We Broke up

771 10 1
                                    

"ok guys sinu pa ang gustong mag share?" sabi ng MC sa bar kung saan napagkasunduan naming magkita kita ulit nila Taeyang.

"Eto ... dali na rico" sabi nung nasa kabilang table.

dahil no choice siguro kaya napilitan na lang pumanik sa stage nung tinatawag nilang rico.

"ok. ang sasabihin kopo ngayun ay para sa mga umiibig, umiibig paren kahit nasasaktan na kasi tanga...

Sampung bagay na natutunan ko mula sa mga umiibig

Una, napakatamis nang simula nang mga umaaga na ang bumubungad sayo ay ang kanyang muka. nag aalmusal ka nang Kilig at pagdating sa Gabi ay baon mo sya hanggang sa pagtulog.

Pangalawa, Napaka daling maging kampante at masanay sa pag mamahal at malunod sa kapangyarihan nang KAMI, nang TAYO nang ATIN pero panu naman ang kanya? paanu naman ang AKO? napadaling malunod sa akalang ang iyo ay mananatiling IYO,

Pangatlo, Mapapagod ka 

pero Pang Apat ang tunay na pag ibig ay hindi naman dapat sinusukuan 

pero Pang Lima ang tunay na pag ibig ay hindi laging sapat, kapag ang mga pakpak nito na ibinigay sayo ay bumigat.at naging kadenang ni ayaw kang pakawalan,

Pang Anim, ang pinakamabagsik mang apoy ay mamatay, maghanda ka sa sakit. Pero wag kang mag aalaga nang galit

Ito ang Pang Pito, iiwanan puno nang sugat at pilat nito, iiwanan ka nitong abo

at Pang Walo, Maghanda ka sa wakas

pero pang Siyam wala naman talagang nagiging handa sa wakas,

pero Pang Sampu! andyan ang wakas. At sa wakas mahalin mopa sya, sa tingin sa tanaw. mahalin mopa sya sa huling pag kakataon pagkatapos BITAW NA. 

thank you.." sabi ni rico at bumaba na nang stage

ang sakit naman nun, parang lahat sakin patama. kakabalik kopa lang galing america at ang ganda nang bungad sakin nang bar na ito ah.

 simula nang magkahiwalay kami ni isang saglit ay hindi sya nawala sa isip ko, para maka move on nag punta na lang ako sa america at duon ko tinapos ang pag aaral ko.

nag hiwalay kami dahil sa lintek na dahilan nyang ayaw nya akong madamay sa away  nang clan nila. malaking gulo daw kapag napahamak ako. 

Flash back!

"jiyong sige na pumayag kana." sabi nya sakin.

"papayag? papayag akong lumayo sayo? anu to lokohan huh Dara?" sagot ko dito. hinihiling nyang lumayo ako sa kanya.

"para din naman sayo to jiyong, ayokong mapahamak ka. saglit lang kapag naayus na naman ito pwede na ulit maging tayo" naguguluhan na talaga ako sa nang yayari. ayaw naman nyang sabihin sakin kung bakit mahabang paliwanagan daw

"bakit sa tingin moba hindi ko kayang protektahan ang sarili ko? sa tingin moba hindi kita kayang protektahan laban sa kung sinung herodes man yang kalaban mo?" pagka sabi ko nun ay tumingin ako sa kanya, pero blangkong ekspresyon ang nakita. 

walang pagmamahal, walang pakiramdam

"sa tingin moba madali sakin ito jiyong? sa tingin moba ? pero sige magalit ka sakin. mas mainam yan. lumayo ka muna." at umalis na sya sa inuupuan nya at lumabas nang restaurant. 

at iyon narin ang huli naming pagkikita. 

End of FlashBack!

at ngayun nga bumalik ako dito para lang magbakasyon, pero im not sure kung kapag nakita ko sya ay wala na ang sakit. sa loob nang halos 3 years wala kaming naging komunikasyon.

"Gd sorry late kami, naka order kana ba?" sabi nila Taeyang na kakarating lang.

"welcome back Pare. kamusta naman ang america" sabi ni Top sakin.

"walang pagbabago sa america. ako? hindi moba ako kakamustahin?" sinipat nila ako mula ulo hanggang paa.

"wala naman nag bago sayo bukod sa pula mong buhok. at medyo tumaba ka." sabi saking ni Seungri.

"at kayo wala parin nagbago sa inyo, mga ugok parin kayo." pabirong sabi ko. napag desisyonan kong magpakulay nang buhok para maiba naman. nakakasawa na ang laging itim na buhok. wala na ngang kulay ang love life ko pati buhok ko wala paring saysay.

"Gd maiba nga tayo, wala naba kayo ni Dara?" anu ba naman klaseng tanong yan?

"wala na kami. almost 3 yrs no communications? wala na siguro nga kapag nakita ko sya ulit wala na akong mararamdaman eh" seryoso kong sagot dito.

"alam moba sinasabi ni Tetsu na balik sa dati si Dara" eh anu naman? 

"hayaan mona siguro madali talaga syang magbago.." iniwasan kona ulit pag usapan namin si Dara, nakipag kulitan na lang ulit ako kena Seungri.

siguro tama yung tula, hindi kona ipipilit ang sarili ko kay Dara. para maharap namin ang kanya kanya naming mundo na maayus. baka talagang hindi kami para sa isat isa.

Dara POV'

"boss nakabalik na ulit si jiyong." sabi ni Tetsuya sakin. simula nang magpunta sya sa america lagi ko syang pinapasundan. lagi akong may balita sa kanya.

"sige keep an aye on him, ibalita nyo agad sakin kapag may nangyari" sagot ko sa kanila. papunta na kami sa hide out namin,

"Lo' ako nang bahala sa kanya please magpahinga na kayo. nga po pala bisitahin nyo naman ang restaurant nyu." sabi ko kay lolo.

"sige apo, pero mag iingat ka. wag kang masyadong makipag talo sa ugok na iyon, baka mamaya mabalitaan kona lang na nakipag bangayan kana naman sa kanya" bilin nito 

ang kulit naman kasi, hindi ko alam kung bakit ang laki nang galit ni Mr.Seo sa clan namin. 

nakakatanggap kami ng notice mula sa superior nang clan na kelangan na naming mamili nang hahalili kay lolo. at isa ito sa dahilan kung bakit ako nakipag hiwalay kay jiyong, ayokong mapahamak sya dahil sa papasukin ko, 

yes this time tatanggapin kona ang maging tagapag mana nang clan namin, pero patuloy parin ako sa pagtuturo. hindi ko basta basta maiiwanan ito dahil ito na lang ang paraan ko sa paglimot ko kay jiyong, hindi pwedeng makitaan nang kahinaan ang leader nang clan. malaking sagabal lamang ito.

"magandang umaga Ms. Park." panimula nito nang meeting

"walang maganda sa umaga kapag ikaw ang bumubungad agad , paki bilisan lang kasi may klase pako" sagot ko dito. nakakairita kasi kelangan ito pa ang mag simula nang meeting

"may malaking transaction tayo, bukas pa ang dating nila Lee mula sa China kaya paki deliver na lang sa kanya ang message ko" tsk. ano nya ako utusan?

"bakit hindi mo utusan ang mga alaga mo? marami akong gagawin at isa pa i have my own project. kung dahil lang dyan ang meeting na ito pwede naba akong umalis?" natatawa naman sya sa reaksyon ko.

"Ms. Park easy, gusto ko lang makita ang napaka ganda mong muka twing umaga" sabi pa nito.

"hindi porket isa ka sa mga superior dito pwede mona kaming paglaruan, baka nakakalimutan mo wala kapang napapatunayan, kaya mo lang naabot yang posisyon mo dahil sa papa mo." sabi ko sa kanya.

"oo wala pa nga pero kapag nakakita ako ni katiting na butas o kahinaan mo humanda ka sakin Ms. Park" wow as if meron?

"wala kang makikita. at hindi kita bibigyan nang pagkakataon." pagkasabi ko nun ay umalis nako. hindi kona kayang sikmurain ang pagmumuka nito. baka masuka lang ako.

"Boss saan tayo?" sabi ng driver ko.

"sa school, maaga pa naman kaya dun na lang ako mag aagahan. anung balita kay jiyong?" nakaka miss na sila. kahit sa malayo lang pwede koba silang tanawin?

"kahapon po ay nagkita kita silang lima. mukang maayos naman po sila" siguro tama lang ang ginawa kong pagpapalaya dito para naman magawa nya ang gusto nya na walang banta sa buhay nya. tama na sakin ang magmahal nang palihim.

hindi pwedeng unahin ko ang sarili kong kaligayahan, maraming mapapahamak. ayokong bumagsak ang clan naming matagal nang iningatan ni lolo.



My Girlfriend is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon