Chapter 36

961 29 2
                                    

"Levi .." nabigla ang binata sa pag dalaw ng dalaga sa kanya.

"Kaylangan kita.." sabi pa ng dalaga at tinulak siya papasok ng condo unit niya at hinalikan ng mapusok.

"Saglit.." sabi naman ng binata at pinipigilan ang dalaga. Pero Hindi Ito nag papigil at nilaliman pa ang pag halik. Habang unti unti nang bumigay ang binata.

Dinala na niya ito sa kwarto at inihiga sa kama. Unti unti nang hinubad ni Levi  ang suot na damit ng dalaga. Ganun din ang ginawa nito.

"I love you Camille... " sabi nito ng marating na niya ang kanyang dapat marating.

"Thank you levi.. pag may nabuo Ito ang mag papahiwalay kay Elmo at kay Julie.." sabi nito habang nakahiga sa dibdib ni Levi .

"Itigil na natin 'to please.. hayaan na natin sila.. Hindi na natin sila mapag hihiwalay.." sabi nito.

"Pwede ba.? Suportahan mo na ako.. ayoko silang mag katuluyan.. kung mahal mo ako tutulungan mo ako.." galit na sabi nito at tumayo sa higaan at pumasok ng CR.





~~~



"Elmo gusto ko ng coke float.. " sabi ni Julie at sinusubukang gisingin si Elmo."Elmo... hoy.. ano ba.. Elmo.. " sabi nito at niyugyog ang balikat ni Elmo.

"Hmm.." sabi naman ni Elmo at binuksan ang kaliwang mata. "Honey, mamaya pa shoot ko.." sabi pa nito at nag talukbong..

Kinagat ni Julie ang braso ni Elmo para magising ito. At tama lang ang ginawa niya dahil biglang napatayo si Elmo. Not minding his naked body, biglang napaiwas si Julie at namula.

"Bakit kaba nangangagat?" Sabi nito at bumalik sa tabi ni Julie.

"Gusto ko ng coke float, tsaka spaghetti ng Jollibee.." sabi nito with paawa face.

"Seriously.? 2:30 am Julie..!" Sabi nito at nanlalaki ang mata.

"A-Ayaw mo ba.?..." sabi nito. Her eyes started getting watered "... okay lang matutulog na ako. Good night.!" Sabi pa nito at tumalikod sa asawa at nag talukbong ng kumot na parang bata.

Napailing nalang si Elmo at tumayo na sa higaan at sinuot ang kanyang damit. Nilapitan muna niya si Julie bago kunin ang pitaka niya na naka patong sa side table.

"Wag kanang umiyak bibili na ako ng gusto mo.."sabi nito at kinalabit ang asawa.

Inalis ni Julie ang pag kakatalukbong niya ng kumot at ngumiti ng matamis kay Elmo. Niyakap muna niya ang asawa at hinalikan ng paulit ulit ang labi ni Elmo. Natawa nalang siya at hinawakan ang batok ni Julie para laliman ang halik niya.

Nang maramdaman ni Julie na lumalalim na ang halik ay siya na ang pumutol nito at lumayo kay Elmo.

"Oopss.. coke float and spaghetti first.. " humalik ng isang halik si Elmo at lumabas na ng kwarto nila.

Masigasig siyang nag hanap ng drive-thru ng Jollibee. Nakahinga siya ng maluwag ng makakita siya ng drive-thru.

Mahigit isang buwan na ng magkaayos sila ni Julie and everyday ay talaga namang ipinaparamdam nila ang pag mamahal nila sa isa't-isa.

Pag karating niya ay nakita niya na inaantay siya ni Julie, habang nanonood ito ng goosebumps.

Dahan dahan niyang nilapitan ang asawa at hinalikan ang pisngi nito.

"Hi Hannah, I'm your Zach right.? " sabi pa ni Elmo at ngumiti. Ngumiti naman si Julie kay Elmo at humalik sa labi nito.

"nakabili ka.?" Tumango lang si Elmo at pinatong sa center table ang binili niya sa Jollibee.

Masayang nilantakan ni Julie ang binili ni Elmo. Pag katapos ng ilang saglit ay nanood pa sila ng isa pang movie at pag katapos ay napag pasiyahan na nilang matulog.

~~~~


Mag dadalawang linggo na. Na pabalik balik ang sakit ng ulo ni Julie at lagi nalang siyang nag susuka. Talaga namang iba na ang nararamdaman niya. Kaya napag pasiyahan niyang mag patingin sa OB niya.

"Congratulations Mrs.Magalona you're 2weeks pregnant.. " masayang anunsyo ng doctor niya. Di naman mapag sidlan ang saya ni Julie.

Nag mamadaling umuwi si Julie para sabihin kay Elmo ang masayang balita. At paniguradong matutuwa din ang kanyang asawa dito.

Tahimik ang bahay ng pumasok si Julie. Luminga linga siya pagka sara niya ng pintuan at pag harap ay siya namang labas ng mga anak at asawa niya.

"HAPPY MOTHER'S DAY MOMMY.." sabay sabay na sabi ng mag aama niya habang hawak ni Elmo ang cake at kay star at JM ay mga lobo.

Naiyak naman si Julie dahil dito. Pregnancy hormones nga naman.

"Thank you guys.." masayang sabi nito at hinalika isa isa ang mag aama niya.

Masayang nag lalaro si Elmo at Julie kasama ang mga anak nila sa kanilang bakuran. Pag katapos ng pag surprise nila kay Julie.

Nang makahanap na ng magandang tyempo si Julie ay sinabi na niya kay Elmo ang magandang balita.

"Honey, panno kung madagdagan ulit yung family tree natin.?" Pag open ni Julie sa topic.

"Uhm.. masaya kasi mag kakababy na ulit sa bahay...namiss ko yung araw na napupuyat ako kakahele tapos pag timpla ng gatas.." sabi naman ni Elmo at inayos ang pag kakayakap kay Julie.

"Elmo.." tumingin naman si Elmo ng tawagin siya ng asawa niya. "I'm two weeks pregnant.. " dugtong ni Julie at tinignan ang reaksyon ni Elmo.

Nanlaki ang mata ni Elmo pagkatapos ay biglang nag tatatalon. Nag datingan ang mga anak nila at nag tataka kung bakit ganun ang nang yayari sa tatay nila.

"Mag kakababy na ulit tayo.." masayang pahayag ni Elmo at hinalikan ang asawa at pag katapos ay mga anak niya.

Di naman mapag sidlan ang tuwang nararamdaman ni Elmo. Napapangiti nalang si Julie habang pinagmamasdan ang asawa na buhat buhat ang bunsong anak nila at hinahagis ito sa ere at sasaluhin. Habang ang bata naman ay tawa ng tawa.

Habang nag kakasiyahan sila ay biglang pumasok ang kasambahay nila.

"Ma'am, Sir.." sabi nito at napatingin naman ang mag asawa sa kanya.".. Si Ma'am Camille po nasa loob..."

To be continued...

A/n: The next chapter will be heartbreaking.. so please bear with me.

Love you all..

Don't forget to vote too ★★★★★★
Love you allllllll ☺

FanGirl Turned into a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon