Chapter 15

69 14 0
                                    

Chapter 15

Charlie's POV

Maaga akong nagising. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko masaya ako.

"Oh ang aga mo nanaman." Ang gandang bati sakin ni Ate Celia.

"Magandang umaga po." Bati ko rin sa kanya.

"Aba. Ang bait mo ata ngayon. May nakain ka ba?" Tanong nya.

Hindi na 'ko sumagot.

"Nay, hindi pa ba nababa si Chaera?" Pumasok si Ate Rose dito sa kusina.

"Hindi pa. Baka nagchacharge lang yun." Sagot ni Ate Celia.

Matapos 'kong kumain, narinig kong sumigaw si Ate Rose.

"Nay! Wala dito sa kwarto si Chaera!"

"Baka naman umalis lang." Para bang walang pake si Ate Celia.

"Nay naman, hindi umaalis yun ng walang paalam eh."

"Kapag hindi pa bumalik ng 7:00, tsaka ka magwala." Kalmadong sabi ni Ate Celia.

... Kailangang tumigil na sila sa pagaalala... Kung hindi, sasabihin nila kay Daddy. Hahanapin ni Daddy si Chaera.

"Ate... Nakita ko syang lumabas kagabi." Banggit ko. "Sabi nya matatagalan daw sya ng pagbalik. Hwag daw tayong magalala." Sabi ko habang naka tungo.

"Oh, diba Rose? Hwag daw tayong magalala. Babalik din yun."

___

"Charlie!!!" May narinig nanaman akong sigaw ng babae. Ugh... Ang aga ko kasing pumasok.

"Si Charlie Gonzales!!! Ayun oh! Dali! Bilisan natin!" Sigaw nanaman nila.

"OMG!!! Ang gwapo nya, girl!!!"

"Shet, and aga nyang dumating! Hinahanap nya 'ko shet!"

Fck... Mga assumera.

"Charlie takbo bilis!" May narinig akong boses ng lalaki. Tumingin ako sa harap ko para malaman kung kanino nanggagaling. Kay Yohan.

"Gago! Bilisan mo pagkakaguluhan ka dyan!" Tawag nya ulit. Napansin kong kasama nya si Ben.

Tsaka lang nagsink in sakin na malapit na sakin yung mga assumerang bruha.

"Huy! Charlie!" Tawag ni Ben.

"AHH!!! CHARLIE!!!" Sigaw nila sabay sabay.

"Shit." I mumbled and started running towards Yohan and Ben.

"Dude, bakit ka naka tanga dun?" Tanong sakin ni Ben.

"Ewan basta. Bilisan nyo nga." Sagot ko. Sabay sabay kaming tumakbo.

"Ang dami mo palang fans Charlie." Banggit ni Yohan.

"Aish. Bilisan mo nga." Sagot ko ulit.

"Oh... Nawala na ata sila." Tumigil kami sa harap ng classroom.

Oo... simula siguro nung dumikit sila ng dumikit sakin, naging medyo close na rin kami.

"Oh, bakit ang tagal nyo?" Tanong agad ni David pagpasok namin sa room.

"Daming fans ni Charlie eh. Kung saan saan pa kami umikot para lang matakasan namin." Sagot ni Ben.

"Eh??? Si Charlie maraming fans???" Nagtatakang tanong ni Macky.

"Oo. Mga kaklase natin karamihan eh. Hindi lang nagpaparamdam pang may klase." Sabi ni Ben.
Umupo ako sa table ni Macky.

"Tsss... Charlie may problema ka ba kagabi?" Inakbayan ako ni David.

Once Your SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon