Chapter 31

761 32 0
                                    





It's been 2 weeks simula ng sabihin ni Julie kay Elmo na si Levi ang naka meet niya, at first nagalit si Elmo pero ng maexplain naman Ito ni Julie ay naging okay naman sila.

"Maqui, nag hahabol parin si Levi. Kanina pa tawag ng tawag! " subong nito sa kaibigan

"Alam mo mas maganda mag palit ka nalang ng number, para iwas away tsaka alam mo naman yang si Elmo. Naku pag nalaman niya yan daig pa niyan bulkan pag sumabog ang galit.

Tumango naman si Julie dahil sangayon siya sa kaibigan.

"Mummy, Dada?" Tanong ni Star na kanina lang ay nag lalaro sa iPad nito

"Dada's busy pa sa work anak, let's wait nalang later huh? " sabi nito habang pinupunasan ng pawis ang anak niya

"Tindi ng batang yan Jules, centralized air con na nga itong bahay niyo pawisin parin? " kumento ni Maqui at inabot ang pulbo kay Julie

"Mana kay Elmo, kaya minsan nagagalit yun pag dumating ng bahay tapos nakita niyang naka patay yung Air con tapos pawis yung dalawa, Aay naku makikita mo talaga ang ilong umuusok." Natatawang kwento sa kaibigan.
"Kaya walang tumatagal na yaya ng dalawa dahil kay Elmo, gusto niya focus lang talaga sa dalawa. Ang tumagal lang Manang Lotty at si ate Ising. " dugtong nito

"Sweet Daddy naman ni Elmo, and overprotective din at higit sa lahat Over Acting pa."

"MOMMYYYYYYYYYYYY" umalingawngaw ang boses ni JM papasok sa loob ng bahay nila

Inaantay ni Julie ang pag sunod ng asawa niya pero wala kaya kumunot ang noo niya.

"JM , where's your dad? Sinong nag sundo sayo? " sabi nito at humalik sa noo ni JM.

"Si Tita Maxx po, sabi po kasi ni Daddy di ka niya matawagan. Kaya si Mama Pia po ang tinawagan ni Daddy, para sunduin ako. " sabi nito agad naman nag check ng phone si Julie at pinatay niya nga pala ito dahil tawag ng tawag si Levi.

"Where's your Tita? "

"Dinaan niya lang po ako, kasi she had to go pa po sa typing, but Tita said that she will fetch us tomorrow kasi po Mama Pia will bake some red velvet cake for Me and Star. " masayang kwento nito.

"That's great! Mag palit kana, tapos mag merienda na tayo your Mommy ninang cook spaghetti!! " bakas sa muka ang excitement para matikman ang spaghetti ni Maqui.

"Okay! "








~~~~




Habang nag uusap sila Julie at Maqui ay biglang nag ring ang phone ni Maqui

Lumayo muna siya Kay Julie at tinignan Kung sino ang tumatawag.

Pagnkatapos maki pag usap ni Maqui ay bumalik siya na nakakunot ang noo

"Okay ka lang? " tanong ni Julie sa matalik na kaibigan.

"Oo, uwi na ako sumama kasi pakiramdam ko!"

"O-okay"









~~~~






Pag labas ni Maqui ay siya namang dating ni Elmo.


Sinalubong naman ito ni Maqui ng isang sampal.

"Malaman ko lang na ginagago mo si Julie mag kakamatayan tayo. " galit na sambit ni Maqui at umalis na ng tuluyan.

Habang si Elmo ay tulala, pag pasok niya ay sinalubong siya ni Julie

"Bad day?" Tanong nito

"N--No pagod lang 'to" sabi nito at humalik sa pisngi ni Julie. "Mag papahinga Lang ako "















~~~~











"What's your next move? "












To be continued...


A/n: Alam ko po maikli naputol kasi siya nung nag update ako kaya nag type po ulit ako sensya na babawi po ako promise sorry talaga!!

FanGirl Turned into a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon