Pang labing dalawa

15.6K 301 63
                                    

A/N: This is a FIRST PERSON POV.. Enjoy Reading ;)




"Ako ang dahilan ng pagkakaganun ng kapatid ko. Sobrang bait niya sakin, binigay niya lahat ng gusto ko kahit magkapatid lang kami sa ama, hindi niya ako tinuring na iba. Pinatira pa niya ako sa bahay niya nung lumuwas ako galing sa probinsiya. Dun ko nakilala ang asawa niya."


Kapansin-pansin ang pamumula ng mukha nito nung binanggit nito ang bagay na iyon.


"Mabait ang asawa niya, nahulog ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Nagkaroon kami ng lihim na relasyon pero nalaman iyon ng kapatid ko at doon na nagsimula ang galit niya. Hindi ko sinasadyang umibig sa asawa niya pero kahit anong paliwanag ko'y di niya pinakinggan. Galit na galit talaga siya sakin. Sobrang pinagsisisihan ko ang nagawa ko sa kanya. Sobrang nagsisisi ako at nagawa ko ang bagay na yon" pagkatapos ay sunod sunod na lumabas ang mumunting luha nito mula sa magaganda nitong mga mata.


"Dahil sa bagay na iyon... nawala ang lahat lahat sakin... pati ang kapatid ko... pati ang kapatid ko"


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


**Andrea's POV** Special Chapter I


Natatakot ako..


Natatakot akong makita si Poy na nakahiga sa loob ng kabaong kaya umupo lang ako sa tapat niyon at hindi lumalapit. Kanina pa ako tinitignan ni Regina. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ganito ang kinikilos ko.


Kung bakit kanina pa ako tahimik.


"Andrea.. Okay ka lang?" 


Tumango lang ako sa tanong niya sakin pero hindi ko nagawang sagutin iyon. Hindi ko pa nakwekwento sa kanya ang nangyari yung gabing nakita ko si Poy kahit ayos na ulit kaming dalawa. Kasi, hindi ko alam kung hallucination ko lang ang nangyayari sa bahay namin pero... mukha iyong totoo. Nadagdagan pa ang tanong sa isip ko kung totoo iyon nang sabihin sa akin ni Regina ang itsura ni Poy.


"Hindi ko alam kung paanong nangyaring... maraming butas ang mukha ni Poy. Marami rin daw hiwa ang binti at paa niya. Ang nakakapagtaka pa Andrea... Nakita nila si Poy na napapalibutan ng sobrang daming uod sa loob ng kwarto nito sa Mental. Labas-masok sa buo niyang katawan."


Napapikit ako sa sobrang takot. Nagpakita nga lang ba sa akin si Poy?


Pero yung dugo... Yung dugo sa damit at kamay ko.. Kanino iyon?


Hindi ko alam.. Litong lito na ako!

Hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko.


"Ayos ka lang ba Andrea?" narinig kong tanong ni Regina.


Umiling lang ako saka muling tumingin sa kabaong ni Poy.

BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon