Chapter 6

89 16 0
                                    

Narrator's POV

8 years later....

Marami nang nabago sa pamilyang Gonzales.

Si Charlie? 16 years old na sya. Grade 11. Balak nyang kumuha ng medicine sa college. Medicine din kasi ang kinuha ng noona nya kaya balak nyang ituloy ang pangarap ni Chaera.

Christian Gonzales? Charlie's father? He's doing well in his career as a doctor. He was a scientist before pero mas pinili na nya ang pagiging doctor sa ngayon. Besides, graduate din naman sya ng medicine.

Kasalukuyang nag aaral si Charlie. Simula nang mawala ang ate at mommy nya his life seemed dark. Hindi sya naging masyadong malapit sa daddy nya tulad ng dati.

Nawalan kasi sya ng tiwala sa tatay nya. Tuwing araw ng mga patay, binibisita nila ang mommy nya na si Kaylee Park. Lagi nyang tinatanong kung bakit hindi nila binibisita si Chaera. Nagagalit lang naman ang ama nya kaya nagkaroon sya ng pagdududa.

"Charlie, hindi ka pa ba kakain?" Sabi ni Ate Celia.

Oo hanggang ngayon si Celia at si Rose parin ang kasambahay nila.

"Mayamaya pa po. Malapit na kong matapos." Sagot ni Charlie.

After a few minutes, Charlie's phone rang.

"Hello? Kuya Brian?"

Brian? Well, isa na rin syang doctor. He's doing well. Malayo na rin ang kanyang narating kahit isang taon palang syang doctor. He's one of the few people that Charlie trust. Brian took care of Charlie. He guided him specially during the times nung hindi pa nya matanggap ang pagkawala ng mommy at ate nya.

"Oh, Charlie. Kamusta exam mo?"

"Okay naman." Charlie smiled.

"Ano namang ginagawa mo ngayon?"

"Ah.. Nagaaral lang ako ngayon. Ikaw po?"

"Wala naman."

"Ah sige Kuya Brian. Kakain na ko. Bye na po."

Binaba na nya ang tawag. Gabi gabi tumatawag si Brian. Minsan, nagbobonding sila kasama ang mga ibang kaibigan ni Brian. Sila sila parin naman ang magkakaibigan eh. Maliban lang kay Paul na nasa ibang bansa na.

After dinner...

"Charlie, halika dito. We need to talk." Biglang sabi ng Daddy nya.

Charlie's POV

"Ano po yun?" Charlie said.

"Kailangan ko munang magpunta sa London."

"Para saan po? Gaano po ba katagal? Sandali lang naman diba?" I asked.

"***** Medical Center is going to transfer my clinic into a hospital there. 5 years maybe."

"Po?! Bakit po ganun katagal?!"

"It's for your own good Charlie. Besides, it will just take 5 years. After that dito na ulit ako magdodoctor." He explained.

"Dad. Iiwan mo din ako? Magisa na nga lang ako dito, iiwan mo pa ko?" Galit kong sabi.

"Charlie, malaki ka na. And besides, magiiwan ako ng makakasama mo dito." Sabi nya.

"Dad naman!" Napalakas ang boses ko.

"Kakasimula lang ng school year alanganamang lumipat ako ng bahay. Kina Kuya Brian? Dad, 8 years na kong nakabuntot sa kanila!"

"Charlie! Hindi mo ba nakikita na after two years college ka na rin? Hindi pa nga sapat yung kinikita ko para sa pagaaral mo sa college eh!" Napagtaasan na din ako ni daddy ng boses.

Once Your SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon