CAN'T WE TRY? By: Ms. Undaunted CHAPTER 12

6.5K 153 12
                                    

  TAWA nang tawa si Zyline noong makausap niya sa telepono si Nova at napag-usapan nila ang planong bewitching Aaron.

Alam na kasi ni Zyline ang tungkol sa feelings ng sister-in-law niya para sa binatang womanizer.

At ang suhestiyon ni Zyline ay to bewitch Aaron.

Nasabi kasi ni Nova na lagi siyang sinasabihan nitong mataba at parang salbabida.

Kasalukuyang nasa Stavanger sina Niel, Zyline at ang anak nitong si Clyne.

"How can I do that Zy? Parang ang difficult naman eh,"nagpapadyak na sabi ng dalaga sa kabilang linya.

"There's no difficult thing to do for a brat and a playgirl like you. Del Tierro ka remember?"

"Ouch, gano'n na ba talaga ako ka worse Zy?"

"Of course not, but as you had been said, love mo siya, so baka ito ang paraan upang ma-realize niyang ikaw rin pala ang love niya at hindi 'yong, sino nga ba 'yon? Lastika?"

Nahagikhik ang dalagang Del Tierro sa sinabi ni Zyline.

"Mestica at hindi Lastika."

"Sorry, hindi ko kasi feel name niya."

"Sira ka talaga, oh siya, gagawin ko na ang mga sinasabi mo."

"But oh sweetie, be ready for the consequences. Tandaan mo, nandidito lang ako lagi para sa'yo."

"Ang sweet mo naman, best regards to Kuya and Clyne, bye Zy."

"Sure, gonna tell them, bye and take care."

Napangiti si Nova habang iniisip ang mga sinasabi ni Zyline.

Bewitching Aaron De Guzman?

What a plan, what a plan.

Makakaya kaya niyang gawin 'yon?

Baka i-reject siya. Packing tape!

Pero naisip ni Nova na its a ganti-gantihan lang.

Tungkol sa pang-aasar ng binata sa kanya.

Agad niyang tinawagan ang binata.

Si Aaron naman ay biglang nawala sa kanyang sarili ng mag-appear sa screen niya ang Nova is calling.

Agaran niya itong sinagot.

"Hi, busy ka?"

"Medyo, anong atin?"

"Free ka ba this Friday?"

"Saturday? Uhm, wait, let me check na muna sa schedule ko,"anang binata at nag-dial sa numero ng kanyang secretary upang tanungin ang mga schedules niya.

"Hoy Friday sabi ko, hindi Saturday!,"sigaw ni Del Tierro na siyang dahilan upang magulat si Aaron.

"Tsk, please lower your voice, Cassandra!"

Napalunok at sabay natawa ang dalaga.

Kinilig din siya.

Unang pagkakataon ng binata ang tawagin siya nitong Cassandra, and its really freaking sexy to her hear.

"Sorry, Friday ba?"

"Oo nga eh, ikaw naman kinilig agad? Teenager ka para mawala sa sarili?"

"Yabang nito oh, akala mo hindi katabaan."

"Shock, hindi kaya. So what now? Are you free on Friday night? Night swimming."

"Night swimming? In which resort?"

"Sa pool ng bahay mo, huwag kang assuming na sa resort tayo pupunta. Pumayag ka na please, minsan lang akong magyaya at magsuot ng bikini."

"Ikaw talaga, sige na, sige na, I will make myself free on Friday night, but oh please sweetie, wear the most sexy bikini you have."

"Asa! Bye! Thank you!"

"Tsk,"nasabi nalang ng binata at napangiti.

As day by day passing by ay mas lalo niyang minahal ang dalaga, and he can't almost find his control when Nova is around.

Mukhang hindi naman aware ang dalaga sa feelings ng binata para sa kanya.
_____

"YES!,"sigaw ni Nova.

Natuwa siya't napapayag niya ang binata na mag swimming sila sa pool mismo sa condo ng binata.

Nag-pout ang dalaga ng makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang Kuya Nathaniel.

"Hello brat, gaano katotoo ang balita na kayong dalawa na araw ni Aaron? Nova, stay awar from him! He is a womanizer."

Tawa nang tawa ang dalaga habang nakikinig sa sinabi ng kanyang kapatid.

How she wish na sila na ngang dalawa ni Aaron.

"Sinong maysabi sa'yo Kuya?"

"Si Henry."

"Naniwala ka naman? Porke ba't lagi kaming magkasama ni Aaron ay kami na agad? Wala kaming relasyon."

"But you like him, do you?"

"I don't know."

"Nova, alam ko ang ibig sabihin kapag ganyan ang isasagot mo. Wake up lady. Hindi ka seseryosohin ng kaibigan ko."

"Why don't you tell Aaron na ligawan niya ako, seryosohin at pakasalan?"

"Goodness Nova, ano bang kalokohan mo?"

Humagalpak ng tawa si Nova at pinatayan ng telepono ang kapatid.

Alam ng dalaga, wala siyang aasahan mula sa kapatid.

Alam din niya na ito ang unang hahadlang kapag gustuhin nila ni Aaron na maging sila.
____

"What's your problem with me? I can sense na iniiwasan mo ako,"salubong ang kilay ni Mestica habang nakatingin sa nobyo.

Kasalukuyang nasa opisina ng binata ang dalaga.

"I am just damn busy Mestica and I am so sorry for that. Promise, babawi ako."

"Babawi? Kailan naman? Alam mo, nitong mga nakaraang araw, parang ang hirap mong hagilapin, tell me, may iba na ba? Sino siya?"

"Wala Mestica, busy lang talaga ako."

"Huwag mo akong lolokohin Aaron, dahil oras na malaman ko kung sino siya, puputulan ko siya ng dila."

"Mestica!"

"Hindi ako nagbibiro, tandaan mo 'yan."

Nasabunutan ng binata ang sarili niyang buhok at bumukas ang pintuan ng kanyang opisina.

Si Nova ang dumating at nakangiti pa ito.

"Hi! Gala tayo, mamaya?"

"Ah--,"anang binata na walang maapuhap na sasabihin.

"Oh hi Mestica, nandito ka rin pala?,"tabinging sabi ng dalaga.

"Of course dahil girlfriend ako, ikaw nga nandidito rin."

"Ahm, yayayain ko lang si Aaron ng coffee."

"Coffee or sex?"

Nanlaki ang mga mata ni Aaron at lalo na ang kay Nova.

Si Mestica naman ay parang walang pakialam sa reaction ng dalawa.

Noong unang kita palang niya sa babaeng ito, alam niyang iba ito sa kanilang lahat.

The way Aaron treated her and the way kung paano makakatitig ang binata sa dalaga.

Hindi naman masisisi ni Mestica ang binata.

This lady is a real beauty.

"Sex? Why not if he can,"nakangising sabi ni Nova while lifted a brow.

"Nova Cassandra, your mouth."

"Coffee? Isusumbong kita kay Kuya Nathaniel if you can't come with me, now!"

"What? Are you serious? Mestica is here, so probably I can't be with you for a cup of coffee."

"You should come with me, or else?"

"Or else, what?"

"Or else kayong dalawa ang isasama ko, what do 'ya think ba?"

Nahugot ni Mestica ang kanyang hininga, pati na rin si Aaron.

This brat sister of his best buddy is too impossible.

"Let's go guys, let's go,"anang dalaga at lumabas na ito ng opisina.

Naiwan sina Aaron at Mestica sa loob na nagkatitigan.

KASALUKUYAN silang nasa Starbucks at nagkakape nga.

Pero si Nova ay na-out of place dahil ang dalawang damuhong lang naman ang nagkukuwentuhan at hindi siya kasali.

"Sana may hulog ng langit, 'yong puwede kong ring kausapin at landiin, aba matindi."

Nang biglang nag-appear sa harapan nila si King.

"Hi Cassy, its been a long time."

"You? Are you wanting me to tie you up in bed again?"

Isang malukong tawa ang pinakawalan ni King habang nakatingin sa dalaga.

"You never fail to amaze me, Cassy,"si King sabay himas sa mukha ng dalaga.

"Argh, don't touch me, ano ba."

"Sshh, don't make any scene. Hindi naman kita aanuhin eh."

"Anong kailangan mo kay Cassandra?,"sabat ni Aaron sa usapan ng dalawa.

"Oh, you are Mr. De Guzman, right? The sought bachelor in town."

"And you are King Folston Madrigal, the bed buddy of this lady?"

Isang sampal ang pinadapo ni Nova sa makinis na mukha ni Aaron.

Shock si Mestica, Aaron at pati na rin si King dahil sa ginawa ng dalaga.

"Bed buddy? Ano ako, mumurahin na babae lang? How dare you De Guzman! King let's get out of here."

"You--"

"Don't dare to kiss me again! I hate you!"

Iyon lang at iniwanan ng dalawa sina Aaron at Mestica sa loob ng Starbucks.

Sa kotse ni King humantong ang dalawa.

"So what's up? Siya ba? Siya na ba 'yong sinasabi mong mahal mo na hindi ka naman mahal?"

"How did you know? As far as I remember, wala akong naikuwento sa'yo kahit katiting about that silly guy."

"I can see it in your eyes. Mahal mo siya."

"Kidding aside King oh please. Teka, friends na ba tayo?"

"What do you want? I won't chase you anymore because of my undying love, but I can be your bestfriend Cassy."

"Wow, I'm touch King, really am."

"So what's your plan with your prospect guy?"

"Anong prospect guy?"

"Iyong si Mr. De Guzman, infairness girl, ang gwapo niya,"pabaklang sabi ni King.

"Sira ka pala eh, umayos ka nga. May girlfriend na 'yon."

"Eh di agawin mo sa girlfriend niya."

"Suhestiyon o patiwakal?"

"Tulong ko na sa'yo bilang kaibigan. So friends?"

"Ganito lang ba talaga? Mauuwi tayo sa totoong friendship? Wala kang hidden desire sa akin, ha?"

"Wala nga eh, sabi nga nila, kapag totoo ang love mo sa isang tao ay kaya mo siyang i-let go, so ito ang ginawa ko ngayon. Setting you free, because love is an unselfish. Nakakapagod kasi ang hahabol-habulin ka, at ikaw naman ay takbo nang takbo. Walang finishing line kaya kaysa habulin kita at ipagsiksikan ko ang sarili ko sa'yo, why not making friends with you nalang?"

Naisip ni Nova na may ganitong side pala ang lalaking iniiwasan niya.

Kung hindi lang isa't kalahating abnormal ang puso niya, malamang, si King na ang gugustuhin niya't mamahalin.

Gentleman ito at ngayon lang niya nalaman na sobrang bait pala ng binata.

Biruin mo 'yong willing itong i-let go siya dahil nahahalata nitong may mahal siyang iba?

How wonderful this guy can be.

"Friends!,"sabi ni Nova at niyakap ang binata.

"Thank you Cassy."

Nagyakapan silang dalawa at iyon ang eksenang nakita ni Aaron habang nakatayo siya sa labas ng Starbucks kasama si Mestica.

"It can't be!,"sigaw ng binata at pinuntahan ang sasakyan ng damuhong King.

"Honey, wait! Ano bang drama mo,"habol ni Mestica rito.

"Hindi ito maaari! Hindi maaaring magkabalikan silang dalawa!,"sa isipan ng binata at galit nitong sinipa ang kotse ni King.

Itutuloy.....  

CAN'T WE TRY?(Hacienda del Tierro Book3)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon