Chapter 26

62 9 0
                                    

Chapter 26

Chaera's POV

"Ken!!! Wala na 'kong E Candy!!!" Sigaw ko.

"Eto na! Kaya nga gumagawa diba?" Sigaw nya mula sa kusina.

Ang hirap kumalma sa situation na 'to. Bumabalik si Charlie sa buhay ko. Ang taong nagtapon sakin, ang kapatid ko...

"Ate!" Narinig kong tinawag ako ni Steffanie. "Aalis na 'ko hah."

"Magingat ka. Hwag kang sasama sa 'di mo kilala." Paalala ko sa kanya. She nodded in return and soon left for her raket ata.

"Oh, E Candy mo." Inabot sakin ni Ken ang isang supot.

"Salamat." Ngiti ko bago umalis papuntang cafe.
_

"Chaera! Magbihis ka dali!" Sabi ni Ate Lisa, isang waitress din dito.

"Bakit anong meron?" Tanong ko.

"5th Anniversary ng Cafe! Nakalimutan mo nanaman! Oh! Nandyan sa loob yung dress mo."

Ah... Nakalimutan ko nanaman. Tuwing Anniversary ng Cafe, palagi kaming nagiiba ng uniform. Ang nakakainis dress pa yung uniform, kainis.

Habang nagtratrabaho, hindi ko maiwasang isipin si Steffanie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang nagtratrabaho, hindi ko maiwasang isipin si Steffanie. Bakit naman itetext ni Charlie si Steffanie? Bakit? Bakit? Bakit? Diba? Hindi naman sila magkaklase. Hindi naman sila magkaibigan.

Dahil hapon na, kaunti nalang ang tao. Hiningi ko kay Steffanie yung number ni Charlie. Dahil mabait ang baby ko, binigay nya sakin. Buwahahaha.

Agad kong tinawagan si Charlie. I'm doing this for Steffanie not to ask him how is he.

[Hello? Who the fuck are you? Wrong number. Sorry.] Dirediretso nyang sabi.

"Christopher Charlie. Hindi 'to wrong number gago ka. Nasaan ka ngayon?"

[And why would I tell you?]

"Gago ka! Si Steffanie nga pinilit mong maging close kayo. Tapos ganyan ka ngayon? Si Chaera Kaye 'to. Ate ni Steffanie."

[Chaera? How the hell did you survived?]

"Nasaan ka nga kasi?" Nanggigigil kong tanong.

[On the way to Steff. Bakit?]

"Magpunta ka dito sa ****** Cafe. May paguusapan tayo."

[Tsk. Wala tayong dapat pagusapan.]

"Feeling mo naman namiss kita? Excuse me, this is about Steffanie."

[Why? Anong meron kay Steff?]

"Kaya nga pinapapunta kita dito! Paguusapan natin!" Naiinis kong sabi.

[Be there in 15.] Sabi nya tapos sya na ang nagbaba ng tawag.

Naghintay ako ng sandali. Alam naman ni tito na pinapapunta yun. Kaya alam nyo ba? Sabi kapag dumating bigyan ko daw ng libreng kape. Nakakainis lang diba? Magbibigay ako ng libreng kape sa mortal enemy ko... I rolled my eyes thinking of that thought.

Once Your SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon