Chapter 24 By: Ms. Undaunted

6.9K 165 17
                                    

Rockwell, Makati City

Sa condo ni Niel dati na pagmamay-ari na ni Nova sa ngayon.

Hinihintay ng mag-asawang Niel at Zyline, Nathaniel at Fresha ang pagdating ni Nova at sa anak nito galing Cleveland at kasama nito si Aaron kuno.

"Kayong tatlo, umamin nga kayo sa akin, sino ba ang nagsabi sa hinayupak na De Guzman na 'yon na nasa Cleveland si Nova at may anak silang dalawa, ha?"

"Wala akong alam diyan, Kuya Nath, swear,"ani Zyline.

"Even me, wala akong sinabi Kuya,"sabi naman ni Niel.

"Then who? Don't tell me na ikaw, Esh?"

"What?! Of course not!,"pabiglang sabi ni Fresha at tinampal sa noo ang asawa.

"Then sino?!"

"Baka si King."

"Hindi niya magagawa 'yon. Siya pa nga ang tumawag sa akin kagabi at nagsabing nando'n daw sa Cleveland si De Guzman! Nasuntok pa nga niya si Aaron."

"Iwan, basta ako, wala akong sinabi sa Aaron na 'yon, hindi kaya kami nagkausap no'ng tao,"ani Zyline sabay tayo at nagpuntang kusina.

"Malilintikan ko talaga ang De Guzman na 'yon oras na makita ko siya."

"H'wag masyadong hard Kuya Nathan, hayaan mo munang magpaliwanag 'yong tao, after all he is the father of your niece Valerie."

"So gano'n nalang talaga 'yon? After niyang saktan si Nova?"

"Isipin mo nalang na trials lang sa kanilang dalawa 'yong nangyari."

"Trials? Now I can conclude na nasisiraan ka na talaga ng bait Niel."

"Ikaw rin malapit ng masiraan ng bait dahil sa kaiisip mo kay Nova. Why don't you leave them alone? Siguro naman ay magtanda na si brat di ba, Kuya?"

"Iwan ko sa'yo, ang gulo mong tao eh. Hindi nga puwedeng saktang muli ni De Guzman ang kapatid natin, ano ka ba?!"

"Nandiyan na nga po ako Kuya Nath, pero bigyan muna natin nang isa chance si Aaron na mapatunayan niyang karapat-dapat nga ba siya sa second chance ni brat."

"Fine!,"nairitang sabi ni Nathaniel sa kapatid.

Kung siya lang kasi ang masusunod ay ayaw na ayaw na talaga niyang muling magkaayos pa ang dalawa.

Hindi naman kasi biro 'yong ginawa ng kaibigan niya sa kanyang kapatid.

****

"Sa Rockwell lang kami didiretso ni baby, nando'n sina Kuya Nathan at Kuya Niel."

"No, sa Ortigas na muna tayo, at pagkatapos ay saka pa tayo pupuntang Rockwell."

"Pero Vlad, naghihintay sina Kuya sa akin."

"Naghihintay din sina Mom at Dad sa'yo at sa apo nila."

"Bahala ka, basta uunahin ko ang mga kapatid ko."

"Nova please---"

"Kung gusto nilang makita ang apo nila, eh di sila ang pumunta sa Rockwell."

"Pero Nova, matatanda na sina Mommy."

"Give them a ride, problema ba 'yon?"

"Nova naman, sige na please? Kahit ngayon lang, pagbigyan mo naman ako."

"Ayaw ko! Basta sa Rockwell kami ni baby didiretso."

"Nova Cassandra!"

"Huwag mo akong sisigaw-sigawan. Pasalamat ka nga at sumama pa kami sa'yo ng anak mo pabalik dito."

CAN'T WE TRY?(Hacienda del Tierro Book3)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon