Chapter 5!!! (Ang tinutukoy ni Ella)

624 4 0
                                    

- Ella's Mama's POV -

May napapansin akong kakaiba kay Ella. Nagiging matakaw sya. Kahit yung mga pagkaing ayaw naman nya noon, kinakain na nya ngayon. Blooming din naman anak ko. Alam kong hindi lang dahil inlove sya. Alam ko kung ano ang buntis. Nabuntis din naman ako noon. Madami pa akong pangarap para sa kanya. Pero, kung sakali mang may nagawa nga syang pwedeng magbunga, tatanggapin ko naman yon. Alam ko ang pakiramdam. Maaga din naman kasi akong nabuntis sa kanya noon.

Kaya kong tanggapin kung sakali mang mabuntis sya ng maaga, pero, alam kong hindi nya kaya. Kilala ko sya. Man-hater yan. Dahil sa ginawang pag-iwan sa amin ng Papa nya noon. Kaya, nagpapasalamat ako dahil dumating si Patrick. Pero, sana, sa oras na subukin sila ng tadhana, wag nyang iwan si Ella...

Nandito pala si Patrick. Hinatid si Ella..

"Tita.." -Patrick.

"Oh, Patrick! Uuwi ka na ba? Si Ella?" -Ako.

"Ahh, opo. Nakatulog po eh. Pagod ho siguro sa school." -Patrick.

"Patrick, hindi ka na iba sa akin. Sana kung may problema man kayo ni Ella, sabihan mo din ako. Hindi naman kasi pala-kwento yang anak ko sa akin." -Ako.

"Opo, Tita." -Patrick.

"Pwede bang magtanong?" -Ako.

"Oo naman ho. Kahit ano ho iyan." -Patrick.

"Nung nagpunta kayong open-party nung isang buwan, dun lang ba talaga kayo nagpunta? Nagkainuman ba kayo?" -Ako.

"Ahhh, Tita...." -Patrick. Mukha namang kinabahan sya sa tanong ko.

"Patrick, wag kang matakot sa akin. Sabihin mo lang ang totoo at hindi ako magagalit. Didirechuhin na kita. May nangyare na ba sa inyo ng anak ko?" -Ako.

"Ahh.. Bakit nyo po naitanong?" -Patrick.

"Napapansin ko kasing mukhang nagkakalaman laman sya eh. Tumatakaw din sya. Isang beses, nakita ko syang nagsusuka. Buntis ba sya?" -Ako.

"Sorry po, Tita..." -Patrick. Tama nga ang hinala ko. Napayuko naman si Patrick.

"Wag mong pababayaan si Ella. Lalo na ngayong, magkaka-anak na kayo. Wag kang mag-alala dahil hindi ako galit. Naranasan ko rin ang mabuntis ng maaga. Wag nyo sana ituring ito na isang pagkakamali." -Ako. Naiintindihan ko naman talaga sila.

"Opo, Tita. Makaka-asa ho, kayo..." -Patrick.

- Ella's POV -

Nandito kami ngayon ni Patrick sa ospital. Hindi dahil merong may sakit sa aming dalawa kundi dahil, buntis ATA ako. Oo, may nangyari samin ni Patrick nung open-party. Alak pala kasi talaga yung pinainom sa amin nung mga babae dun.

Natatakot akong sabihin kay Mama. Kasi baka magalit sya. Natatakot din naman ako sa mga ihuhusga ng mga tao sakin, kay Patrick at sa magiging baby namin.

"Next! Ella Dimalanta." -Dra. Dela Cuesta. Siya yung magchecheck-up at ultrasound sakin. Naeexcite ako na kinakabahan.

"Good morning, Ms. Dimalanta and Mr Rivero." -Dra. Dela Cuesta.

"Good morning din ho." -Ako/Patrick.

"Halika dito, mahiga ka, iha." -Dra.

Humiga naman ako at nilabas yung tiyan ko. May nilagay silang parang jelly na ointment na malamig. Tapos, sinimulan na yung ultrasound.

"Nakikita nyo ba ito? *turo sa screen ng monitor* Yan ang baby nyo." -Dra. Dela Cuesta. Naluha naman ako dahil first time kong makita yung baby namin.

"Ikaw, iho, gusto mo bang marinig ang heartbeat ng baby?" -Dra.

"Pwede ho ba?" -Patrick. Nakita ko namang medyo napangiti sya.

Growing Up (What If?) [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon