Chapter 39

927 32 2
                                    




Paikot ikot si Elmo sa labas ng emergency room kasama si Julie at si Maqui naman ay tahimik lang na nakaupo.

Paulit ulit ang mura na lumalabas sa bibig ni Elmo. At tumulo nanaman ang kanyang luha.

"Sinong may gawa nito.?" Nag hihisterikal na sabi ni Maqui. "Akala ko ligtas dun? Paano kung andun yung dalawang bata?"

"Di ko alam.." sabi naman ni Elmo at ginulo ang kanyang buhok.

"Elmo.." sabay na napalingon si Elmo at Maqui sa boses na tumawag.

"Anong ginagawa mo dito?" Madilim na sabi ni Elmo.

"A--Alam k-ko k-kung sino ang gumawa.." utal na sabi nito. Bigla nalang lumipad ang kamao ni Elmo sa pisngi ni Levi .

"Gago ka.. siguro kasabwat ka.. tangina ka umalis ka dito at baka sa morgue ka mapunta.." sigaw ni Elmo habang hawak siya ni Maqui at inaawat.

Pinunasan ni Levi  ang gilid ng labi niya. "Si Camille.. siya ang may gawa niyan.. kay Julie.. "

"Ano? P-Paano?" Namumula na sa galit si Elmo dahil dito.

"Pumunta siya sa condo ko ngayon at sinabi niyang pinatay niya si Julie kasi nalaman niyang buntis si Julie. Natakot siya.." paliwanag nito. "Pinigilan ko na siya sa plano niya pero ayaw niyang mag paawat.."

"Excuse me.." naputol ang pag uusap nila ng lumabas ang doctor. "I'm sorry Mr. Magalona pero si Mrs.Magalona lang ang kaya naming iligtas.. wala na ang baby.."

Biglang napaupo si Elmo habang napatakip naman si Maqui sa kanyang bibig.

"Ginawa na namin ang lahat.. sorry..  ililipat na namin siya sa kwarto niya okay na ang lagay niya.. excuse me.." sabi nito at umalis na.

Pag kadala kay Julie at agad na tinabihan ni Elmo at hinalikan ang noo ng asawa. Ingat na ingat na hinawakan ni Elmo at gilid ng labi ni Julie na mayroong pasa.

"I'm sorry..." sabi ni Elmo at umiyak nanaman. "I'm sorry Julie.." dugtong nito at hinalikan ang kamay ni Julie na may pasa din.

Makalipas ang ilang oras ay wala paring malay si Julie nag si datingan na ang pamilya ni Elmo at dumating naman ang tatay at step mom ni Julie pag kaalis ng pamilya ni Elmo.

Nagulat pa ang tatay ni Julie ng makita si Tristan na nakaupo sa sofa. Katatapos lang kausapin si Levi  ng pulis at sinabi ang address ng condo unit niya.

"Kamusta si Julie?" Tanong ng Ama ni Julie.

"Di parin po nagising.." sabi ni Elmo at hinahaplos ang kamay ni Julie at hinigpitan niya ang pag kakahawak dito.

Gumalaw ang kamay ni Julie at umungol Ito. Napatingin naman si Elmo na may ngiti sa labi.

"E-Elmo.." hirap na sabi ni Julie. "Y-Yung.. B-Baby.." sabi ni Julie sa pagitan ng kanyang pag lunok.

"Julie.." sabi ni Elmo at umiling bigla namang tumulo ang luha ni Julie. "I'm sorry... huli na akong dumating.. sorry di ko naligtas ang baby natin.." iyak ni Elmo.

Lumunok si Julie. Bigla namang nag panic ang kanyang muka "sila JM? Nasan sila? Baka puntahan sila ni Camille.." natatarantang sabi nito.

"Okay na.. andun sila kila Mommy sa antipolo kakapunta lang nila dito kaso tulog kapa. Si Star iyak ng iyak..  sabi ko tulog kalang.. kaya naman inuwi na ni Mommy.." malambing na sabi nito "wag kang mag alala hinahanap na si Camille." Bulong nito para mapanatag ang loob ni Julie.

Napalingon naman si Julie sa kanyang ama at step mom na halatang nag aalala sa lagay niya.

Lumabas muna si Elmo para asikasuhin ang pag hahanap kay Camille. At binigyan niya ng pagkakataon na mag kausap sila Julie at ang Ama at Step Mom nito.

FanGirl Turned into a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon