Chapter 17

80 12 0
                                    

Chapter 17

3 YEARS LATER

Chaera's POV

I looked at the mirror one last time.

"Hey, aren't you ready yet?" Pumasok si Steff sa kwarto.

"Steff, mamimiss ko ata yung buhok ko eh!" Sagot ko.

"Ate, two years na tayong magkasama. 30 years na kayong magkasama ng blonde hair mo. Don't you want a new one?" Inakbayan nya ako.

"What? Sinasabi mo bang kukulayan mo yung buhok ko para pareho tayo ng hair color? Tsaka I'm still 19, nobody can change that." I raised an eye brow.

"No. I'll dye mine a different one. Yeah 19, 30, 22. Ang gulo!" She smirked.

"Bakit ka nga ulit nage-english?" Tinaasan ko sya ng kilay haha.

"Uh. I have a play coming. As much as possible I need to practice doing adlibs. English." Ngumiti sya.

"Ah."

Sabay naming tinitigan ang mukha namin sa salamin. My eye's brown now. May suot akong contacts.

"Anong kulay idadye mo Steff?"

"Ahahaha. Secret!"

"Bakit?"

"Basta, let's go!" Hinila nya ako palabas.

"Teka, alam ba ni Tito Alex na male-late ako?" Tanong ko.

"Of course. 'Pa! Kuya! Alis na kami!" Huling sigaw ni Steff bago kami lumabas.

Oo. Tatlong taon na ang lumipas. Sanay na ako kina Steff. Mayroon na akong trabaho. Maliit man, atleast nakakatulong ako kina Papa. Isang akong waitress sa isang cafe. Ang mayari nun tito nina Steff, kaya tito din ang tawag ko. Nagpapart time dun si Steff eh. Ako naman full time haha. 8 am to 9 pm, Tuesday to Sunday ako dun. Alam naman ni Tito Alex na robot ako eh.

18 years old na si Steffanie. 20 naman si Ken. Ganun parin. Nagaaral si Steff, scholar parin, nagpapart time, nagpeperform. Si Ken, nangangalakal, nagtitinda sa kanyang munting junk shop. Si Papa naman, nagkaroon narin naman ng simpleng trabaho. Simple lang pero yeah... Nakakapag ipon naman kaming apat.

Kagabi, niyaya ako ni Steffanie na magpakulay ng buhok. Everywhere I go kasi, people call me blondie. Yah. Si Steffanie naman ang magkukulay sakin. Alam din nung mayari ng Salon na robot ako. Tita ni Steff yun eh. Doon sya nagpapart time minsan.

"Tita Cherry, kukulayan ko buhok ni Ate hah!" Nagpaalam si Steff kay Tita.

"Oo! Siguraduhin mong hindi ko na sya tatawaging blondie hah! Gandahan mo!" Ngiti ni Tita.

"Of course Tita! Ako din hah! May play ako sa Friday eh!" Pinaupo na ako ni Steff.

"Anong kulay? Baka mag blue dip ka nanaman hah!"

"Hindi na tita! Red naman ngayon. Ganda ng character ko eh!" Tumawa si Steff.

"Steff, red ang ikukulay mo sayo? Baka magalit si Papa hah." Tanong ko sa kanya.

"Hindi yun. Sanay na sila na paiba iba hair color ko. Every two years lang naman ako nagkukulay. Kapag bongga ang character ko. Kapag may black na sa taas, kinukulayan ko na ng black, minsan 'di ko trip. Hinahayaan kong magmukhang dip." She shrugged.

"Ah. Steff, gandahan mo hah." I smirked.

"Yeah sure, Ate."
___

"Omg, do I look like Little Mermaid now?" Masayang sabi ni Steffanie.

"Uh yes? Little Mermaid ang character mo?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Yes!!! But!!! Modern version!" Masaya nyang sabi.

Once Your SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon