Pangalawa

42.4K 634 63
                                    


"Hawakan mo ng mabuti yang camera pare, kapag nabasag yan, babayaran mo" mahinang bulong niya kay Poy habang inaadjust ang videocam na gagamitin nila.



Kasalukuyan silang nasa loob ng isang bahay. Ang lumang bahay sa dulo ng subdivision nila na sinasabing may nagpapakita. Kapag nakakuha sila ng footage siguradong pagkakaguluhan sila, lalo ng mga reporters na matagal nang naghahangad ng kwento tungkol sa lumang bahay.



"Pare, wag na natin ituloy, kinakabahan ako. May kakaiba akong nararamdaman sa bahay na ito" nakasimangot na sabi ng kaibigan habang nililibot ng tingin ang buong bahay.



Hindi niya masisisi ito na matakot. Ang buong bahay ay isang buhay na bangungot. Madumi, mabaho at madilim. Nakapagtataka rin na ang nanlilimahid na itim na salamin lang na nasa gilid nila ang walang takip na tela sa buong bahay.



"Wag duwag pre, para kang hindi lalaki." Saka niya ito inakbayan. Bibigyan niya lang ang kaibigan ng pampalakas ng loob kahit ang totoo kinakabahan rin siya.. "Relax!" saka siya tumalikod sa kaibigan.



"Kasi~ Huh?! Pare wag ka manakot!" Bigla siya nitong sinipa na naging dahilan para malaglag ang videocam sa maruming sahig ng bahay.



"Putcha naman pare, mahal ang videocam, bakit mo ko sinipa!" saka inis na pinulot ang videocam. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang hindi ito nabasag. Saka niya ito muling binalik sa stand nito.



"Sinitsitan mo ko. Ayoko na aalis na ko" tatalikod na sana ito pero hinila niya ito paupo.



"Hindi kita sinitsitan. Ano ka Chikabebe? Wag ka ngang duwag"



"Eh kasi pare-"



Napatigil silang dalawa nang may marinig silang ingay galing sa labas ng bahay. Isa iyong angil na alulong, pero hindi galing sa aso, kundi galing sa pusa. Malaking pusa na parang gusto silang sakmalin o kainin o patayin.



"Pare ano yun?" mahigpit na kumapit si Poy sa braso niya



"Pusa lang iyon. Ano ba, bitawan mo nga ako." Tinulak niya ito palayo. Napansin niyang tila kinalibutan ito na parang may umihip sa tenga nito na kung ano.

BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon