CAN'T WE TRY?By: Ms. Undaunted CHAPTER 15

6.3K 136 9
                                    


  INSAKTONG pagbukas ng dalaga ng pintuan ng makita niyang nakatayo roon si Aaron.

Nasasaktan parin siya sa kanyang nakikita kagabi kaya hangga't maaari ay ayaw na muna niyang makita ang binata.

Pero nasa harapan na niya ito.

"Why are you here?"

"Can you please let me in? May pasalubong ako para sa'yo."

"Hindi ako interesado kaya umalis ka na."

"Pero Nova--"

"Sabing umalis ka na!"

"Goodness, ano bang problema mo? Okay sorry kung hindi kita natawagan. Busy lang ako, may importante akong ginawa."

"Hindi ko naman hiningi ang paliwanag mo dahil alam ko naman ang dahilan ng pagiging busy mo. Mga babae mo, tabi!"

"Nova Cassandra, ano bang problema mo?"

"Problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko! I hate you! I hate you!,"napaiyak na sabi ng dalaga at pinaghahampas sa dibdib ang binata.

"Stop it woman, stop it, ano ba!"

"Akala ko ba mahal mo ako?! Akala ko ba totohanan na 'yong sinasabi mo na I am your girl! Pero bakit kagabi nakita nalang kitang may kasamang ibang babae? Akala ko busy ka, isang linggo akong naghintay sa mga tawag mo, pero wala ni kahit isa man lang text!"

Napangiti ang binata at niyakap ang dalaga.

"Nagseselos ka? Nagseselos ka nga."

"Hindi ako nagseselos, sino ka ba para pagselosan ko? Hindi naman kita boyfriend."

"Actions speak louder than words, sweetie."

Natameme ang dalaga at inakay siya ng binata papasok sa loob at pinaupo.

"Sweetheart, hindi ako nagbibiro noong sabihin kong mahal kita dahil seryoso ako."

"I don't care!"

"Nova, please be reasonable at huwag kang basta magselos."

"Then who's those girl na kasama mo last night?"

"Si Eistha."

"Sino ba siya sa buhay mo para samahan mo pa sa party?"

"Selosa ka nga, pero gusto ko 'yang ugali mo na 'yan,"nakangiting sabi ng binata at hinalikan siya sa labi ng mabilisan.

Namula ang mukha ng dalaga at mabilis na lumayo sa binata ngunit agad siyang nahatak pabalik nito.

"Eistha is my cousin from Eugene, nagbabakasyon lang 'yon dito sa atin, pero in no time, she will be in Eugene again."

"Cousin mo siya?"

"Yup, so no need to be jealous anymore, sweetie."

"Saan ka ba nanggaling noong nawala ka ng isang linggo? Nakakainis ka! Hindi mo man lang ako tinawagan,"nagmamaktol pa nitong sabi.

"Kapag ginawa ko 'yon, baka maisipan ko agad ang bumalik dito sa atin. Miss na miss kita noong nawala ako ng isang linggo."

"Na-miss din kita ng sobra,"sabi ng dalaga at siya na ang yumakap sa binata.

Siya na ang inlove, oo siya na lahat.

Big time!

Naghinang ang kanilang labi ng ilang minuto at tinapos ng binata ang kanilang halikan.

"You are really my girl."

"I love you,"anang dalaga.

"I love you more than you can imagine, sweetheart. Hindi ko alam na patay na patay ka pala sa akin."

"Ang yabang mo talaga, ikaw kaya riyan."

"Pareho lang tayo. Pero maiba ako, bakit yakap-yakap mo si King? Nasuntok ko tuloy 'yong tao."

"Ah si King?,"nakangiting tanong ng dalaga.

"Anong dahilan para ngingiti ka?"

"Ikaw, tsaka tungkol kay King? Ayos na kaming dalawa. Hindi na niya ako hahabol-habulin dahil sabi niya, tanggap na niyang hanggang magkaibigan nalang kami. Di ba ang bait niya?"

"Naniwala ka naman?"

"Bakit hindi? Mabait naman siya and you should say sorry to him for what you'd done."

"Sweetheart, huwag kang basta magtitiwala sa lalaking 'yon. Hindi mo pa siya gaanong kakilala."

"Mabait si King, maniwala ka sa'kin. Kaya niyang panindigan ang mga sinasabi niya."

"Okay, wala na akong sinabi."

"Pero how about Mestica?"

"Kakausapin ko siya at ipaalam ko sa kanya ang tungkol sa ating dalawa. Ayaw kong umasa siya sa wala."

"Bilisan mo agad at selosa ako. Ayaw kong may kahati sa puso mo."

"Ito naman, sinimulan ko na nga."

"Hindi ka na takot kay Kuya?"

"Mamaya, magkukuwento ako sa'yo, pero sa ngayon sweetheart, pakainin mo naman ako."

"Wala akong pagkain."

"Sobra naman 'yong wala kang pagkain, tara labas tayo."

"Sige, saglit at papalitan ko lang ang footwear ko."

"Huwag na, ayos na 'yan."

"Eh nakakahiya sa'yo, nakaporma ka kasi."

"Hayaan mo na, maganda ka na man, bawi na rin."

"Ikaw talaga, tayo na nga."

Parehong may ngiti sa labi ang dalawa habang papasok sila ng elevator.

"Pero seryoso, dapat mag-sorry ka kay King dahil sa panununtok mo sa kanya."

"I will sweetie, pero sa ngayon, maghanap na muna tayo ng kainan."

Tumango nalang ang dalaga at bahagyang kinilig ng akbayan siya ng binata.

"SINASABI ko na nga ba na may something kayong dalawa."

Napatingin ang bagong magkasintahan sa nagsasalita.

Si Mestica na biglang sumulpot sa kanilang harapan.

"Mestica--"

"Magsisinunggaling ka na naman ulit?"

"Mestica, let's have a talk about this, huwag kang gumawa ng eksena rito."

"Talagang ipapahiya ko ang makapal na mukha mayro'on ang babaeng kasama mo ngayon."

Si Nova ay nanahimik lang habang nakatingin sa dalaga at sa nobyo niya.

Marahang pinisil ng binata ang palad ng dalaga mula sa ilalim ng mesa, assurance kumbaga.

"Mestica, please not here, puntahan kita sa condo mo."

Napangisi si Mestica at tinaasan ng kilay si Nova.

"Hihintayin kita ro'n tonight."

"Okay."

Nang makaalis na ang dalaga ay saka pa binalingan ni Aaron ang nobya.

"I'm sorry sweetheart, pero para sa ikatahimik ng loob mo, isasama kita sa condo ni Mestica mamayang gabi. Hihiwalayan ko siya ng maayos."

"Hindi na kailangan, may tiwala naman ako sa'yo."

Totoo 'yon sa loob ng dalaga, may tiwala siya sa binata kaya hindi na kailangan pang samahan niya ito.

Mahal siya ng binata at 'yon ang panghahawakan niya.

"Sigurado ka? Baka magselos ka naman niyan,"sabi ng binata at pinisil siya nito sa ilong.

"May tiwala nga ako sa'yo, mahal mo ako di ba?"

"Oo naman, sige na kain na tayo, gutom na ako eh."

Ganadong kumain ang dalawa na parang walang gulong nangyari kamakailan lang.

Nagpupuyos naman sa galit si Mestica habang nakaupo sa single couch sa kanyang condo.

Buong akala pa naman niya ay mauwi sa kasalan ang relasyon nilang dalawa ni Aaron.

Ngunit mali siya, sobrang mali dahil alam niyang ngayon palang ay talunan na siya dahil sa babaeng 'yon.

Hindi siya makakapayag na mabalewala ang lahat sa ano mang mayro'n silang dalawa ni Aaron.

Ipaglaban niya ang kanyang karapatan bilang nobya ng binata.

After all, siya ang una, huli lang ang babaeng 'yon.

Gagawa siya ng paraan upang maagaw muli ang binata.

_____

"Vlad?,"agaw pansin ng dalaga sa binatang kumakain.

"Vlad? How did you know that?"

"Wala, nalaman ko lang. Aaron Vladimer De Guzman pala ang totoo mong pangalan, I just knew it a while ago."

"Pangit di ba? Sobrang bantot."

"Ganda kaya, gusto ko siya kaysa Aaron, parang sobrang manly kasi ang dating."

"And I like the way you say it. I love you Cass."

Napangiti ang dalaga at bilang sagot sa sinabi ng binata, agad siyang tumayo at hinalikan sa labi ang nobyo.

Gulat si Aaron sa ginawa ng nobya.

Biruin mo 'yon, nasa restaurant sila at halos lahat ng tao ay nakatingin sa kanilang dalawa.

"Sweet couple."

"Bagay na bagay silang dalawa."

"Gandang lalaki, suwerte ni girl."

"Maganda si babae, suwerte ng guy oh."

"Bagay silang dalawa, parehong mga may hitsura."

Kung anu-ano pa ang mga naririnig nilang kumento mula sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Pero wala namang pakialam ang dalawa, lalo na ang dalaga.

Mahal niya si Aaron and God knows about it.

Alam ng dalaga na sa simula palang ay gusto na niya ang kaibigan ng kanyang Kuya Nathaniel.

"Nasabi ko na ba sa'yo kung gaano kita kamahal? I am just hoping sweetheart na huwag mo akong bibitawan kahit anong mangyari. Sana ipaglaban mo ako, kasi alam mo, hindi naman maiwasan sa isang relasyon ang magkaroon ng kunting problema o hindi pagkaunawaan. Pero sana, kapag mangyari 'yon, huwag mo akong susukuan agad."

"Pangako 'yan, hindi kita susukuan. Mahal kita."

"I love you sweetheart, sine tayo after nating kumain?"

"Hindi mo pa ba binanggit sa akin kung saan ka nagsusuot noong nawala ka ng isang linggo."

"Fixing things, sweetheart."

"Ano nga 'yon?"

"Secret na muna."

"Ang daya mo naman,"nag-pout nitong sabi.

"Ang cute mo kapag nakaganyan ka. Bakit ba ang ganda-ganda mo?"

"Ikaw, bakit din ba ang gwapo mo?"

"Ikaw talaga, hindi patatalo. Ano, movie tayo?"

"Sige."

Matapos nilang kumain ay lumabas na sila ng naturang kainan at nagpunta sa Trinoma Mall upang manood ng sine.

Heaven feeling ang nararamdaman ng dalaga habang kahawak-kamay ang binata.

She is never expecting for a moment like this.

Sinong mag-aakala na magiging sila ng binatang lagi niyang kabangayan, kaasaran at kasigawan.

Habang nakipagsiksikan sila sa ticketing booth ay hindi makuhang bitawan ng binata ang kamay ng dalaga.

Lagi nitong binubulong sa punong-tainga ng dalaga na sobra niya itong mahal.

Na kahit anong mangyari, sila at silang dalawa lang ang nakatadhana para sa isa't-isa.

Kinilig ang dalaga, dahil akala niya walang ganitong side si Aaron.

Iyong pagiging sweet ng binata.

Ngayon lang niya ito na-experience.

Nasabi nalang ng dalaga na ang sarap palang may magmahal sa'yo na mahal na mahal mo rin.

Iyong pareho ang feelings sa isa't-isa.

"I really have the feelings that we are meant for each other, despite the odds,"sabi ng binata na sobrang seryoso ang mukha.

"Speechless ako,"pabirong sabi ng dalaga.

Pinisil nalang ng binata ang ilong niya at hinapit sa beywang.

Itutuloy.......  

CAN'T WE TRY?(Hacienda del Tierro Book3)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon