Chapter 41

1K 37 4
                                    





"OO NA SASAMA NA AKO..." sigaw ni Elmo napatingin lahat sa kanya.

"Elmo.." sabay sabay sabi ni Julie, Pia at Maxene.

"Mommy.." iyak ni JM sa higpit ng hawak ni Camille sa kanyang braso.

Napatingin naman si Elmo sa likod ni Camille at merong mga papalapit na pulis unti unti namang lumalapit si Elmo.

"Elmo.." hawak ni Julie sa damit ng kanyang asawa upang pigilan Ito.

Hinarap ni Elmo ang asawa at hinalikan ito sa noo "Just trust me  okay.?" Sabi nito pag katapos halikan ang noo ni Julie.

Habang papalapit si Elmo ay siya namang dahan dahang pag luwag ng hawak ni Camille sa braso ni JM.

"Bitawan mo muna ang anak ko.. " sabi ni Elmo ng makitang malapit na ang mga pulis.

"Ano tingin mo sakin tanga? Lumapit ka muna bago ko bitawan ang batang ito." Nakangising sabi ni Camille.

Napalingon naman si Camille sa likod niya na kanina pa tinitignan ni Elmo. Napatakbo naman si Elmo para itaas ang baril na hawak ni Camille kaya nabitawan na ni Camille si JM pero ang baril ay di parin niya ito binitiwan. Nag agawan sila ni Elmo at sa di inaasahang pag kakataon ay nakalabit ni Camille ang gatilyo ...


BANG



Napapikit si Julie, habang si Camille ay binitbit na ng mga pulis. Napatakbo si Julie kay Elmo na hawak hawak ang tagiliran niya, habang si JM ay nakatulala at nanginginig sa takot. At bigla naman itong nawalan ng Malay.

Nataranta na ang mga Tao nilapitan ni Julie si Elmo na iniinda ang tagiliran niya. "Elmo.." iyak ni Julie

"S-Si.. J--Jm.." sabi naman ni Elmo ng isakay na siya sa ambulansya. Napasugod naman si Julie kay JM na isinasakay na rin.

Ibinilin naman ni Julie si Star kay Pia at sumunod na sa kanyang mag ama.

Kanina pa palakad lakad si Julie sa labas ng Emergency room. Wala siyang matanong kung anong nagyayari dahil narin tikom ang mga bibig ng mga nurse na labas pasok sa loob ng Emergency room.

Kagat kagat ni Julie ang kanyang hintuturo na parang bata upang sa ganon ay mapigilan ang kanyang pag iyak.

Nabunutan siya ng konting tinik ng malaman niyang okay ang anak niya. Ang asawa niya nalang ang kanyang iniisip.

"Mrs.Magalona.?" Napatayo naman si Julie ng lapitan ang Doctor.

"Mr.Magalona is now out of danger.. kaylangan niya nalang po ay mag pahinga." Nakangiting balita ng Doctor napaupo si Julie dahil dito. nawala ang mabigat na daladala niya.

Itinayo naman siya ng Doctor at ngumiti "Maraming salamat po.. " sabi naman ni Julie na walang patid ang pag tulo ng luha.

"Salamat at di sumuko ang asawa mo.. lumalaban siya kahit na humihina ang vital signs niya ay nagiging normal din during the operation.. " sabi nito at tinapik ang balikat ni Julie. "Mauna na ako.. ililipat na siya exclusive suit ng ospital..  doon mo nalang siya antayin.." sabi nito at umalis na.






~~~~





Pag kadilat ng mga mata ni Elmo ay tanging puting pader lamang ang kanyang nakikita. Napalingon siya sa gilid at nakita ang asawa niya na nakayuko habang ang isang kamay  nito ay nagsisilbing unan habang ang isa naman ay nakahawak sa kamay ni Elmo.

Ginalaw niya ang kaliwang kamay niya upang mahaplos ang buhok ni Julie. Naalimpungatan naman ang asawa niya kaya napa angat ito ng ulo at malungkot na ngumiti.

"How's JM..?" Tanong ni Elmo ng makaayos na siya ng upo.

"Okay na siya.. pero di na siya makausap ng maayos tapos sobrang tahimik niya... " malungkot na sabi naman ni Julie.

"Anong sabi ng Doctor.?" Bakas sa tono ng pag sasalita ni Elmo ang pag aalala.

"Ang sabi kaylangan niyang dumaan ng therapy kasi na- trauma siya ng may nabaril at namatay sa harap niya..." sabi nito at humikbi na at ang pinipigilang iyak ay tuluyang bumuhos.

"Ssshhhh...." yakap naman ni Elmo kay Julie at hinahagod ang likod nito.

"Anong bang nagawa kong mali bakit ganto ang nangyayari.? Masama ba akong ina..? Kaya ginaganto ako?" Walang tigil na pag iyak ni Julie kahit yakap na siya ni Elmo.

"Don't worry honey.. magiging okay din ang lahat. Wag mong kuwestsunin ang pagiging ina mo! Kasi ikaw ang pinaka perpektong nanay sa buong mundo. At ikaw ang mapag mahal na nanay sa lahat.." sabi ni Elmo at hinarap niya si Julie at pinunasan ang luha nito sabay halik sa noo.

"Wag kang mag aalala kukuha tayo ng magaling na therapist para mabilis ang pag galing ni JM.." sabi nito at tinitigan sa mata ang asawa at ngumiti. Ngumiti narin si Julie kay Elmo at humalik sa labi nito.

"I love you.." sabi ni Julie

"I love you too.." sagot naman ni Elmo at humalik ulit sa asawa.

Para bang ang halik na iyon ang tanging nag alis ng lahat ng problema nila at natapos na ang mga pag subok nila.






~~~





"Mommy.." kalabit ni Star sa kanyang ina "why is kuya not talking? Galit siya sakin?" takang tanong ni Star dahil sa pagiging tahimik nito "kuya's mad at me kasi i make pakeelam yung toys niya?" dugtong pa nito.

Hinalikan nalang ni Julie ang noo ng anak at ngumiti kasi wala siyang masabi at di niya rin alam kung anong sasabihin sa anak.


"siguro kuya have a toothache kaya he's quiet.. " iyon nalang ang sinabi ni Star at nag pakabusy sa ipad nito.


Ngayon ay nasa therapy na sila ngayon upang mapabilis na ang pag galing ni JM.




"Mr. Magalona I think mas magiging Madali ang paggaling niya kung kakausapin niyo sa araw araw. Tho wag niyo pipiliting mag salita kumbaga ay paunti unti." sabi ng therapist sa Kanila at tumango nalang ang mag asawa.



"next month kayo bumalik para malaman natin kung mag improve. " sabi nito at naki pagkamay na kila Julie.




Kanina pa nakauwi sila Julie at tahimik parin si JM habang si Star ay busy sa pag sabay sa kanta ng palabas na Sofia the first.





"Sana gumaling na si JM di ko maatim na ganyan lang siya.. " malungkot na sabi ni Julie at yumakap Kay Elmo.




"Gagaling ang anak natin.."sabi naman ni Elmo at niyakap si Julie sa likod habang pinag mamasdan nila ang anak nila.







To be Continued...


A/n: guys charot lang yung sinabi kong epilogue na next.

Meron pang 4chapters kaya kapit lang okay?

And sa mga nag follow sakin thanks love you all.😘😘

Sana di kayo mag sawa kahit nakakasawa na ako..  Hahahaha 😂


Sana pag natapos ko na ito ay suportahan niyo parin po ako. At ang iba ko pa pong kwento.


Thank you ulit..
Unli ang thank you ko..  😊😊💖💖💖💖

FanGirl Turned into a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon