Pang labing tatlo

15.2K 304 58
                                    

<< July 25 1966 >>

"In eternity, forever and always"

"I promise to love you in every way, to be worthy of your love.
I will always be honest with you, patient and forgiving.
But most of all, I promise to be a true and loyal friend to you
I love you Maria Tanya Dela Peña, in eternity, forever and always."

"I take you to be my other half
I give you my heart and my soul
As a sanctuary of warmth and comfort
And pledge my love, devotion, faith and honor
I love you Benjamin Chua, in eternity, forever and always"

==============================

**Andrea's POV** - Special Chapter II 

At last I'm here..

Malungkot kong sabi sa aking sarili. Baka nagtatampo na siya sa akin, sa amin ni Ada. Dati kasi every month kaming dumadalaw dahil kabilang bayan lang naman ito pero dahil sa mga nangyari, ngayon na lang ulit ako nakabisita, after three long months. Ang mas nakakalungkot pa, wala akong Adang kasama..

Speaking of Ada..

Bago ako pumunta dito sa kabilang bayan ay pinuntahan ko si Ada sa bahay nila. Pero tulad ng dati.. hindi pa rin niya ko hinaharap. Ni ayaw niyang makipag usap. Ang sabi ni tita, lagi lang daw siyang tulala.. Nagsimula iyon nang mamatay si Isabel.

Ano bang nangyayari sa iyo Ada?

 "Sino ka?"

Napalingon ako sa nagsalitang iyon. Isang napakagandang babae ang nakatayo sa likod ko habang may hawak na isang malaking basket. Tinitigan ko siya mula paa hanggang sa kanyang mga mata. Mukha siyang anghel lalo pa at nakasuot siya ng isang puting damit na parang gawa sa silk.

Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang babae!

"I..ikaw? Sino ka?"

Hindi ito sumagot bagkus ay mabilis niya akong nilagpasan sabay punta sa harap ng pintuan. To be fair... Mabango siya at masyadong... maganda, parang isang panaginip na hindi mo papaniwalaang totoo.

"Ikaw..." sabi nito na kung tignan ako parang nakita na ako kung saan.. Pero syempre imposible iyon. Paanong mangyayari iyon kung ngayon ko lang siya nakita. "Anong pangalan mo?" pati boses niya, ubod ng hinhin at napakaganda.

"Andrea.. Ikaw?"

Tuluyan nitong binuksan ang pintuan saka lumingon sa akin. "Pumasok ka na.."

BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon