By: Ms. Undaunted LAST CHAPTER

9.6K 209 11
                                    

NILALARO ni King ang sanggol habang nagluluto si Nova ng sweet and sour chicken fillet.

Nasa office pa kasi si Aaron at walang nagbabantay ng bata.

Ayaw naman ni Nova na kukuha sila ng Yaya para ni Valerie dahil ang sabi niya, kaya niyang alagaan ang kanyang anak.

May taga-linis naman siya sa kanyang condo at nagpupunta lang ito kada Martes upang maglinis, maglaba, mamalantsa at kung anu-ano pa.

"Ang bilis mong lumaki ah,"anang binata,"kasabay ng pagpisil sa mga maliit na kamay ng sanggol.

Napangiti ang sanggol kay King na siyang ikinatuwa ng binata.

"Sana balang araw eh magkakaroon din ako ng anak na kasingganda't kasing cute mo,"dagdag pa ni King.

"Then make your girl pregnant," ani Aaron ng makapasok sa loob ng bahay ng hindi namalayan ni King.

"Pare, ang cute ng anak mo."

"Cute kasi ang Mommy, kaya ganyan siya."

"Oo nga naman,"natatawang sabi ni King.

"Oo nga pala, kailan ang kasalan at binyag nitong bata? Gusto kong dumalo. After all, Cassandra is my ex-girlfriend and a bestfriend as well. Ninong din ako sa anak ninyong dalawa."

"Decision nalang ng kaibigan mo ang hinihintay ko pare."

"Ah okay, pero sana this month na, babalik kasi ako ng Cleveland next month."

"Pare, hindi pa pala ako nakapagpasalamat sa'yo."

"Pasalamat saan?"

"Noong inaalagaan mo si Nova habang wala ako."

"Wala na 'yon. Kaibigan ko rin naman siya."

"Salamat talaga pare."

"Wala na nga 'yon, ano ka ba. Nakalipas na 'yon. Ang importante ay ang ngayon, okay kayong dalawa ni Nova kasama ang anak ninyo."

"Hindi ko talaga alam kung paano kita pasasalamat pare."

"Wala na nga 'yon pare, inuman kaya tayo."

"Sama ka sa amin sa friday nina Henry at Nathaniel. Bar hopping tayo."

"Dapat walang chicks, or else talagang hindi ako magpapakasal sa'yo,"ani Nova habang nakatayo sa may pintuan ng kusina, hawak-hawak ang siyansi.

"Hi sweetheart."

"Tsee!"

"Teka, may kasalanan ba akong nagawa?"

"May sumpong yata, alis na muna ako,"ani King sabay tawa at tinapik sa balikat si Aaron.

"Sige pare, ingat ka."

"Salamat, bye baby,"anang binata sabay halik sa pisngi ng sanggol.

"Say bye-bye to ninong King anak."

Napangiti ang bata na akala mo ay naintindihan nito ang sinabi niya.

"Tuloy na ako pare."

Nang makaalis si King ay agad kinarga ni Aaron ang kanyang anak at dinala sa kusina kung saan nando'n si Nova.

"Sweetheart? Are you mad at me?"

"Hindi naman."

"Eh bakit mukha kang mad sa akin?"

"Wala nga!"

"Nova---"

"Kailan ba tayo magpapakasal, ha?"

CAN'T WE TRY?(Hacienda del Tierro Book3)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon