CAN'T WE TRY? By: Ms. Undaunted CHAPTER 22

6.4K 145 26
                                    

ALAS-dos ng hapon ng maisipan ni Aaron ang lumabas ng opisina upang kumain ng tanghalian.

Pakiramdam niya ay sobra siyang exhausted dahil sa meeting of the board kani-kanina lang.

Sa isang Chinese Restaurant siya napunta na malapit lang din naman sa kanyang opisina.

Pagkapasok niya sa loob ay agad siyang naghanap ng bakanteng mesa.

Sa may bandang sulok siya pumuwesto.

Nang makaupo siya ay agad siyang nilapitan ng waiter upang kunin ang kanyang order.

Pinasadahan ng tingin ni Aaron ang menu book at maya-maya pa ay nakapag-decide na siya kung ano ang kanyang kakainin.

Habang hinihintay niya ang kanyang order ay nagbasa-basa na muna siya ng newspaper na nakapatong sa kanyang table.

Natatakpan ang kanyang mukha sa diyaryo kaya hindi napansin ng dalawang taong nag-uusap ang presensiya niya.

"Nababaliw ka na ba Dereck? Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na wala ng tayo! Masaya na kami ni Aaron ngayon kasama ang anak naming dalawa,"mariing sabi ng babaeng nakatalikod kay Aaron.

Dahil medyo malapit lang ang table ng binata sa table ng dalawang nag-uusap kaya dinig na dinig 'yon ni Aaron.

Iyong kuryusidad niya ay bumangon ng marinig niyang binanggit ng babae ang kanyang pangalan.

Pasimple siyang umusad palapit sa nakatalikod na dalaga habang natatakpan parin ng diyaryo ang kanyang mukha.

"We both know Mestica na hindi si Aaron ang ama ng bata! Bakit ba ipagpipilitan mo sa kanya ang sarili mo kung alam mo palang sa simula na hindi na ikaw ang mahal niya?!"

"Nakalimutan na ni Aaron ang babaeng 'yon! Wala na rito ang kinababaliwan niya! Kaya kung ako sa'yo, pabayaan mo na ako at ang anak ko."

"Hindi ako makakapayag na hindi ako ang makikilalang ama ng bata Mestica!"

"At anong gusto mo? Na sabihin ko ang lahat kay Aaron? Ngayon pa ba na unti-unti ng bumabalik ang gusto niya sa akin?"

"Iba ang gusto kaysa mahal Mestica, tandaan mo 'yan."

"Gagawin ko ang lahat, maibalik ko lang ang dating pagmamahal niya sa akin. And besides, wala na si Nova na labis-labis niya minahal! Napaalis ko na sa sistema niya, kaya ikaw, umayos ka Dereck at pabayaan mo na ako!"

"Hindi!"

"Sinusubukan mo ba ako?!"

"Ako ang huwag mong susubukan Mestica, dahil kapag ako napipikon na sa'yo. Sasabihin ko sa Aaron De Guzman na hindi siya ang tunay na ama ng bata."

"Huwag mong gagawin 'yan sabi! Letse!,"galit na sabi ng dalaga sabay hampas mesa.

"Relax, saka kana magalit kung may gagawin na ako."

"You cannot do that, Dereck!"

"Alam mong I can do it, kaya huwag mo akong subukan."

"Ano bang gusto mo, ha?!"

"Ang makita at mayakap ko ang anak ko."

"Iyon lang pala ang gusto mo, tinatakot mo pa ako! Sige bukas, punta ka sa condo namin ni Aaron at ipapakarga ko sa'yo ang anak mo! Adios dahil aalis na ako. May usapan kami ni Aaron na kakain sa labas mamayang gabi. Kailangan kong ihanda ang sarili ko. Alam mo na."

"Bye Mestica, pagbutihin mong walang ibang makakaalam sa sekreto mo kundi yari ka."

"Walang ibang makakaalam kung itikom mo lagi 'yang bibig mo. Punyeta!,"anang dalaga at mabilis itong tumayo at nilisan ang naturang restaurant.

CAN'T WE TRY?(Hacienda del Tierro Book3)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon