi ata ako handang ipakilala si Patrick sa anak namin. Matawag na kong selfish pero wala. Ayaw ko naman sabihin sa anak ko na, "Anak, sya ang daddy mo." Tapos tatanungin ako ng anak ko ng, "Bakit di po kayo magkasama?" Tas anong isasagot ko? "Kasi malandi ang haliparot mong ama! Pinagbubuntis na kita, nahuli ko pang kahalikan ng iba!" Oh, ganon? Edi sirang sira yung image nya sa anak namen. Tapos iwiwish ng anak ko na sana di nalang sya nakilala. Grabeng imagination ba? Sorry. Ganun kasi yung naramdaman ko nung iwan kame ni Mama ng Papa ko. Sumama sa iba yung Papa ko at Mama ko nalang ang nagtaguyod sa akin. MAG-ISA. Diba? Parang si Wonder Woman yung mama ko? Kahit kelan hindi siya nagkulang sakin. Nagtatrabaho siya pero hindi ko ramdam yun. Kase sya yung gumigising sa akin sa umaga. Sya ang naghahanda ng baon ko. At uuwi ako na nandun yung yaya ko pero, maaga umuuwi ang mama ko para maabutan akong gising. Gaya nya, gagawin ko ang lahat mapunan lang lahat ng kailangan ng anak ko. Nang hindi nya nararamdamang na kulang sya ng AMA...

....

....

....

...

...

...

....

»» FAST FORWARD »»

= 6 months later=

(Still Ella's POV)

Congrats sakiiiiiiiiin!!!! Waaaaaah!! Nanay na ako. Haha. 3 months na nga baby ko eh. Haha. As expected baby boy. Daniel John padin ang ipinangalan ko sa kanya. Hindi pa sya nakikita ni Patrick. Di ba nga sinabe kong hindi ko ipakikilala sakanya ang ama nya?

Umalis na rin pala ko sa bahay. Nag-dorm muna ako dito sa Tita ko. Ewan ko ba. Gusto ko mafeel yung ganito eh. Hindi naman ako nag-iisa. Dahil nga Tita ko ang may-ari ng dorm. Sinamahan din pala ako ni Britney at Tammy. Hindi naman ako working student. Dun na kase nakatira ang daddy ni Tammy sa bahay. Siya na kasi ang boyfriend ng Mama. Pero, okay na sa amin ni Tammy. Tanggap namin. Atleast, magiging magkapatid na talaga kami.

Kung itatanong nyo sakin kung nakita na nga pamilya ni Patrick ang anak namin, oo. Hinahayaan ko silang bumisita dito. Pero, si Patrick, BAWAL. Bawal din nilang bigyan ng picture si Patrick. Problema na nila kung pano nila tataguan ng pictures si Patrick. Pero, basta BAWAL. Dahil AYAW KO. Bahala sya magdusa. Hindi naman ako ang may kasalanan dito hindi ba?! Hayyy.

"Uy, Ella.. Kwento ka naman!" Ahh. Si Bianca, ka-dorm namin.

"Haha. Ano namang ikkwento ko?" Ako.

"Edi, kung sino ang tatay nyang anak mo! Ano itsura nya? Gwapo ba?" Si Dindy naman. Kapatid ni Bianca. Kasama din namin sya dito.

"Wala akong ikkwento tungkol sa kanya." -Ako.

"Dali na! Gwapo siguro sya no? Ang gwapo ng anak mo eh." -Bianca. OO! SA SOBRANG GWAPO, ANG LANDI DIN!

"Oo nga! Mukhang sya ang kamukhang kamukha ng anak mo. Medyo onti lang ang hawig sayo eh." -Sofia. Tahimik lang si Tammy at Britney na mga katabi kong naka-upo din sa kama.

"Oo na. Magkkwento na. Gwapo talaga ama nyan. Kung hindi lang lumandi. Mahal na mahal ko yun. Ready na nga syang panindigan ako eh. Sa totoo nyan, gusto na ko nun pakasalan. Patrick ang pangalan nya. Alam nyo ba? Sya yung unang lalaki na minahal ko. Lahat halos ng UNANG BESES kong nagawa sa buhay ko, sya yung kasama ko. Akala ko talaga lalagpasan pa namin ang forever sa tatag namin. Isipin nyo naman, 15 palang ako at 16 sya pero, hindi kailanman sumagi sa isipan namin na gawan ng masama itong anak namin. Alam nyo yun? Yung kalalaki nyang tao, sya yung nag-i-imagine ng future nyo. Diba kadalasan babae yung mahilig mag-isip ng ganun? Babae ang madalas na hopeless romantic. Pero samin hindi. Unang araw palang namin nalaman na buntis pala ako, problemadong problemado ako. Pero sya, ang pino-problema nya kung lalake ba or babae ang magiging anak namin. Nag-iisip agad kase sya ng pangalan. Alam nyo din ba na gustong gusto kong ilihim muna sa lahat na buntis ako. Pero sya? Ayun, hinarap yung nanay ko at umamin ng hindi ako kasama. Ang tapang diba? Kaya sobrang minahal ko sya. Pero ang masaklap, balewala lahat ng effort nya. Kase tatlong buwan bago ako manganak, nahuli ko syang may kahalikang babae. At dun. Yung araw na yun, pinutol ko lahat ng meron kame. Nung nanganak ako, alam ko namang alam nya kung kelan ako nanganak. Pero, ni anino nya hindi ko nakita. Kaya dun ko napagdesisyonan na, hindi ko na talaga sya mapapatawad. Hindi ko na kailanman ipakikilala sa kanya ang anak namin. Kase kung mahal nya talaga kame, gagawin nya lahat mabuo lang kami. Hindi sya susuko kailanman kase hindi sya magsasawang ipaglaban kame..." -Ako. Hindi ko namalayan na naluha pala ako habang nagkkwento. Pinunasan ko agad yung luha na tumulo at inangat muli ang ulo ko para tingnan sila.

"Grabe pala pinagdaanan nyo no? Perfect na sana yung lovestory nyo kung wala lang ahas na pumulupot sakanya. May picture ka pa ba nya? Pwede ba namin makita?" -Bianca. Sa totoo nyan, hindi ko binubura yung videos at pictures at notes nya sa cellphone ko. Hindi pa nga ako nagpapalit ng number eh. Couple sim card kasi ang gamit namin.

Inabot ko sakanila ang cellphone ko at nakita nila ang pictures namin ni Patrick. Ang videos nya na kinakausap ang tiyan ko. Ang video nya habang kinakantahan ako. At sinasabing mahal na mahal nya ako. Muli, nagpakawala na naman ng luha ang mga mata ko. Pinunasan ko muli agad yun. Hanggang sa buksan nila ang isang voice record. Hindi ko pa ito naririnig dahil hindi ko naman alam na may records pala dito... Boses yun ni Patrick...

"Hello baby DJ!! Matagal pa siguro bago mo mapakinggan to. Pero, secret lang natin to ha? Kase hindi alam ng mommy mo na nagrecord ako dito. Hihihi. Si daddy mo nga pala to. Alam mo ba? Nung buntis yung mommy mo sayo, grabe! Mas excited pa ko kesa sakanya na makita ka. Nakakatawa nga yung mommy mo eh. Ang selosa kasi. Pero, ang cute nya magselos. Lagi syang nacoconcious na baka daw iwan ko sya dahil lumapad na sya. Pero, alam mo DJ, kahit na lumapad sya na sya nalang ang kasya sa kama, ayos lang! Mahal na mahal na mahal na mahal ko pa din sya. Haha! Baka nga ako pa ang iwan ng mommy mo eh. Kase naman ang ganda ganda nya. Hayy. Osige, anak. Bye na. Ipaparinig ko nalang to sayo pag maiintindihan mo na mga sinasabe ko. Babye. Baka mahuli ako ng mo---Patriiiick!! Gusto kong ice cream!!! Please?? --- Osige mahal kong reyna. Tara na."

Ako yung kausap nya bago nya i-cut yung record. Nataranta siguro sya sa pagtago kaya hindi agad na-stop. Haha. Pero, nung marinig ko yun, hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na naman ako.

Mahal na mahal padin atalaga kita, Patrick. Miss na miss na kita... Kelan ba mangyayare ang forever at eternity ng pagmamahalan nating dalawa?

----------------------------

End of Chapter 9. I hope you liked it! :)

Vote, Comment or become a Fan! :)

Ano ang role ni Dindy at Bianca Maghirang?? Sa tingin nyo ba? :D

Growing Up (What If?) [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon