CAN'T WE TRY?By: Ms. UndauntedCHAPTER 08

7.2K 164 23
                                    

  

"DUDE!,"tawag ni Henry sa nagmamadaling si Aaron.

"Oh,"si Aaron sabay hinto at napalingon sa kaibigan.

"Saan ang punta mo? Mukhang nagmamadali ka ah."

"Sa Rockwell."

"Anong gagawin mo roon?"

"Pupuntahan ko si Nova."

"Wow dude, liligawan mo na siya?"

"Ligawan? Ba't ko naman gagawin 'yon?"

"Eh mahal mo 'yon eh."

"Mas mahal ko ang mukha ko."

"Dude, sabihin mo na kasi kay dude Nathan na type mo ang kapatid niyang brat."

"Hindi ko type si Nova del Tierro, period."

"Indenial king, bahala ka nga sa buhay mo."

"Ano bang atin?"

"Wala, sige na alis ka na. Ingat."

"Ikaw din, bakla nito oh."

Tawanan silang dalawa at nagpaalam sa isa't-isa.

Habang binabaktas ng sasakyan ni Aaron ang daan tungong Rockwell ay hindi niya mapigilan ang balikan ang mga sinasabi ni Henry sa kanya.

Ano kaya kung liligawan niya si Nova?

May pag-asa kaya siya nito?

Pero mukhang hindi naman siya type ng dalaga.

At isa pa, ayaw niyang sirain ang pagkakaibigan nila ni Nathaniel.

Alam niyang itinuring na princesa ni Nathan ang youngest sister nito.

At sigurado siyang oras na liligawan niya ang dalaga, itong si Nathaniel ang unang taong hahadlang.

Kilala pa naman ni Nathaniel ang kalibre niya pagdating sa babae.

Pero spare Nova out.

Mahal niya ito noon pa man.

Pero maraming sagabal.

Kaya hindi siya makaporma.

Kung kaya niyang itago at pigilan ang nararamdaman sa dalaga ay gagawin niya.

Pero ang tanong, hanggang kailan niya kakayaning itago at pigilan ang feelings niya para rito?

Knowing na parang tatalon ang puso niya kapag kaharap ang dalaga.

Iyong galit niya rito ay cover-up lang sa totoo niyang nararamdaman.

Nagbalik sa sarili si Aaron nang may tumawag sa kanya.

Si Mestica.

"Hello honey?"

"Hi hon, where are you?"

"Uhm--eh office!,"naguguluhang sagot ni Aaron.

"Aaron huwag kang magsinunggaling. Galing ako ro'n pero ang sabi ng secretary mo ay wala ka, kaaalis mo lang."

"Patay,"mahinang usal ni Aaron.

"Tama, kaaalis ko lang, I'm with my best buddy Henry, di ba kilala mo na rin naman siya?"

"And why? Sinong kasama ninyo? Anong ginawa ninyo?"

"Wala kaming ginawa, ano ba Mestica."

"You should watch out,"sabi nito na may halong pagbabanta ang boses at agarang tinapos ang tawag.

CAN'T WE TRY?(Hacienda del Tierro Book3)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon