Friendship Goal

139 5 0
                                    

kinagabihan pagkagaling ko sa hide out kung saan inannounce ni Cl ang kasal nila ni Joon ay kinausap ako ni lolo. nakakapag taka talaga ang mga tao sa paligid ko. bakit parang may mga plano silang hindi ko nalalaman?

"Dara gusto kong wag kana munang maglalagi sa hide out. ipagkatiwala mo muna samin ang lahat. at gusto kong wala nang maraming tanong sumunod kanalang" tssss!! panu pako papalag?

"lo' anu po bang nangyayari? may gulo po ba? pwede po ba yun na kayo na ulit ang hahawak ng clan natin?" ewan pero hindi ko talaga maiwasan na magtaka sa mga ikinikilos nila

"basta magtiwala ka lang samin. sa ngayon ang asikasuhin mo kayo ni jiyong. tutal ay may 2 months kang bakasyon sa school bakit hindi kayo magbakasyon ni jiyong?" magandang offer yun ah.

"sige po kakausapin ko si jiyong about dun. pero mag iingat po kayo ipaalam nyo agad sakin kung may mangyari man" masaya akong isipin na magbabakasyon kami ni jiyong matapos ang parang long distance na relasyon namin nung mga nakaraang buwan.

naeexcite tuloy ako.

saan kaya makapunta?

kinabukasan pinuntahan ko sa kanila si jiyong at naabutan ko duon ang papa nya. nakakahiya man pero tumuloy parin ako. ito kasi ang una naming paghaharap matapos ang nanyari dati na pinakidnap ko sya at inakalang sya ang pumatay sa tatay ko.

"kamusta po. magandang umaga." yumukod ako dito bilang pag galang. 

"hija long time no see tuloy ka. Manang paki tawag nga ang anak ko paki sabi may maganda syang bisita.." umupo kami sa mesa nila

"tamang tama hija mag aagahan pa lang kami. sumabay kana samin" hayzt mabuti na lang at mabait ito kundi nayari na ako.

bumaba na si jiyong galing sa kwarto nya.

hinalikan nya ako sa pisngi pagkakita nya sakin. 

"bakit hindi moko tinext sana nasundo kita" bulong nya sakin pagkatapos naming kumain

"ji' umayos ka nga nasa harap tayo nang papa mo" ang pusisyon kasi namin ay para kaming naghahalikan 

"naku dont mind me hija. anu nga palang sadya mo dito?" napaayos ako nang upo nang magsalita ito. natawa naman si jiyong sa reaksyon ko. adik neto humanda lang sya sakin mamaya

"ahm ipagpapa alam ko lang po si jiyong. balak kopo kasing isama sya sa bakasyon kung pwede lang po.." sabi ko dito

natawa silang parehas sa sinabi ko

may nakakatawa ba?

tinignan ko sila nang is-there-something-wrong look talaga bang ganito ang mag amang ito kapag umaga? dapat pala hapon ako nagpunta. kakakain lang naman nila.

"hija hindi mo naman dapat pang pormal na magpa alam pa. pero ang cute mo habang ginagawa mo yun. wag kang mailang kapag nandito ka sa bahay namin malay mo in the future maging bahay nyu na rin ito" namula naman ako sa sinabi nito

"oo nga baby, tsaka wag kang mag alala kung ang lolo mo istrikto ibahin mo si papa. pinamimigay na nga nya ako eh." hay naku wala na si jiyong naman kasi eh.

"so saan nyo naman balak pumunta hija?" tanung ng papa ni jiyong

"ahm Mr. Kw--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko 

"Papa na din ang itawag mo sakin" hindi talaga ako sanay sa ginagawa namin ngayun. kulang na lang maglaho ako sa harap ng dalawang ito.

"ahm papa..." napangiti ito sa sinabi ko. "actually hindi pa ako nakakapamili ng pupuntahan namin gusto ko kasing dalawa kaming gagawa nun." sagot ko dito

"sige pag usapan nyu muna. at mauna na pala ako. nice to meet you again hija, jiyong ikaw na ang bahala sa girlfriend mo" paalam nito saming dalawa

hayst sa wakas makakahinga nadin ng maluwag

Jiyong POV'

kanina ng tawagin ako ni manang akala ko nag bibiro lang sya nang sabihin nyang may maganda akong bisita. pagkababa ko ay magkausap ang dalawang importanteng tao sa buhay ko. akala ko hindi na mangyayari pa ito. 

  "ahm ipagpapa alam ko lang po si jiyong. balak kopo kasing isama sya sa bakasyon kung pwede lang po.." sabi ni Dara kay papa. 

natawa kami parehas ni papa. para kasi syang batang nagpapa alam sa kaibigan na aalis sila. ang cute talaga ng girlfriend kong gangster. ahahhaha 

  "hon bakit naisipan mong mag bakasyon bigla?" tanung ko dito nang maka alis si papa

"bakit ayaw moba? sige ako na lang" hala sya oh

"ito naman nagtatanong lang." hinalikan ko ang buhok nya

namiss ko mag moment kasama sya

"syempre pampawala ng stress, ikaw siguro hindi ka na stress dahil puro babae ang nakikita mo sa trabaho mo anu?" ano to? hot sit? ahahhahaha

"marami man babae sa trabaho ko, pero ikaw lang ang nakikita nang mga mata ko" kala nya ah.

"tsk. bolera ka Mr.Kwon" sabi nya habang natatawa

matapos naming maglambingan ay iniwan ko sya sandali para tawagan sina Taeyang. alam kong namiss din nila si Dara kaya hindi ko ipagdadamot sa kanila ito. alam ko naman ako parin ang sasamahan ni Dara sa huli

nag utos ako kay manang na magluto nang marami sa tanghalian dahil may iba pa akong bisita "kung ganun mauna nako ji' baka hinahanap narin ako ni lolo" sabi ni Dara sakin. 

"sina YoungBae lang ang pinapunta ko." tsaka para malaman narin nila na kami na ulit ni Dara.

maya maya lang ay dumating narin sila.

kitang kita mo sa muka nila ang pagka miss kay Dara. pero syempre todo bakod ako

"congrats Gd" sabi nila saking apat

akmang yayakap naman si Seungri kay Dara pero ako ang sumalo nang yakap nito. "Dara i missing you so much Dara" tawanan kaming lahat sa sinabi nito

"guys intindihin nyo na lang" sabi pa ni Dara kaya lalo kaming nagtawanan

"nakakamiss naman itong bonding natin" sabi ni Top

mga naging busy narin kasi kaming apat

ako sa hotel

si YoungBae naman nagbalik school

ewan ko lang sina Top, Daesung at Seungri

"wala eh buti nga nagkita kita pa tayo ngayun" sabi ni YoungBae

sa totoo lang anlaki ng pasasalamat ko at naging kaibigan ko si YoungBae. ito kasi ang nagpamulat sakin na mahal ko pa si Dara. kundi dahil dito hindi ako ganito kasaya ngayun




....to be continue 

My Girlfriend is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon