Chapter 35

960 39 1
                                    






"JULIE.. JULIE..." mahigit dalawang oras na si Elmo sa labas ng bahay ng Ama ni Julie.

"Sir... mapapagalitan po ako eh.." sabi naman ng gwardyang nag babantay sa gate nila Julie.

"Manong pag bigyan niyo na ko.. gusto ko lang makausap si Julie.. tsaka makita yung mga bata... " pag mamakaawa naman nito.

"Sir...." nauubos na pasensyang sabi ng gwardya."baka magalit lang si Ma'am Julie.. tsaka Sir,kanina pa ho kayo dyan. Mag tatanghalian na ho..." pamimilit din nito.

"Mang Kris, anong nangyayari..?" Biglang lumabas si Julie na kasama si Star. Biglang nag kakakawag ang bata sa pag kakabitbit ni Julie.

"Da-da.." sabi naman ng bunsong anak nila at tumakbo kay Elmo.

Hinawakan agad ni Elmo ang muka ng anak kahit may nakaharang na rehas sa pagitan nilang mag ama. Lumaki naman ang ngiti ni Elmo ng makita ang bunsong anak. Mahigit tatlong linggo na sila Julie sa bahay ng kanyang ama kaya ganun nalang ang pag ka sabik nito sa anak nito.

"Sige na Mang Kris ako na ho ang bahala dito...." pag kaalis ng gwardya ay siya namang bukas ng gate ni Julie. Nag mamadaling binuhat at niyakap ni Elmo ang anak niya.

"Daddy missed you..." Elmo said while giving her daughter a sniff kiss. "Did you miss daddy?" Tanong pa nito.

Sunod sunod ang ginawang pag tungo ng bata at yumakap pa sa Ama.

"Julie..."

"Manang Cora... pwedeng pakikuha naman po si Star at may pag uusapan lang pi kaming mag-asawa." Sabi nito at kinuha ni Star kay Elmo.  Yumakap naman ng mahigpit ang bata sa leeg ni Elmo.

"No..no no... " sabi nito at hinahampas ang kamay ni Manang Cora. At lalong kumapit sa Ama.

"Star, come here.. go watch Sofia the first..  diba you want to watch it.. dali na sama kana kay Manang.." panimilit naman ni Julie.

Tumingin muna si Star kay Elmo at kay Julie. Humalik naman si Elmo kay Star at ngumiti.

"Go watch na.. "

"Otey... yabyu da-da.." magiliw paring sabi nito at sumama na sa kasambahay nila Julie.

Sinundan muna ng tingin ng dalawa ang bunsong anak nila bago ituon ng pansin sa isa't-isa.

"Julie... I'm sorry... alam ko sawang sawa kana pero ayan lang talaga ang alam kong salita ngayong galit ka.. Pero please Julie maniwala ka Hindi ko intensyon na lokohin o pag taguan ka ng sikreto.." nakatitig lang si Julie sa kanya.

"Please.. Just one more chance..." sabi nito at hinawakan ang kamay ni Julie at nilapait ito sa labi niya para halikan.

"Just One More Chance... pero once you fail it, wala na talaga Elmo.." sabi nito at tinignan ng mata sa mata ang asawa.

"Yes. Yes.." sabi nito at niyakap pa ang asawa ng mahigpit.

"Elmo, saglit.." sabi nito at lumayo sa yakap ng asawa. "May itatanong pa ako." Pinakawalan naman ni Elmo ang asawa.

"Explain about the pictures?" Tanong naman ni Julie . Na siya namang ikinakunot ng noo ni Elmo.

"What pictures.? " takang tanong nito. Hinawakan naman ni Julie kamay ni Elmo para sa kwarto na sila makapag usap.

Pag kapasok ay nakita niya agad ang bunsong anak na busy sa panonood ng Sofia the first.

Dumeretso na sila sa kwarto ni Julie, naupo naman si Elmo sa kama habang si Julie ay may hinahanap sa loob ng cabinet nito.

FanGirl Turned into a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon