halos mag iisang linggo na mula ng umamin kami kay Bom tungkol sa nararamdaman ni Cl kay Joon, at halos isang linggo narin mula ng hindi na kausapin ni Bom si Cl. hindi ko alam kung anung gagawin ko sa dalawang iyon. sabi naman ni Minzy na hayaan daw muna naming humupa ang lahat dahil unang una daw nasaktan ng lubos si Bom hindi daw nito inaasahan ang pag amin ni Cl.
parang nakaka guilty tuloy dahil ako mismo ang pumilit kay Cl na umamin na hanggat maaga. pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nagkaganun silang dalawa.
"come on Hon cheer up. walang mangyayari kung mag mumukmok karin dyan" sabi sakin ni Jiyong sa telepono.
"eh kasi naman, sana nakinig man lang si Bom sa paliwanag ni Cl bago sya nagalit" pero dapat pa nga ba?
kung ako ba ang nasa ganung sitwasyon anu kayang gagawin ko?
nasa america ngayun si CL para sa project nito
tingin ko sa kanya nilulunod lang nya ang sarili sa trabaho para lang malibang.
pero hindi ko masisisi si Bom
alam ko din naman kasi ang nararamdaman nya. hindi basta basta ang ginawa sa kanya ni Joon at umasa syang makakaganti na dito sa tulong ni Cl pero wala namang nangyari sa plano nila.
kinahapunan ay nag pasya akong pumunta sa Dance Studio ni Minzy
muka namang maayus sya sa kabila ng nangyari
tsaka ganun naman kami walang kampi kampihan. kung may problema ang dalawa hindi na kami makikisawsaw pa sa ganap nila.
"Unnie buti napasyal ka?" bati nito sakin.
ang ganda ng Studio nya .
may mga ilang litrato nya ang naka display at ilang video din ang nag auto play habang sumasayaw sya.
"ang ganda naman dito, buti at naisipan mong magtayo ng sariling Studio" buti pa sya may pag lilibangan samantalang ako ni hindi ako maka pag focus sa pagtuturo kakaisip sa nangyari
"iniisip ko nga kung magbibitiw nako sa clan. mas gusto ko dito nagagawa ko ang gusto ko, hindi kagaya pag nasa clan ka puro gulo" buti pa sya malayang nakakapag desisyon kung anuman ang gustuhin nya.
marami pa syang ipinakita sakin sa studio nya
may ilang picture pa nga na mag kakasama kaming apat
nakakamiss tuloy yung moment na nakunan ng picture nayon.
Chaerin POV'
after that scene with Bom kinabukasan ay si Joon naman ang hinarap ko.
sinabi ko sa kanya ang lahat. naglabas narin ako ng galit ukol sa ginawa nya kay Dara.
una nagalit ito pero siguro pilit lang nyang kinakalma ang sarili nya. after all babae parin naman ako.
"ok fine i admit i deserve it. hindi ko masisisi si Ms.Bom para pagplanuhan ako ng ganun. pati ikaw bilang kabilang ka sa grupo nila. i enjoy every moment with you Cl. sayang ngat hanggang dun na lang pala yun" sabi nito sakin
nakokonsensya ako
higit sa lahat nasasaktan ako
ganito siguro ang pakiramdam ng mga babae kapag nakikipag break sila sa mga Bf nila. pero ibang iba naman ang sitwasyon ko. wala naman talaga kaming relasyon ni Joon, ni wala kaming naumpisahan. arte lang iyon, lahat palabas lang.
"may gusto lang akong malaman mula sayo CL. and i want you to tell me the truth" sabi nito sakin. nakahanda naman ako sa lahat ng sasabihin nito.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Gangster
FanfictionPart 2 nang My Teacher is a Gangster ^^ Enjoy :D