CAN'T WE TRY? By: Ms. Undaunted Chapter 05

6.9K 144 7
                                    

"HOW'S Paris?,"si Henry ng masilayan nito ang kaibigan sa hang-out nilang magbabakarda.


"As usual, boring!"

"Boring? Di ba may chicka babes ka roon? Sino nga 'yon? Si Cristy?"

"All of them are boring, so please dude shut up."

"How's being with Nova?"

"How did you know?"

"Naikuwento mo! Wow dude kitam, tumatanda ka na talaga. Dapat lang na mag-asawa kana."

"Asawa? Kanino naman?"

"Sa babaeng mahal mo, kanino pa nga ba?"

"Dude, wala pang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Kaya ang gift mo, ipunin nalang muna at maniningil ako kapag nagmahal na ako."

"Dude, ikaw nalang ang hindi pa lumagay sa tahimik. Kami ni Nathan, may asawa na, ikaw nalang itong wala pa. Kailan ka ba magtitino? Tigilan mo na 'yang pagiging babaero mo."

"Lalagay ako sa tahimik dude. Magpapakasal ako sa babaeng magsisigaw na virgin pa siya ng hindi sinasadya ng panahon."

"Siraulo ka? May gano'ng babae pa kaya ang magsisigaw na virgin pa siya? Baka isigaw ay hindi na siya virgin,"nakatawang saad ni Henry.

"Darating siya at siya ang destiny ko."

"A certified womanizer like you ay naniniwala parin pala sa salitang destiny? Wow!"

"She is just in there, and I know it."

"My immortal 'ata dude,"humahalakhak na sabi ni Henry.

Pabiro siyang tinampal sa noo ni Aaron.

Kumpleto silang tatlo lagi sa tuwing mag-iinuman sila.

Pero dati 'yon.

Si Nathaniel, si Henry at siya.

Nang mag-asawa si Nathaniel at magkaroon ng mga anak, nawalan na ito ng time na makipag-inuman sa kanila.

Ngayon si Henry naman ang may asawa't buntis na rin si Tess.

Di magtagal, mawalan na siya ng kainuman.

Siya nalang kasi ang binata sa kanilang tatlo.

Napabuntunghininga siya ng maisip ang sinasabi ni Henry na he is not getting any younger kaya dapat magtitino na siya.

Pero paano?

Unreachable ang babaeng gusto niya.

Parang out of coverage area dahil unreachable haha.

"Dude, back to earth!"

"Anong sabi mo?"

"Naku, nag-iimagine ka na agad sa wedding mo, eh wala ka ngang matinong girlfriend eh."

"Dude, 'yong si Nova ba na kapatid ni Nathaniel ay nandito parin sa Pinas?"

"Iwan, di ko alam. Bakit? Kursunada mo? Kamao ni Nathaniel ang tatama sa gwapo mong mukha."

"Hindi, nagtatanong lang. Baka kasi umalis na naman ng bansa. Alam mo naman 'yong babaeng 'yon. Dinaig pa ang isang wanderer."

"Pero speaking of that Nova, grabe sa kagandahan eh no? Noong makita nga siya ni Tess sa kasal ni Niel, napanganga ang asawa ko. Kakainggit kasi ang balat ng dalaga."

"Playgirl 'yon, left and right ang boyfriend."

"Iyon ang destiny mo dude, perfect match kayo eh, the playgirl and the womanizer ay nagkatuluyan at nagkaroon ng maraming anak at siyempre they live happily ever after."

CAN'T WE TRY?(Hacienda del Tierro Book3)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon