Chapter 27

53 9 0
                                    

Chapter 27

Chaera's POV

Bago ako umuwi, naisipan kong sunduin si Steff sa salon ni Tita Cherry.

"Steffanie, uwi na tayo." Sabi ko.

"Uy tamang tama pauwi na 'ko." Masaya nyang sabi.

Buti pa sya kaya nyang maging masaya. Ako naman... magkaka high blood na ata. Argh.

Habang naglalakad kami papuntang sakayan, hindi ko mapigilang hawakan sya ng mahigpit.

"Steffanie, hwag na hwag ka nang lalapit sa Charlie." Cold kong sabi.

"Hmp. Ate pinagusapan na natin 'to diba?"

"Steffanie, mapapahamak ka kapag kasama mo yun."

"Ate naman eh."

Habang nakasakay kami sa jeep nakatingin ako sa kanya. Kitang kita ko sa mata nya na naiinis sya. Grabe naman 'tong batang 'to! Hindi pa nama sila ganoon ka close! Nakakaaduwa eh!

Hay nako! Hindi ko din matiis 'tong si Steffanie eh!

"Steff, after 18 weeks, kapag hindi ka parin nasasaktan, hahayaan ko na kayo."

"18 weeks?" Napakunot sya ng noo. "Bakit ang tagal?"

"Bakit ayaw mo? Sige 1 week." Sabi ko.

"Ay ate hwag. 18. 18 weeks." Ngumiti sya.

18 weeks. 4 months 2 weeks. Kalhati ng 9 months. After 9 months tsaka sya ibabasura ni Charlie.

"Promise?" Tanong ko.

"Promise." She grinned.

At sa 18 weeks na yun... I'll do everything para makita nya na walang magandang maidudulot sa kanya si Gonzales.

Steffanie's POV

Ilang beses ko nang tinitigan yung notebook ko pero hindi ko parin maintindihan yung notes ko. Maganda naman ako magsulat. Naintindihan ko naman kanina yung ineexplain ni Sir.

Ang problema..... tinatamad ako mag aral grabe.

"Ahhh!" Sigaw ko habang uminat. Malalim na ang gabi. Hindi ko na trip magpaturo kay Ate. Baka lowbat na yun.

Malapit nang mag 10. Hindi parin ako natutulog. Kailangan kong matapos 'tong pinagaaralan ko.

Inulit ko ulit yung binabasa ko. Ang hirap talaga intindihin kapag inaantok ka na.

Ilang minuto na ang dumaan ganoon parin ang nangyari...

Malapit na akong malunod sa kama - este makatulog haha - hanggang sa narinig kong magring yung phone ko.

"Low?" Sabi ko sa sobrang antok... hindi ko na tiningnan kung sino yung tumawag. Hindi ko na rin nasabi ng maayos ang Hello... ahahaha.

[Oh bakit gising ka pa?] Narealize ko na si Kuya Charlie pala yung tumawag.

"Hindi pa ko tapos magaral." Sabi ko habang humikab. Jusko. Hahaha.

[Inaantok ka na eh.] Narinig kong tumawa sya mula sa kabilang linya.

[Matulog ka na.]

"Hindi pa nga ako tapos magaral!"

[Sige bahala ka. Magiging panda ka!] Pangaasar nya.

"Matagal na akong panda okay? Hindi lang talaga halata kasi sobrang ganda ko."

[Hahaha. Ganoon ba? Sige. Tulog ka na hah? Hwag nang makulit hahaha.]

Once Your SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon