"Bom pwede ka bang makausap?" papakiramdaman ko muna sya. sana lang makinig sya sakin.
"about saan?" mukang nasa magandang mood naman sya
"about sana sa plano natin laban kay joon." hindi ko alam kung paano ko sisimulan sa kanya.
"ah. malapit lapit na pala yun ah. balita ko binago mo raw yung venue pati yung simbahan ikaw na raw ang namili" sabi nito sakin
sa tingin ko ay mahihirapan akong kausapin sya
"alam mo nakikilala kona si joon, mabait naman pala sya" kunwaring sabi ko
"Chaerin pakitang tao lang nya yun sayo, wag kang madadala sa arte nya." payo pa nito sakin.
mukang wala nga akong pag asang pag ayusin silang dalawa
"kinausap nya si Dara, humihingi ng tawad sa nagawa nya" sabi ko dito. tinawagan kasi ako ni Dara matapos nilang mag usap ni joon, matapos nitong pag uusap namin ni Bom kay Dara naman ako pupunta.
"naku ako nga din eh tinawagan, alam ko naman na ang gagawin nya kaya tinanggihan ko. hindi kopa sya kayang harapin tungkol dun. masyadong masakit sakin. ininda ko yung ng halos limang taon, hindi basta basta yun" sabi nito.
nawawalan na ako ng pag asa
paniguradong magagalit ito sakin kapag nalaman nyang unti unti ay nahuhulog nako sa itinuturing nitong kaaway.
nag paalam nako kay bom at pumunta naman kay Dara. mukang wala naman akong mapapala. siguro hindi pa ito ang tamang panahon para patawarin nya si joon. hindi ko sya mapwepwersa, malaking pilat din ang ginawa ni joon sa kanya.
kung ako man ang nasa sitwasyon nya siguro ganun din ang gagawin ko. baka nga makapatay pa ako kapag ganun eh.
"Chaerin umamin ka nga sakin, may napapansin ako sayo pero gusto kong ikaw mismo ang magsabi sakin. sana lang mali ang hinala ko" masyado ba akong halata?
ganun ba kapag naiinlove?
pero bakit si Bom hindi nya mahalata ang gusto kong iparating sa kanya?
"tama ang hinala mo Dara. maging ako ay nagugulat sa sarili ko. ang problema ko lang ngayun ay si Bom." pag amin ko rito
"anu naman ang problema kay Bom?" wala pala itong alam na plano lang namin ang lahat.
"si Bom kasi ang may pakana kung bakit ako magpapakasal kay joon" nanlaki ang singkit nyang mata ng marinig ang sinabi ko.
"una naman ayaw ko. tsaka talagang arte lang ang pinapakita ko sa kanya, pero iba na kasi ang nararamdaman ko. hindi madaig ng galit ang nararamdaman ko ngayun para kay joon" dugtong ko sa sinabi ko.
"Chaera mahirap ang pinasok mo. panu kung papiliin ka ni Bom sya ba o si joon?" tsk yung ang pinakatatakutan kong mangyari ang mamili sa kanilang dalawa
"hindi ko alam Dara. alam ko naman mahirap itong pinapasok ko eh, nagpapanggap lang ako pero ako mismo ang kumakagat sa bitag na nilalatag ko. tulungan mo naman akong mag isip oh" pagmamaka awa ko rito
"sabihin mona hanggat maaga sa dalawa, wag mo nang patagalin pa Chae para hindi na lumalim pa ang galit nila sayo" may point naman ito pero natatakot ako sa kalalabasan ng pagtatapat ko sa kanila.
ngayon pa lang nakikitaan ng pag babago si joon
ayoko namang maputol agad iyon
"hindi ko alam kung kaya ko Dara. kanina kasi sinubukan kong kausapin si Bom pero hindi ko nakikita sa kanya na kaya nyang patawarin si joon" hayst anu ba itong pinasok ko.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Gangster
FanfictionPart 2 nang My Teacher is a Gangster ^^ Enjoy :D