Chapter 38

33 3 0
                                    

Chapter 38

Steffanie's POV

Napatingin ulit ako doon sa singsing na binigay sakin ni Charchar at ngumiti. Yieeeh. Kinikilig ako! Bigyan ka ba naman ng singsing ng crush mo diba?! Diba?!

Parang luka luka akong naglalakad sa kalye nang 6 ng umaga. Kase nemen. Mga ilang araw lang ang nakalipas simula noong binigay sakin ni Charlie 'tong singsing. Alam na rin ni Papa na nililigawan nya 'ko. Payag si Papa... so payag narin si Ate at Kuya! Hindi pa nagkikita si Kuya at Charlie... pero ang sabi ni Kuya... wala daw syang pake kung sino. Haha. Inggit kasi sya eh.... De joke. Si Ate naman.... hindi sya mukhang interested...

Masaya lang akong naglalakad sa kalye. Oo! Masaya talaga! Pa talon talon, skip skip, hop hop, gallop gallop. Hahaha. Wala naman sigurong nakatingin sakin at iniisip na takas ako sa mental. Like duh. Masaya lang yung tao eh.

Nang makarating ako sa simenteryo, bumili ako ng isang tangkay na bulaklak. Umupo ako sa harap ni Mama at nagsimulang magdasal. Pagkatapos kung magdasal tsaka ko kinausap si Mama.

"Mama. May sasabihin ako." Pagsisimula ko.

"Mama..... anong gagawin ko????? Nahuhulog na ko sa kanya as in!!!!" Parang bata kong sabi. Ako lang naman ang nandito kaya okay lang na umasal ako ng ganito dito. Hindi na ko natatakot sa mga ibang puntod dito. Basta bawal lang ang magkalat at syempre irerespeto mo dapat ang ibang puntod. Like hwag mong tapakan... tapunan ng kung ano ano... tabi tabi po... Like that.

"Ma. Okay lang ba 'tong feeling na 'to? Oh masyado pa kong bata? Ma!"

"Mama tingnan mo 'to." Pinakita ko kay Mama yung singsing. "Ganda diba? Ma? Ma, sa kanya galing 'to!"

"Pero Ma. Ang sabi nya friendship ring daw."

"Hindi naman ata ako friendzoned....."

"Kasi...."

"Ma..."

"Nililigawan na nya ko."

"Aaaaaaahhhhh Mama naman eh. Natatakot naman kasi akong sagutin! Baka mamaya mas gago pala sya kaysa sa ineexpect ko."

"Well, ilang linggo palang naman. Dapat matagal... para may thrill... Diba 'Ma?"

I smiled like an idiot. Komportable naman ako sa ginagawa ko. Alam ko namang naririnig ako ni Mama. Bakit naman ako mahihiyang magkwento sa Mama ko diba?

Dumaan ang ilang minuto na nagkwekwento lang ako kay Mama ng kung ano ano.

"Ay! Tsaka nga pala Mama! Sa susunod na punta ko dito... Susubukan kong isama si Ate Chaera. Para makita nyo naman." Ngumiti ako. Hindi pa kasi nakakapunta si Ate dito. Wala lang. Gusto ko lang makita ni Mama si Ate. Wala namang masama dun diba?

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Agad ko naman itong kinuha. Naaahh. Natawag si Charchar. Hahaha.

[Hello? Good morning Steff.]

"Good morning." Napangisi nanaman ako.

[Nasaan ka?]

"Ah... Pinuntahan ko si Mama... Bakit?"

[Wala. Sige. Ingat ka hah? May gwapo kang makikita na pupunta dyan mayamaya.]

"Luh. Pano mo nalaman?"

[Ang alin?]

"Na may nakikita akong gwapo na dumadaan ngayon?" Huehue. Ang sarap kasi asarin ni Charchar!

[Shut up. Sige na. See yaaaa.]

Hahahaha. Nagselos ang gago. Huehue. Magisa lang naman ako dito 'no!

Once Your SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon