Chapter 7 </3

485 3 0
                                    

- Author's POV -

It's already on the 6th month of Ella's pregnancy. If you see her belly, you can really say it is a big baby in there. Her baby must be tall like the father..

Patrick.. He's so young to be a father.. But, he is a man. Pinaninidigan nya ang salitang "FOREVER". He proved that 'AGE IS JUST A NUMBER'. His age didn't matter for him to man up and face the consequence of their actions.

- Ella's POV -

3 months na lang, lalabas na si DJ. Haha. Yan kasi yung naisip naming nickname ni Patrick para sa baby namin.

Wala pa kaming nagiging problema. Naging thankful naman ako dun dahil bawal ang ma-stress ang buntis. Ngayon, masasabi kong mahal nga akong talaga ni Patrick. Sa totoo lang, napakathankful ko dahil sya ang naging ama ng anak ko. Dahil, kahit na bata pa man kaming magkaka-anak, eto kami ohh! Daig pa yung mga nasa tamang edad na. Kasi, hindi namin naisip na ipalaglag tong baby. Yung parang we handled it both very mature. Lalo na si Patrick.

Umamin sya sa mommy ko na nabuntis nya ako. Hindi sya nagduda na sya yung ama. Kasi nakikita ko syempre sa iba, bago nila gawin yon, sasabihin nila, paninindigan nila. Pero, pag nandyan na, tatakbuhan na nila yung responsibility nila. Si Patrick, hindi nya na sinabeng paninindigan nya ako. Basta ginawa at ipinakita nya nalang. Action muna sya bago words. Ewan ko nalang kung anong mangyayare sa akin pag nawala sya sakin. Lalo na ngayon na may baby na kame. Basta, baby, a little more wait... Makakasama ka na din namin...

- Patrick's POV -

Nandito ako ngayon sa resort. Dinalaw ko kasi yung Mama at Papa ko. Nakakamiss kase sila ehh. Si Ella naman, nasa bahay lang. Kasama nya si Tita. Nagpaalam akong uuwi din ako agad.

"Patrick? Ikaw ba yan? Ikaw nga!" -Michelle?!!

"Michelle?!! Anong ginagawa mo dito?!! -Pagalit na tanong ko. Tumakbo naman sya papunta sakin at yinakap ako.

"Patrick... Namiss kita.. Sobra..." -Michelle. Sasagot sana ako at itutulak sya pero, bigla nya akong hinalikan sa labi.

Eto yung pangarap ko noon na mangyare. Siya yung pangarap ko noon na babae. Siya yung pinapangarap ko noon na makasama. Napapikit ako sa pag-iisip tungkol sa mga pangarap ko noon para sa akin, sa kanya, sa aming dalawa.

"Patrick?!!"

Sabi ni

Tikoy

Winston

Britney

Tammy

Jason

At

"E-ella?!" -Ako. Napatulak agad ako palayo kay Michelle.

"P-Patrick... Akala ko ba, okay tayo? Masaya naman tayo ah?" -Ella.

"Patrick?? Sino sya?" -Michelle.

"She's the girl that made my brother feel important when you threw his broken heart away. She was the one who picked and fixed his broken heart for it to be one again. Bakit ka pa bumalik?!! To ruin my brother's life again!?" -Kuya.

"K-kuya..." -Ako.

"Patrick, alam ko na matalino ka. But, pano mo to nagawa kay Ella? You're my brother. Pero, Ella's pregnant. Di dapat sya nagkakaproblema." -Kuya.

"Patrick, pinagkatiwalaan kita na di mo sasaktan yung bestfriend ko, kailanman. Pero, nagkamali ata ako." -Tammy.

"Sana nangyare to noon pa... Bago pa magkalaman tong tiyan ko. Para madali para sakin na makuha ka ng iba. Kase ako lang yung mawawalan. Pero, hindi eh. Pati anak ko, mawawalan ng tatay. Patrick, may nagawa ba kong mali? May hiningi ka bang di ko nabigay? Hindi ko ba naparamdam sayo na mahal na mahal kita?! Na kahit na wala kang ginawa noon kundi bwisitin ako, tinanggap pa din kita. Sana mahal mo talaga ako.." -Ella. Umiiyak sya. Hindi ko alam anong gagawin at sasabihin.

"Ella.. Hayaan mo sanang magpaliwanag ako... Mali ka ng iniisip." -Ako. Di ko na din napigilan ang mga luha ko.

"Sorry, Patrick. Ay mali! Wala pala akong kasalanan. Sige. Wag ka na munang umuwi samin. Ipapadala ko nalang kay Jason yung mga gamit mo sa bahay. Nagawa ni Mommy na palakihin ako na mag-isa. Siguro naman, kakayanin ko din na palakihin tong anak ko ng wala ka. Nandyan naman mommy ko eh. Nandyan din ang barkada. Sayo naman, miss, ingatan mo sya ha? Mahalin mo. Kase, minahal ko sya. Higit pa sa buhay ko. Ito nga oh, kahit bata pa kami, nakabuo na kami. 3 months nalang lalabas na. Pero, wala yun. Ayos lang. Kakayanin ko para sa anak ko. At Patrick, sana wag mong gawin sa kanya tong ginawa mo sakin... Please... Wag ka munang magpapakita sakin." -Ella.

"Makaka-asa ka, Ella? Tama ba?" -Michelle. Nginitian lang sya ni Ella ng pilit.

"Ella, wag naman ganito. Pag-usapan naman naten to. " -Ako.

"Tama na, Patrick. Sige na. Aalis na ako." -Ella.

-Michelle's POV -

Sus. Ang drama ng babaeng to. Oo, naaawa ako sa kanya. Pero, sorry sya! Ako ang nauna kay Patrick!

- Ella's POV -

Binabawi ko na ngayon ang sinabe kong masaya kami. Na wala kaming problema. Kase, wala nang KAMI eh. AKO nalang at SIYA ang meron ngayon. Kanya kanya na. DATI, ISA KAMI. NGAYON, DALAWA NA.

Masaya at kumpletong pamilya lang naman ang hinahangad ko para sa anak ko. Bakit pinagkait pa? Tinanggap ko naman na di kami nagkaroon ng kumpletong pamilya ni Mama. Pero, parang hindi ko ata kaya sa magiging anak ko.

"Anak..." -Mama. Tapos, yinakap nya ako. Umiyak lang ako ng umiyak sa kanya hanggang sa nakaramdam akong antok.

Nagpaalam na ako kay mama na aakyat na ako sa kwarto ko. Ipinauwi ko na din kay Jason yung mga gamit ni Patrick dito. Tumawag din si Tammy na pupuntahan nya ulit ako dito. Onting lakad nalang ay nasa kwarto na sana ako. Pero di ako naka-abot ng bigla akong madulas.

Agad akong pahawak sa tiyan at balakang ko. Naramdaman kong nabasa yung bandang kita ko. Baka tubig lang to. Hinawakan ko yung basa. Pero, pagka-angat ko ay dugo ang nakita ko.

"Maaaaaaaa!! Waaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!" -Tili ko.

"Anak? Anong---ANAK!!!!" -Mama. Napatakbo agad sya sa akin. Ng maabot nya ako ay, nagdilim na yung paningin ko...

--------------

End of Chapter 7.

Short update. -_- Lutang eh. Hope yah like it :)

Comment, Vote, become a Fan! :D

Growing Up (What If?) [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon