Chapter 40

1K 35 7
                                    




It's been months at di parin nakikita si Camille pero marami parin ang nag hahanap sa kanya. Pinatawad na rin ni Julie si Janet pero di niya binibigay ang buong tiwala niya rito.


Napabangon siya ng makapa niyang wala na siyang katabi. Nataranta siya lumabas ng kuwarto nila ni Elmo dahil sa pag aalala doon kasi natulog ang mga anak niya. Kaya minsan ay Napa-paranoid siya pag di nakikita ang anak.


"STAR.? JM.?" Sigaw ni Julie ng makalabas na siya ng kwarto , habang inaayos niya ang tali ng robe niya at bumaba ng hagdan. Nakita niya sarap na sarap sa pag kain ng pancake ang mga ito. Naging maayos ang sistema ni Julie dahil dito. Nilapitan nalang niya ang mga ito at hinalikan ang mga pisngi at umupo sa tabi ni Star na madungis ang muka dahil sa chocolate syrup nito.

"Manang si Elmo po?" Tanong ni Julie habang pinupunasan ang muka ni Star.


"Ay, Ma'am umalis po! Di po sinabi kung saan pupunta." Sabi nito at sinalinan ang juice ang baso ng mga bata.

"Mommy.. I want more chocolate.. " sabi nito at pilit inaabot ang chocolate syrup. Inilayo naman ito ni Julie at ngumuso naman ang bunsong anak niya. "But..."

"No more but.. gusto mong magalit ang daddy?" Umiling nalang ang bata at kinain na ang pancake nito.

"Manang pakitignan muna sila at maliligo lang ako." Sabi ni Julie at humalik ulit sa pisngi ng mga anak. "By the way .. good morning babies" ngiti ni Julie.

"You too Mom.." sabay na sabi ng mga ito.

Pag baba niya ay nag lalaro si Star ng doll house habang si JM ay busy sa Xbox nito.

"Mommy.." higit ni Star sa damit ni Julie. " where's daddy?"

"Siguro may shoot ang daddy. Don't worry pupunta tayo kila Mama Pia!"

Kanina pa naaasar si Julie kay Elmo dahil sa di pag papaalam nito at di pag sagot sa mga tawag niya.

Kaya naman naisipan nalang niyang pumunta kila Pia. Inutos niyang liguan na ang mga bata habang hinahanapan niya ang mga ito ng susuoting damit.

Pinilian niya nalang ng Barbie dress na kulay pink at doll shoes na Barbie din habang Polo shirt at ripped pants ang suot ni JM .

Nasa sasakyan na sila Julie at nag sama nalang si Julie ang driver at isang body guard para mas safe silang mag iina.

"Mommy do I look gwapo?" Tanong ni JM at ngumiti sa ina. Natawa naman si Julie dahil dito.

"Yes Kuya, you look gwapo like daddy.." sabi ni Julie at hinawi ang buhok nito pagilid.

"Mommy.. I'm sleepy.. " sabi ni Star at humikab pa ito. Niyakap nalang ni Julie at pinatulog.

Ng makarating na sila ay binuksan agad ni Pia ang pinto at kinuha si Star kay Julie.

"Anak napasugod kayo dito. Nasaan si Elmo?" Takang tanong ni Pia.

"Titaaaaaaaaaa.." masayang sigaw ni JM at pumasok na sa loob ng bahay habang si Star ay tulog parin.

"Halika at pumasok muna tayo.." sabi ni Pia at hinalikan ang pisngi ng apo.

Hiniga muna ni Pia si Star sa kwarto niya at binuksan ang air con. Bumaba na sila ni Julie at doon nag usap sa sala.

"Nasan si Elmo, Julie?" Tanong ni Pia.

"Di ko po alam Mommy. Pag gising ko wala na tapos nakapatay yung phone." Maktol ni Julie sa ina ng asawa niya. "Akala ko po nasa shoot kaya pumunta ako dito."


FanGirl Turned into a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon