CAN'T WE TRY?By: Ms. Undaunted CHAPTER 13

6K 153 8
                                    

  "OPEN the door of your car, you fucking moron!,"sigaw ni Aaron at sinipang muli ang kotse ni King.

Napalabas sina Nova at King mula sa kotse dahil sa ginawa ni Aaron.

Hinatak naman ni Mestica ang binata ngunit pumiksi lang ito.

"Ano bang problema mo, ha!,"si Nova at dinuro ang binata.

Galit na tinabig ng binata ang dalaga at agad nitong binigyan ng suntok si King na hindi nakahanda kaya bagsak agad ito sa semento.

Napasigaw sina Nova at Mestica dahil sa nangyari.

"You Madrigal, stay away from Nova kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso!"

Pinahid ni King ang gilid ng kanyang labi na may umaagos na dugo at saka tumayo.

"I won't take any orders from you De Guzman! Lalapitan ko si Nova kung kailan ko gusto!"

Akmang susuntukin ulit ng binata si King ngunit sampal ang inabot niya mula kay Nova upang siya ay matigilan.

"Huwag mong saktan si King! Huwag na huwag, narinig mo?"

"Wow! Naging tagapagtanggol ka na sa kanya ngayon, ha? Parang kailan lang na sobrang iwas ka sa kanya at pati ako idinamay mo pa sa mga kagagahan mo? What's on earth, Miss Del Tierro?,"mapanuyang tanong ng binata.

"Wala kang pakialam! Ano ba ang ipinagpuputok ng butse mo?"

Natigilan ang binata dahil sa tanong ng dalaga sa kanya.

Wala siyang maapuhap na salita.

Nang makabawi ang binata ay muli itong nagsalita.

"Next time, kung kakailanganin mo pa ang tulong ko, wala ka ng makukuha pa! Mestica, tayo na!,"mariing sabi ni Aaron at agad hinatak si Mestica palayo.

Napalunok ang dalaga habang nakatingin sa dalawang papalayo.

Napatikhim si King kaya nabaling ang tingin ni Nova sa nasa tagiliran niya.

"Okay ka lang? Pasensiya ka na sa nangyari King."

"Wala 'yon, naintindihan ko si De Guzman, base sa nakita kong galit sa kanya kanina, alam kong may gusto siya sa'yo."

"Nagpapatawa ka ba? Kasama nga niya ang girlfriend niya di ba? Halika, gagamutin natin 'yang sugat mo."

"Huwag na, ayos lang ako."

"King I insist, tayo na sa kotse at sasamahan kita sa condo mo. Convoy tayo."

Walang nagawa ang binata kundi ang pumayag sa kagustuhan ni Nova.

Medyo masakit din ang panga't bibig niya dahil sa suntok ni Aaron kanina.

Pakiramdam niya ay kailangan niya ng tagahilot ng mukha at mukhang naging tabingi ito.

****

"Why can't you leave alone to brat sister of your best buddy? Kita mo? Ilang beses ka na bang nasampal, ha?"

"Shut up Mestica! Shut up!"

"Kung hindi ko lang alam ang pagiging womanizer mo, iisipin ko talagang nagseselos ka!"

"Hindi ako nagseselos, okay? Naiinis lang ako dahil ang dami ko ng nagawang tulong sa babaeng 'yon, malayuan lang niya ang gagong 'yon, tapos anong nangyari? Binalewala niya ang lahat, sino ba ang matutuwa?"

"I understand, pero sobra-sobra ang reaksiyon mo kanina! Dinaig mo pa ang lalaking nagseselos!"

"Hindi nga ako nagseselos, at hindi ako kailan man magseselos!"

"I just hope Vladimer, I just hope."

Hindi nalang umimik pa ang binata dahil mukhang may ibig ipahiwatig ang mga sinasabi ng dalagang katabi.

Nanatihimik nga siya pero nangalaiti pa rin siya sa galit habang iniisip ang dalawa.

Ano na kaya ang ginawa ng dalawang hinayupak na 'yon.

"Bullshit!,"pagmumura niya dahilan upang mapaiktad si Mestica.

"Please calm down, will you?!"

"I'm sorry."

Iyon lang at wala na silang imikan hanggang sa makarating sila sa tinitirhan ni Mestica.

Pagkababa ng dalaga ay agad pinasibad ni Aaron ang kanyang sasakyan papuntang Rockwell.

Iwan niya pero gusto na talaga niyang ipaalam sa dalaga ang totoo niyang nararamdaman dito.

****

"Dahan-dahan naman, ang sakit."

"Kalaki-laki mong tao tapos kung makaaray ka ay para kang isang bata."

"Eh sa masakit naman talaga, Cas."

"Dahan-dahanin ko nga, eto na oh. Umayos ka at ng makauwi na ako King."

Dahan-dahang nilinis ng dalaga ang sugat sa bibig ng binata at ng matapos ay nagpasya na siyang umuwi.

"Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka okay?"

"Okay, ingat ka."

"Salamat King at saka pasensiya ka na talaga kanina."

"Okay lang talaga, hindi naman ako galit. Sige na, umalis ka na at baka susugurin na naman ako ulit no'ng nagseselos."

"Ikaw talaga, alis na ako."

Kinawayan nalang ni King ang dalaga hanggang sa tuluyan ng mawala ang sasakyan nito sa paningin niya.

Habang nagmamaneho pauwi, napaisip ang dalaga kung ano kaya ang nakain ni Aaron kanina at bigla itong umasta na parang siraulo.

Nasuntok pa nito si King. Kawawa 'yong tao at hindi man lang nakuhang lumaban.
August 9 at 10:45am · Edited · Like · 1
Aneth Mirambel HINDI pa nakapasok ang dalaga sa loob ng kanyang unit ng bigla siyang hatakin sa braso ng kung sino.

"You are my girl, at hindi ka na puwedeng makipagbalikan pa sa fling mo na 'yon. I don't care kung ikaw ang naging bed buddy niya. I don't care because all I care is my feelings for you! I love you Nova Cassandra! I love you more than you can imagine!,"seryosong sabi ng binata at galit ang nakarehistro sa mukha nito.

Napalunok ng sunud-sunod si Nova habang nakipagtitigan dito.

Hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin.

You are my girl daw? Paki-explain!

Iyong itulak niya ang binata ng ubod-lakas.

"Ako girl mo? Whoah! How great, what? Huwag mo akong isama sa mga collections mo, Mr. De Guzman."

"Iba ka, iba sila. Ikaw mahal kita, mahal na mahal kita at kaya kong harapin ang galit ng kapatid mo oras na malaman niyang mahal ko ang kapatid niya."

"You must be kidding me, Aaron,"iyon lang ang nasabi ng dalaga.

"I am no kidding. I love you ever since,"sabi nito sabay halik sa labi ng dalaga.

Kung gaano kabilis dumampi ang labi ng binata sa labi niya, gano'n din ito kabilis nakaalis at naiwan siyang tulala sa labas ng kanyang unit.

Nagpalinga-linga siya sa paligid at baka may nakakita sa kanila.

Laking pasalamat ng dalaga at walang ibang tao sa paligid.
____

"SHIT! Okay, I admit na nagseselos ako sa nakita ko! Sino bang hindi? Niyakap ni Nova 'yong King na 'yon. For what reasons? Nagkabalikan na sila?"

"Dude easy lang, chill,"si Henry.

"Ayaw kong magkabalikan silang dalawa. It can't be dahil si Nova ay para lang sa akin."

"How about Mestica, for King? Bale, exchange gift lang ang show?"

"Nagbibiro ka pa, seryoso na ako ah!"

"Easy lang naman kasi dude, hindi na kita kilala eh. Grabe ka pala kapag na-inlove."

"I will fly to Japan and then Stavanger."

"Business trip?"

"Hindi, kakausapin ko ng personalan si dude Nathaniel, hihingiin ko ang permiso niya na ligawan ang kapatid niya at kapag papayag, hahatakin ko sa simbahan si Nova. Sapilitan na 'to."

"Wow, grabe ka dude. Kumbaga sa pasyente, 50-50 ang life,"nakatawang saad ni Henry.

"I love her at hindi ako makakapayag na maging maayos silang dalawa no'ng King na 'yon!"

"Easy lang sabi, ang litid mo sa leeg oh, magsilabasan na."

"And then kausapin ko rin si Niel."

"Nasa Stavanger pala ang bagong kasal?"

"Oo."

"Sige good luck nalang dude. Ihanda ang plastic surgeon dahil dalawang Del Tierro ang susuntok sa'yo."

"I don't care basta ba after nila akong suntukin, papayagan na nila akong ligawan at gawing girlfriend ang brat sister nilang dalawa."

"Sana nga dude, good luck sa'yo. Kailan ba alis mo?"

"Tomorrow na."

"Goodluck."

"Salamat sa'yo."

"Looking forward for the happy ending."

"Sana nga magdilang-anghel ka."

"Ako pa, mangyayari 'yan dude, trust above."

"I do, alis na ako."

"Ingat ka."

"Ikaw rin."

Matapos ang usapan ay naghiwa-hiwalay na ng landas ang magkakaibigan.

Si Aaron ay naguguluhan, hindi niya alam kung ano ang naging reaction ng dalaga matapos niya itong pagsabihan ng I love you.

Hindi naman kasi ito natuwa, bagkus parang nagulat pa at nagalit.

Napabuntunghininga siya.

May problema pa siya, si Mestica.

Patayin nalang kaya niya ang dalagang iyon. Mukhang mas okay.

Itutuloy.....  

CAN'T WE TRY?(Hacienda del Tierro Book3)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon