- Patrick's POV -
2 weeks.. Dalawang linggo ko ng hindi nakikita at nakakausap si Ella... Dalawang linggo na akong nagmumukmok... Dalawang linggo na nandito lang sa kwarto... Sinisira yung buhay ko... Ano bang magagawa ko? Wala na si Ella eh. Wala na si baby DJ... Wala ng dahilan para maging maayos pa ko.
Alam kong hindi ako naging maayos noon... Naging tama lang naman lahat ng ginagawa ko mula nung dumating si Ella.. Mali lang naman kasi ang isang bagay kung hindi mo yun kayang panindigan eh. Pero, nabuntis ko si Ella. Mali yung dahil masyado pa kaming bata.. Pero, naitama ko yun nung pinanindigan ko sya at ang magiging anak namin. Pero, wala na yun saysay..
Buong buhay ko, wala akong ibang hiniling kundi ang makasama si Ella.. Pero, ano pa bang magagawa ko? WALA NA. WALA NA SAKIN SI ELLA. WALA NA AKONG ANAK NA MAALAGAAN. WALA NA YUNG TAONG MINAHAL KO SAKIN.
Dahil lang sa taong minsan kong minahal pero, ginago pa ako...
Nawala sa piling ko yung taong handang ibigay lahat saking dahil mahal nya ako...
Yung taong handa akong isakripisyo maging ang buhay ko dahil mahal ko sya...
Yung taong pinapangarap ko na makasama sa araw araw...
Si Ella.. Sya at sya lang ang pinapangarap ko, pinangarap ko at papangarapin ko na makasama hanggang sa kabilang buhay..
Si Ella, sya lang ang ginusto, gugustuhin at gusto kong iharap sa altar. Sya lang wala nang iba pa...
Si Ella, sya ang ina ng anak ko... Sya lang...
Hindi naman mahirap paniwalaan yun diba? Pero bakit parang nawala lahat ng tiwala nya para sa akin? Naiintindihan ko namang nasaktan ko sya ehh. Pero bakit ayaw nila sa akin makinig? Sa paliwanag ko..
Pero, kung sabagay, kasalanan ko din. Ginusto ko din naman yung paghalik ni Michelle.. Bakit kasi ang tanga tanga ko?! Bakit hindi ko agad sya tinulak?! Bakit hinintay ko pang may makakita?! Bobo ka Patrick!! Tanga!!!
Sana, maging okay na kami.. Someday.. Someday.. Pero, kelan pa?!! Siguro nga kelangan ko syang bigyan ng space.. Hayaan syang maging maligaya at ilayo na muna sa problema lalo na't buntis sya.. Dinadala nya yung anak NAMIN...
Sana sa pagbigay ko sakanya ng oras at space para makapag-isip, hindi nya makalimutang mahal na mahal namin ang isa't isa... Sana alagaan nya ang sarili nya.. Andami kong hinihiling na SANA no?
Hanggang dun nalang naman kasi ang magagawa ko para sa MAHAL KO.. Ang humiling para sa kaligtasan nya, pero hindi ko naman sinasabing pababayaan ko na sya... Magsusumikap lang ako para sa amin... Para kung sakali, na mabuo ulit kami, kaya ko silang buhayin... Kaya ko silang itaguyod ng hindi umaasa sa iba. Gusto ko maghirap para sa kanila...
Isang araw, magkakatuluyan din tayo, Ella... Magiging masaya ang mga anak natin na tawagin tayong hari at reyna nila... Sila naman ang magiging prinsesa at prinsepe ng bubuoin nating palasyo... Balang araw... Tayong dalawa pa din hanggang dulo.. Magpapakasal tayo at bubuo ng masasayang alaala para palitan ang masasakit at mapapait na pangyayare.... Balang araw, magiging masaya din tayo...
Pero sa ngayon, hanggang pangarap na muna ako... Hanggang sana... Hanggang hiling... Hanggang tingin mula sa malayo... Naghihintay na magkatotoo ang bawat sana at hiling na hinihingi ko... Hanggang dasal sa mabuting kalagayan mo...
Dahil MAHAL NA MAHAL KITA ELLA DIMALANTA...
Paalam muna, mahal... Babalik ako pag handa ka na...
------------------------
End of Chapter 8...
Comment, Vote and Become a faaaaaaaan!!!! :D

BINABASA MO ANG
Growing Up (What If?) [KathNiel]
FanfictionPatrick fell in love with Ella at the age of 15. He was willing to wait until they both turn 21 but, WHAT IF they make a mistake that will turn their lives up side down? Will they still grow strong, or will they just forget about their feelings? How...