CAN'T WE TRY?By: Ms. Undaunted CHAPTER 1

12.8K 189 6
                                    


  "HELLO PARIS!,"sigaw ni Nova ng makababa siya ng eroplano.

Kagagaling lang niya ng Pilipinas, tinakasan niya ang kanyang fling na si King dahil pursigido itong pakasalan siya at ayaw niyang matali sa lalaking 'yon.

Simple lang naman ang dahilan niya.

She is not that madly inlove with King.

In short, hindi pa niya nahahanap ang lalaking nagpapatibok sa puso niya.

Yes, may lihim siyang nagugustuhan, but she keep it in herself dahil ayaw niyang pagtatawanan siya.

Siya, certified playgirl? Mai-inlove sa isang lalaking certified womanizer?

Karma ba kung tawagin?

The hell she cares.

Wala namang nakakaalam, maliban sa kanyang sarili.

Pero deep inside her ay lihim siyang nasasaktan.

Kung sino pa kasi 'yong lalaking gusto mo, ay siyang aayaw sa'yo.

Buhay nga naman, ang gugulo minsan.

"Haist,"buntunghininga niyang sabi at naglakad papunta sa claiming baggage.

Samantala

"Pare, saan ka ba ngayon?,"si Henry.

"Paris!,"maikling sabi ni Aaron.

"Why?"

"Takas!"

"Sinong tinatakasan mo?"

"Sino pa nga ba? Mga babae ko, pare naman, ang slow mo parin hanggang ngayon."

"Uy magtino ka na, hindi kana bumabata pa."

"Tapos ikaw ang bumabata?"

"Pare naman, magse-settle down na ako, hindi ako katulad sa'yo."

"Eh di mag-settle-up kang mag-isa mo, sige na, bye! I'm in a hurry,"nakatawang sabi ni Aaron.

Nang makuha ni Nova ang kanyang mga maleta ay agad siyang lumabas ng airport at kumuha ng taxi.

Nagpahatid siya sa hotel kong saan siya magche-check-in ng mga ilang araw.

At kung mamalasin, sa Japan ang tungo niya kapag may manggugulo na naman sa kanya rito sa Paris.

Sa kanyang Kuya Nathaniel siya pupunta, bahala na kung uulanin siya nito ng sat-sat.

Andiyan naman si Fresha na kakampi sa kanya at sa isang salita lang nito ay pipiyok ang kanyang Kuya.

Napangiti siya habang naiisip ang mga plano.

Wala siyang balak magtagal ng Paris dahil alam niyang baka masundan siya ni King.

Mayaman ang pamilya nito at alam niyang kaya siya nitong sundan at ipahanap.

Kung alam lang niya na gulo ang dala ng lalaking 'yon sa buhay niya, hindi niya ito papatulan.

Nag-ring ang kanyang telepono.

Pahinamad niya itong sinagot.

"Nasa Paris ka raw?,"si Niel.

"Yes Kuya Niel."

"Saan mo naman balak magpunta sa susunod?"

"Kahit saan."

"Iyan ang napala mo sa pagiging playgirl mo. Kung alam mo lang ang ginawa ng lalaki mo rito sa labas ng hacienda, iwan ko lang Nova."

"Hayaan mo siyang mamatay Kuya."

"Ipapahamak mo pa kami ng dahil sa kagagahan mo? Kailan ka ba magtitino, ha?"

"Hindi ko alam. Kuya naman, hindi pa nga ako nakapasok sa hotel na pag-istay-han ko, 'yang bunganga mo na ang naririnig ko?"

"Pasaway ka kasi!"

"Magbago na po, babush."

Napangiwi si Nova at bahagyang umayos ng upo mula sa upuan ng taxi.

Sinabi niya sa taxi driver kung saan ang destinasyon niya.

Ilang minuto ang nakalipas ay narating din niya ang nasabing Le Bristol Hotel.

Samantala

"Le Bristol Hotel,"sabi ni Aaron sa taxi driver.

Tumango ang driver samantalang si Aaron ay isinaksak sa tainga ang earphone at nakinig ng music.

Biglang sumagi sa isipan niya ang sinasabi ni Henry.

He is not getting any younger anymore.

Which is true.

Pero anong magagawa niya kung ang babaeng pinakagusto niya ay ayaw naman sa kanya?

Kay hirap nitong suyuin.

At kay hirap lapitan ng hindi sila nagsisigawan.

Kailan kaya darating ang tamang oras para sa kanilang dalawa.

Napukaw ang isipan ni Aaron ng sabihin ng taxi driver na nasa Le Bristol Hotel na sila.

Nagbayad si Aaron at binigyan pa niya ng tip ang taxi driver at bumaba.

Agad siyang pumasok sa naturang hotel at lumapit sa may receptionist.

Binigay nito ang susi ng kanyang magiging room at tuloy-tuloy na siya sa loob.

"WOW, this is life,"sabi ni Nova at nagpagulong-gulong sa kama.

Malayo sa Maynila, malayo sa probinsiya at lalong-lalo na kay King. Ang siraulo niyang boyfriend o mas tamang sabihin kalokohan boyfriend.

Hindi niya akalain na kaya pala siya nitong takutin.

Sa lahat ng naging mga ex niya, ito lang ang may guts na sakalin siya sa leeg.

Maayos naman ang usapan nilang dalawa.

Walang sakalan sa leeg.

Kumbaga, open relationship lang.

Pero ang gago, ayaw na 'ata siyang pakawalan pa.

Bahala na nga siya sa buhay niya.
June 23 at 10:43am · Edited · Like · 1
Aneth Mirambel NAISIPAN ni Nova ang gumala. Nakapag-freshen up na rin naman siya kaya nasa mood na siyang gumimik.

Alam niyang may disco house pagkalabas lang ng hotel.

Balak niyang mag-enjoy at kalimutan ang siraulong si King.

Palabas siya ng kanyang room nang hindi sinadyang makasalubong niya si Aaron.

"Speaking of the devil,"mahina niyang sabi sabay taas ng kilay na nakatingin sa papalapit na binata.

Kung nagulat si Nova, mas nagulat si Aaron.

"What are you doing here?"---Nova.

"Ano ba ito? Diba hotel 'to? Siyempre, dito ako nag-stay,"sagot ni Aaron ng makabawi ito sa pagkabigla.

"Kung mamalasin nga naman! Of all people na puwede kong makita, bakit ikaw pa?"

"Sa tingin mo ba ay gusto rin kitang makita? What an imagination Nova del Tierro."

"Huh! Akala nito!,"sabi ng dalaga at tinalikuran nito ang binata.

Nasundan ito ng tingin ni Aaron at napangiti.

"Kung susuwertehin ka nga naman oo."

"Damn!,"sabi ni Nova habang nasa loob siya ng elevator.

She don't wanna to see Aaron dahil sa inis niya rito.

Papaanong hindi?

Pati si Charie na kasintahan ng Kuya Niel ay pinapatos nito.

At ang gagang malanding Charie ay pumatol naman.

Kahit sino nalang yata ay hindi pinapalya ng malanding 'yon.

Nawala sa mood si Nova na gumimik, pero hinihila siya ng kanyang mga paa palabas ng hotel.

Naisip niyang iinom nalang siguro siya at kung may fafa, susunggaban niya.

Lumabas na naman ang pagiging playgirl niya.

Ang hindi niya alam ay lihim siyang sinusundan ni Aaron.

"Hello pare, nandito pala sa Paris ang kapatid mong brat?,"sabi ni Aaron sa telepono.

Kausap niya si Nathaniel na nasa Japan.

"Andito siya at nagkita kami. And not to add, magkatabi lang ang room namin dito sa Le Bristol Hotel."

"Talaga? Pare, please keep an eye on her. Nasabi kasi ni Niel sa akin na tinakasan daw niyang babaeng 'yan ang boyfriend niya roon sa Pilipinas."

"Sige pare, akong bahala sa kanya. Babantayan ko ang kapatid mo. Pangako 'yan, oh siya, I needed to end up this call, baka kasi mawala pa sa paningin ko ang kapatid mo."

"Sige pare, salamat. Mag-ingat kayo pareho."

Iyon lang at nagtatakbo na si Aaron palabas ng hotel.

Nagka-idea tuloy siya kung saan ang punta ng dalaga.

Wearing a fitted mini-skirt at hanging blouse?

Alam niyang sa disco house ang punta nito.

Pagkapasok palang ng dalaga sa loob ng disco house ay napapaindak na ang mga paa niya.

"Whoah, what a life,"sigaw niya.

May mga filipino at filipina rin naman siyang napapansin. Pero ang naga-gwapuhang mga nilalang ang nakaagaw ng kanyang pansin.

May prospect siya na nasa counter.

Nag-order ng alak.

Nilapitan niya agad ang bartender at um-order.

"Hey, a one glass of Martini please,"sabi niya sa bartender and giving a flirty smile sa lalaking katabi.

Gumanti naman ng ngiti ang lalaki.

Iwan ni Nova kong binata ba ito, o may asawa. Addict or rapist, pero wala siyang pakialam.

Gusto lang naman niyang mag-enjoy.

Walang kaimik-imik ang lalaking katabi ni Nova ngunit ang mga titig nito para sa kanya ay parang may something na.

Naka-two glasses na ng Martini ang dalaga kaya medyo naging matabil ang dila niya.

"Hi, I'm Nova and you are?"

"Den Goron,"tipid nitong sabi.

"Ah i see,"sabi ng dalaga at muling um-order ng Martini.

"Ang boring lang nitong lalaking 'to. Wala man lang first move,"sa loob-loob niya.

Nang tumayo ang sinasabing Den.

"Can you go with me?"

"Where to?"

"Somewhere! And ingay kasi dito."

Namilog ang mga mata ng dalaga dahil marunong magtagalog ang lalaki.

"Half-French-half-Filipino, that's' why,"agaran nitong sabi ng mabasa ang nasa isipan ng dalaga.

"Kaya pala, so have you been in Philippines?"

"Sure, many times."

"So, shall we go?"

"Okay, let's go,"sabi ni Nova at mabilis na tumayo.

Muntikan pa siyang matumba dahil medyo tinamaan na siya ng kanyang nainom na Martini.

"Careful,"sabi ni Den at hinapit siya nito sa baywang.

Napahagikhik si Nova at kumunyapit ito sa leeg ng lalaki.

Nagtatagis naman ang mga bagang ni Aaron habang nakatanaw sa dalaga di kalayuan.

Itutuloy......  

CAN'T WE TRY?(Hacienda del Tierro Book3)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon