Pang walo

19K 304 28
                                    


"Andrea! Sinasabi ko sayo! Huwag ka nang pupunta pa kahit kelan sa mental hospital na yon!"


Tahimik lang siya habang sinesermunan ng mama niya. Hindi niya ito masisisi kung mag-alala man ito sa kanya. Syempre ang kaisa isa nilang anak na babae, naospital dahil kinuyog ng baliw. Sino ang hindi mag-aalala?


Isang araw na ang nakalipas mula nang insidenteng nangyari sa kanila sa mental hospital na iyon. Nakatanggap siya ng kakaibang karanasan at malulutong na sermon dahil doon. Natakot ang kanyang mga magulang nang makatanggap ng tawag sa ospital na pinagdalhan sa kanya matapos siyang kuyugin, paghahampasin at sampalin ng malalakas hanggang sa mawalan ng malay, ni Lucy, isa sa mga baliw na nakilala niya. Ang kwento lang ni Regina'y sobrang bilis daw ng pangyayari at ang lakas raw ng baliw na iyon. Pinipigilan umano nito pero hindi talaga nito kaya ang huli.


Mabuti na lamang at isang araw lang siya sa ospital. Pinalabas rin siya agad. At ngayon nga ay nasa kwarto sila ng kanyang mama. Pinapagalitan siya.


"Mama, okay lang po ako. Tsaka binisita ko lang po si Poy. Kaibigan po siya Mama"


"Anak naman! Paano kung may mangyaring masama sayo? Sana nagpaalam ka na lang para nasamahan kita diba? Alam mo ba, nung malaman namin na naospital ka para kaming mamamatay ng papa mo sa sobrang takot! "


Niyakap niya ang kanyang mama. Naisip niyang sobrang swerte niya na nagkaroon siya ng mga magulang na ganito. Mapagmahal at alam niyang hinding hindi siya pababayaan.


"Mama talaga. medyo OA. Pero sorry po at pinag-alala ko kayo"


"Huwag mo ng uulitin iyon anak huh?"


Tumango lang siya. Sa ganoong tagpo sila naabutan ni Regina. At ang kanyang mama, pagkakita rito'y ito naman ang binalingan ng sermon. Tahimik lang si Regina habang nakikinig sa sermon. Maya-maya'y niyakap ito ng kanyang mama. Nahuli pa niya ang pag-ngiti nito.


"Huwag niyo ng uulitin iyon huh?"


"Opo"


Iyon lang at iniwan na sila nito. Umupo si Regina at nilapag ang bag nitong malaki sa isang tabi.


"Ang swerte mo talaga sa mama mo Andrea." narinig niyang mahinang sabi nito. Hindi niya magawang magkomento sa sinabing iyon ni Regina. Hindi lingid sa kanya ang pambabalewala ng mga magulang nito rito.


Tila walang anak kung mamuhay sa mundo.


Narinig niyang bumuntung hininga si Regina saka kinuha ang isang maliit ng libro sa dala nitong bag. Stress Reliever talaga nito iyon. Kapag ganito ang usapan, magbabasa ito para hindi malungkot.


"Ayos ka lang ba talaga?" mahinang sabi nito na hindi lumilingon sa kanya.


"Oo, medyo okay na. Ikaw ba? ayos ka lang?" tanong niya rito.


Paggising niya kasi nung nasa ospital siya ay nakita niyang may malaking benda sa braso nito. Ang balita sa kanya, matapos siyang mawalan ng malay ay ito naman ang sinugod ni Lucy. Hinampas daw ito ng huli ng malapad na kahoy.Sa kabutihang palad ay braso lang nito ang natamaan kahit sobrang sakit daw niyon at hanggang ngayon nakabenda pa rin ang mga iyon.

BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon