Chapter 52

22 2 0
                                    

Chapter 52

Chaera's POV

"I-I l-love y-y-you too."

Hindi ko makita kung nasaan ako. Malabo ang paningin ko at mukhang gumagalaw ang labas. Tila parang may nagdadala sakin pero komportable parin ako. May mga puno sa paligid at mukhang liblib ang lugar.

"Noona!" Isang boses ang narinig ko at naramdaman kong kumapit sakin.

Paglingon ko sa harapan ko, mirrors broke, screams heared, and I felt like dying.
___

Napamulat ako. Nakita ko nanaman ang pagkamatay ko. Napatingin ako sa paligid at nakita ko rin ang isang pamilyar na kisame. It was the same plain white ceiling I saw before.

Naramdaman ko ang mga pamilyar wire na nakasaksak sakin.

Magaan ang pakiramdam ko. Feeling ko bagong silang lang ako. Parang pinatawad na ng kalangitan ang lahat ng kasalanan ko sa sobrang gaan.

"Daddy?" Iyon lang nasabi ko ng makita ko ulit si Daddy.

Para bang naulit muli ang araw na nagising ako bilang Cyborg.

"Chaera." Isa isa nyang tinanggal lahat ng wire na nakasaksak sakin. Mukha syang nalugi. Galit ako sa kanya. Gago lang eh. Siya na nga yung nangakong aalagaan nya ang pamilyang 'to lalo pa nyang sisirain.

"Si Charlie po?" Tanong ko agad nang makatayo ako. Kahit medyo nahirapan ako sa pagbabalance ay pinilit kong magmukhang casual.

"He left..." Sabi niya at huminga ng malalim. "He went to Kaylee." Kita ako ng guilt sa mukha nya.

Agad naman akong tumayo ng ayos dahil sa sinabi nya. "I have to leave." Sagot ko at nagdirediretso palabas ng laboratory. Wala na kong panahon para kausapin sya. Kailangan kong makita si Charlie.

Wala akong dahilan pero nagaalala ako sa kanya.

"Chaera wait!" Tumigil ako nang tawagin ulit ako ni Daddy.

"Please be careful. I can't loose you too." Sabi nito. Wala naman akong pakialam sa sinabi nya.

People always say they'll stay, but whatever happens, they will always leave.
___

I ran as fast as I can habang hawak hawak ang payong ng mahigpit. Baka liparin ng hangin. Malakas ang ulan at hangin. Wala akong panahon para magpatila dahil kailangan kong makita si Charlie.

Napatigil ako. Hingal na hingal ako. Kahit umuulan at malamig ay pinagpapawisan parin ako.

My eyes looked everywhere until I spotted somebody soaking wet in the rain while sitting beside a tomb. Si Charlie.

Dali dali ko naman syang pinayungan. "Ano ka ba?! Ang lakas lakas ng ulan tapos uupo ka lang dito?!" Pagsesermon ko sa kanya.

Hindi sya kumikibo. Napansin kong umiiyak sya at wala rin syang balak sumunod sakin. Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko ang sarili ko sa kanya. Yung pagiyak nya. Yung lungkot sa mga mata nya.

Kailan ba kita di matitiis. Agad akong lumuhod para maging magkapantay kami and back hugged him. Tiniis ko ang sakit ng batok kong nagsimulang gumapang hanggang ulo. Mawawala din naman yan.

"Ikaw ba talaga si Noona?" Mahinang bulong nito.

"I don't even know." Sagot ko sa kanya and then sighed. I buried my face on his shoulder. Basang basa sya at nararamdaman ko na nababasa na rin ako.

Hindi parin ako kumakalas sa pagkayakap sa kanya. I don't want to let go. I don't want to die. I don't want to leave.

Pero sino ba ko para kalabanin ang tadhana?

Once Your SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon