CAN'T WE TRY?By: Ms. Undaunted CHAPTER 14

6.1K 151 9
                                    


  PAT na araw ang nakalipas ngunit wala paring Aaron na tumawag o dumalaw sa condo ni Nova.

Inis na inis ang dalaga dahil mukhang pinagtataguan siya ng pervert na 'yon.
____

TOKYO, JAPAN

"Basagin mo man ang mukha ko dude, pero hindi ako natatakot. Mahal ko ang kapatid mo at nakahanda akong patunayan 'yon sa'yo."

"Hayop ka De Guzman, bakit ang kapatid ko pa? Alam ko ang kalibre mo pagdating sa babae. Ibahin mo si Nova, kapatid ko 'yon."

"Alam ko, pero mahal ko talaga ang---"

Sadsad sa sahig ang binatang si Aaron dahil sa suntok ni Nathaniel.

"Enough Nathan, mahal niya ang kapatid mo, huwag mo namang gawing hadlang ang sarili mo sa kaligayahan nila,"ani Fresha.

"Hindi niya alam ang mga sinasabi niya, hindi niya mahal ang kapatid ko. Its only a lust at hindi love."

"Patayin mo man ako, pero hinding-hindi ko babawin ang nasabi ko kani-kanina lang."

Nasuntok ni Nathaniel ang sementadong dingding.

"Okay fine, you have my permission na ligawan ang kapatid ko, pero dude, watch out, hindi ako mangingiming patayin ka oras na saktan mo si Nova."

Napakindat si Fresha sa binatang si Aaron.

"Salamat dude, and you have my words. Hindi ko sasaktan ang kapatid mo."

"Asahan ko 'yan, hala layas na."

"Best buddy pa rin tayo di ba?"

"Oo naman, pero magkalimutan tayo oras na saktan mo ang brat sister ko."

"Good luck Aaron,"ani Fresha.

"Salamat, alis na ako."

"Iyon lang ang ipinunta mo rito sa Japan? Ang kausapin ako?"

"Oo, mahirap kasi kapag sa telepono lang, kaya minabuti ko ang puntahan ka rito sa Japan."

"Inlove nga, good luck sa'yo. Sana maging masaya ka'yo pareho."

"Salamat dude, hahabulin ko pa ang flight ko papuntang Stavanger."

"Stavanger? Anong gagawin mo ro'n?"

"Katulad nang sa ginawa ko ngayon, hihingiin ko rin ang permiso kay Niel na ligawan ang kapatid mo."

"Seryoso ka?,"di makapaniwalang tanong ng asawa ni Nathaniel na si Fresha.

"No doubt, mahal mo nga ang kapatid ko, sige na lumayas ka na at baka mahuli ka pa sa flight mo."

"Salamat dude, alis na ako."

"Sige ingat ka."

STAVANGER, NORWAY

"Siguraduhin mo lang na seryoso ka sa kapatid ko. Kahit brat 'yon, pero nakahanda akong pumatay alang-alang sa kanya,"si Niel habang nakatingin kay Aaron.

Si Zyline ay nakikinig lang sa usapan ng dalawa at kinilig siya habang nakatingin kay Aaron.

Ayaw niyang ipaalam kay Nova ang pagpunta ng binata upang hingiin nito ang permisong ligawan siya.

Gusto niyang ma-surprise ang dalaga.

"I swear, hindi ko sasaktan ang kapatid mo, asahan n'yo 'yan."

"Mabuti kung gano'n, sige na, umalis ka na at bumalik ng Pinas. Ligawan mo na ang kapatid ko. Matutuwa 'yon."

Iyon lang ang hinintay ng binata at agad siyang nagpaalam sa mag-asawa.
____

Kabababa lang ng eroplano ng binata ng makatanggap siya ng tawag galing sa kanyang ama.

"Hello son, Eistha is here, gusto niyang samahan mo siya sa party na dadaluhan niya tonight."

Eistha is his cousin sa mother's side at sobrang ka-close niya ito.

"Okay Dad,"iyon lang and he ended up the call.

Excited pa naman sana ang binata na puntahan agad ang dalaga, ngunit mukhang hindi na muna at kailangan siya ni Eistha.

Naitanong niya sa kanyang sarili kung ano kaya ang ginawa ng dalaga sa loob ng isang linggong hindi siya nagpaparamdam.

Umaasa ang puso ng binata na sana, na-miss man lang siya ng dalaga kahit papaano.
____

"Wanna go with me tonight?"

"Saan?,"tinamad na tanong ng dalaga kay King.

"Party, sa kapatid ng kaibigan ko."

"Anong klaseng party?"

"Victory party."

"Boring, ikaw nalang."

"Ikaw ha? Hindi lang nagparamdam sa'yo ang love mo, nagkaganyan ka na?"

"Eh sa tinamad ako, anong magagawa mo?"

"Ang sabihin mo nagluluksa ka lang dahil hindi na nagpakita pa sa'yo ang one great love mo."

"Sino ba naman kasi ang matuwa? Iniwanan niya akong puno ng katanungan ang isipan! Sige nga, ikaw kaya sa katayuan ko, matutuwa ka?"

"Siyempre hindi, pero baka naman binibiro ka lang no'n."

"Binibiro niya ako? Salbahe pala siya! Muntikan akong maniwala no'n."

"Eh di samahan mo ako sa party para mag-enjoy ka naman kahit papaano."

"Sige na nga ang kulit lang."

"Around 7pm, susunduin kita rito, okay?"

Tumango ang dalaga at pahinamad na pinatay ang telebisyon.

"Alis na ako, basta around 7pm susunduin kita."

Nang makaalis si King ay agad na pumasok ang dalaga sa kanyang silid upang maghanap ng maisusuot.

Kahit papaano ay may punto naman si King.

Dapat niyang mag-enjoy at huwag padaig sa sama ng loob.

Naiinis talaga siya kay Aaron at mukhang nakalimutan siya nito.

Biruin mo 'yong isang linggo na hindi man lang nagpaparamdam sa kanya.

At iyong sinabi nitong mahal siya ng binata?

Ano 'yon? Malaking kalokohan?
9 hrs · Edited · Like
Aneth Mirambel HINDI pa nagsimula ang party pero nakaramdam na ng pagkabagot ang dalaga. Kinilabit niya si King upang makuha niya ang attention nito.

"Ano?"

"Uuwi nalang kaya tayo, nababagot ako eh."

"Saglit lang, ikaw naman. Gusto mong ikuha kita ng drinks? Anong gusto mo?"

"Huwag na, wala ako sa mood na uminom."

"Sigurado ka? Sayang kung uuwi tayo, alam mo na, 'yong get up mo."

"Para namang may nagbago sa pananamit ko."

"Mayro'n, mas lalo kang gumanda."

"Tumigil ka nga King, para kang sira riyan."

"Ano, ikukuha kita ng drinks?"

Sasagot sana si Nova ng mula sa may gate ay tanaw na tanaw niya ang lalaking nagpapagulo sa isipan niya.

Si Aaron at may kasama itong babaeng kayganda.

Nakaabrisiyete ito sa binata at mukhang kay saya-saya nilang tingnan.

"King let's go, ayaw ko na sa party na ito."

"Anong nangyari sa'yo? Ba't parang maiiyak ka?"

"Wala, basta uwi na tayo, please King."

"Sige, sige, saglit lang at magpapaalam lang ako sa kaibigan ko, dito ka lang at hintayin mo ako."

Iyong pakiramdam ng dalaga na kahit ano mang oras ay iiyak na siya sa harapan ng maraming tao.

Isang linggo siyang naghintay sa binata, nangungulila, pero ito lang pala ang makikita niya?

Akala pa naman niya ay totoo ang sinasabi ng binata na mahal siya nito.

That she is his girl.

Dapat pala'y hindi nalang siya nag-e-expect dahil sakit lang aabutin niya.

Nakabalik na si King at niyaya na siya nitong tumayo.

Isang huling sulyap ang ginawa niya sa binata at sa babaeng kasama nito.

Hindi man lang 'ata siya napansin ng binata.

Nang makarating sila sa kotse ni King ay agad siyang sumakay.

"What's wrong?"

"Wala, pagod lang talaga ako at saka biglang sumama ang pakiramdam ko kanina."

"Nakita mo ba?"

"Nakita ang alin?"

"Ang womanizer na nanununtok sa akin, sino pa nga ba. Sabing biro-biro lang 'yong sa kanya, naniwala ka naman agad."

"Okay fine, mali na ako."

"Cass, kung ako lang sana ang minahal mo, hindi kita sasaktan."

"King please, huwag kang bumanat ngayon."

"Totoo naman kasing mahal na mahal kita. Tinuruan mo ako kung paano pahalagahan ang isang tulad mo. Natuto akong maghabol ng isang babae."

"King--"

"Alam ko, iba ang laman ng puso mo. Hindi naman kita pipiliting mahalin ako pabalik. Nandidito lang ako lagi para sa'yo bilang kaibigan."

"Salamat King."

"Walang anuman. Anong plano mo?"

"Plano? Wala naman."

"Luluwas ng ibang bansa?"

"Hindi na, pipirme nalang ako rito sa Pinas. Wala naman kasing dahilan upang umalis-alis pa. Wala ng King na tulad nang dating laging naghahabol sa akin."

"Oo nga no. Para rin akong siraulo dati eh. Di ko alam kung paano nagawa 'yon."

"Addict ka yata."

"Hindi ah, nagmahal lang."

"Nandiyan ka na naman ulit, King."

"Pinapatawa lang kita, pero hindi effective. Huwag kang iiyak, papangit ka."

"Hindi ako iiyak, di ba playgirl ako?"

"Kahit gaano ka-playgirl ang isang babae, kung talagang inlove siya, iiyak talaga siya. Mahirap pigilan ang luha Cas, nakakasakit lang ng lalamunan. So, mas mabuting ilabas mo nalang."

"Hindi! I won't shed any tears for Aaron. He is not worthy of it."

"You're lying dahil ngayon pa lang, alam kong gusto mo na ang umiyak."

"Hindi ako iiyak, hindi King."

Pero ang totoo, ay gusto na niya ang maglupasay sa loob ng sasakyan dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Sa lahat nang lalaking puwedeng mahalin, bakit si Aaron pa.

Hayan tuloy, nasasaktan siya ngayon.

Kung puwede lang mamili ang puso ng taong mamahalin nito.

Itutuloy.....  

CAN'T WE TRY?(Hacienda del Tierro Book3)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon