"AKO na ang magkakarga ni baby, pakidala nalang ng kanyang mga gamit sweetheart,"ani Aaron nang akmang lalabas si Nova at karga ang anak.
"Sige,"anang dalaga at maingat nitong iniabot ang anak sa binata.
"Baby, we're here in Ortigas, bahay ng mga lolo at lola mo,"kausap ng binata sa anak na akala mo'y nakakaintindi ito.
Nakaramdam ng kaba ang dalaga habang naglakad sila papasok sa loob ng bahay ng binata.
Parang kailan lang noong una't huli siyang nagpunta rito.
"Sweetheart, don't be nervous. Second time mo na ito di ba?"
"Baka galit sa akin ang mga parents mo?"
"Bakit naman sila magagalit sa'yo? Wala ka namang kasalanan. Kay Mestica sila galit at hindi sa'yo. Come, let's go inside."
****
"Mom, Dad we're here,"sabi ni Aaron ng makapasok sila sa kabahayan.
"Have a seat na muna,"anang binata.
Naupo naman si Nova at inilapag sa kabilang upuan ang bag na naglalaman ng mga gamit ng kanyang anak.
"Mom, Dad nandidito na kami,"mas malakas na sigaw ng binata.
Nang mula sa pintuan ng kumedor ay lumitaw ang mag-asawang kay lawak ng pagkakangiti ng masilayan sila nito.
"Iha, its nice seeing you again. How are you?,"anang ginang.
"Fine po tita."
"So ito na ba ang apo namin? Anak, pakarga naman ng apo ko."
Iniabot ng binata ang natutulog na sanggol sa kanyang ina.
"Oh my! She is so beautiful and cute,"anang ginang.
"Thanks po Tita,"nahihiyang sabi ng dalaga.
Pinisil ni Aaron ang balikat niya dahilan upang mapaiktad si Nova.
Hello! Nakasuot lang kaya siya ng sleeveless loose top kaya nakaramdam siya ng init sa simpleng dantay lang ng labi sa binata.
"Aris, ang ganda ng apo natin oh,"pagbibida pa ng ginang at pinaghahalikan nito ang natutulog na sanggol.
"What's her name iha?,"anang ginoo kay Nova.
"Cassandra Valerie po."
"Oh Valerie, parang Vladimer lang ano?"
Nag-blushed ang dalaga dahil sa kumento ng ama ng binata.
"Mamaya na ang kuwentuhan, pakainin n'yo na man po muna kami,"ani Aaron.
"Sige!,"anang ginang at tinawag ang isa sa mga katulong upang kunin ang crib na nakahanda na.
Dahil himbing ang tulog ni Valerie kaya nakakain ng maayos silang lahat.
"Kayong dalawa ba ay walang balak na ituloy ang naudlot ninyong pagpapakasal?"
"May plano ho ako Dad, pero iwan ko kung papayag ang sweetheart ko."
"Iha, huwag kanang tumanggi. Ang dami ng nangyari sa inyo ng anak ko. Nagkaanak kayo, nagkahiwalay at heto na ang right time para sa inyo, huwag n'yo nang pakawalan pa dahil sayang ang mga panahong nakalipas."
"Pero tita, ano po--"
"Iha, matatanda na kami pareho ng Tito mo, gusto sana naming makitang nakalagay na sa tahimik ang kaisa-isa naming anak bago kami papanaw."
"Mommy naman oh. Ang liksi-liksi n'yo pa nga po tapos kung anu-ano na ang mga sinasabi ninyo."
"Anak, walang nakakaalam sa puwedeng mangyari bukas o sa susunod pang mga araw, mabuti na 'yong nakahanda ka. At iha, sabi nga nila, cherish the good times 'till it last."
BINABASA MO ANG
CAN'T WE TRY?(Hacienda del Tierro Book3)By: Ms. Undaunted
HumorHacienda del Tierro Book 3 Aaron and Nova