Chapter 30

42 7 0
                                    

Chapter 30

Charlie's POV

"CHARLIE! NASAAN SI STEFFANIE?!" Nakaramdam agad ako ng masakit na suntok ng buksan ko ang pinto.

"DIBA SABI KO SAYO LAYUAN MO KAPATID KO HAH?" Nasampal pa ko. That's when I realized na it was Chaera.

Maraming nagsasalita sa paligid pero my eyes were glued to Chaera. Galit na galit talaga sya.

Kaibigan ko si Steffanie..... matagal ko nang inamin yun sa sarili ko. Paano nga kung... masaktan ko nga masyado si Steffanie? Sht anong kagaguhan 'tong pinasok ni David sa buhay ko?!

"Steffanie, uuwi ka na." Galit nyang sabi.

"UUWI KA NA!" Napa sigaw pa sya ng malakas.

"Chaera, tumigil ka nga." Pilit syang pinipigilan ni Kuya Brian. Naguguluhan ako, paano sila nagkita?

"Ate maghahang ka nyan eh!" Natigilan ako sa sinabi ni Steff... Hang? Alam ni Steff na cyborg sya?

"Basta umuwi ka na! Ayoko nang lumalapit ka kay Gonzales!"

Mabilis na nangyari ahg lahat. Ang sama ng pakiramdam ko. Feeling ko ang sama kong tao. Kaibigan na talaga ang tingin ko kay Steffanie eh. Hindi isang laruang pinagpustahan. Guilt is never my friend and will never be.

"Steff teka." Hinabol ko sya at hinila. Niyakap ko sya ng mahigpit meaning I feel so sorry to her and to Chaera.

"Sorry hah." Alam ko hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Dapat masaya ako mukhang nasisira na si Chaera. "Sorry." I kissed her forehead.

"Sorry din." Nagulat ako sa sinabi nya and to the fact na niyakap nya ako pabalik. I got no idea what she was sorry for.

I sighed... I will... no... I won't. I'm sorry. I got no idea how to see the future. Ang daming tumatakbo sa isip ko.

I forgot how to keep my promises.

I don't know kung tama ba ang ginagawa ko...

Steffanie's POV

10 pm na ng gabi pero marami paring tao sa paligid. Pauwi na ako. Grabe, pagod na pagod ako ng bonggang bongga! Buti wala akong dapat pagaralan ngayon! Nagaral na ko kaninang hapon! Nagmamadali ako ngayon dahil gusto ko nang ikasal sa kama. As innn.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng maramdaman kong magvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Itong si Charchar! Gabing gabi na eh! Tatawag pa!

I raised an eyebrow nang makita kong si Yohan pala. Seriously? Anong kailangan ng bading na 'to?

[Hello? Steffanie?] Dirediretso parin ako sa paglalakad.

"Bakit?"

[Si Yohan 'to. Kasama mo ba si Charlie?]

"Hindi! Bakit?"

[Ah... kanina pang hapon kasi hindi nagpapakita. Sige salamat. Good night nalang.]

"Ano yun nawawala? Ang laki laki na nung taong yun!"

[Oo alam ko. Matulog ka na. Bye.]

"Tatawagan ko sya. Sasabihin ko kapag sumagot." Sabi ko bago ibaba ang tawag.

Tinawagan ko naman si Charchar. Unattented. Grabe 'to hah. Baka naman may pinuntahan 'to. Tangkad tangkad nya eh... Mawawala?

Sa wakas sumagot din si Charlie. Dahil ayokong madukutan ng cellphone. Pumasok muna ako sa loob ng isang convenience store syempre kukuha na ko ng mabibili. Hahaha.

"Hello? Charchar! Hinahanap ka ng kaibigan mong bakla!"

[Hmm...]

"Anong hmm? Umayos ka nga! Nasaan ka?"

Once Your SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon