Panglabing pito

10.2K 205 14
                                    

Tarang i-hashtag #WPBahayniMaria on twitter


"Carmela..." Nilingon ni Carmela ang pagtawag sa kanya ni Lola. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na tinawag siya nito mula nang umalis si Andrea. "Maghanda ka.. may pupuntahan tayo.."


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


"HUH!"


Hinihingal na napabangon si Andrea mula sa pagkakahiga. Nang silipin niya kung anong oras na ay nagulat pa siya.


Alas tres ng madaling araw!


Hindi pa halos sumisikat ang araw. Wala sa loob na tumingin siya sa paligid at bahagyang naguluhan nang matagpuan ang kanyang sarili sa kwartong tinulugan niya kagabi.


"Panaginip?"


Ang alam niya'y kausap niya ang matandang babae na may hiwa sa mukha matapos niyang makita ang nakakakilabot na kwarto ni Ada. Mabilis siyang tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ng pinsan pero pagpasok niya ay maayos ang lahat ng gamit at malinis ang bawat sulok ng kwarto nito. 


Walang dugo, karayom at mga manika!


"So panaginip lang iyon, akala ko totoo na.."


Bumalik sa kanya ang lahat nang pag-uusap nila ng matandang iyon lalong lalo na ang huling mga salitang sinabi nito sa kanya.


"Si Ada.. Siya ang bagong Maria."


"Ano ang ibig sabihin nun? Bakit pakiramdam ko, totoo ang panaginip kong iyon? Pero bakit ganito? Bakit parang may kulang..."


Palabas na siya sa kwarto ng pinsan nang mahagip ng kanyang mata ang isang maliit na parang supot na nasa gilid ng kama. Nilapitan niya iyon at inabot para lamang magulat dahil iyon ay ang katulad na manika na nakita niya sa kanyang panaginip. Binaligtad niya ang manika at doon ay nakita niya ang larawan ng kanyang pinsan.


"Anong.."


"Si Ada... siya.. ang bagong Maria"

"Si Ada... siya.. ang bagong Maria"

"Si Ada... siya.. ang bagong Maria"


Sumasakit ang ulo niya sa walang humpay na kilabot dahil naririnig pa rin niya ang sinabi ng matanda sa kanyang panaginip. Bawat salitang sinasabi nito ay tila isang bagay na hindi niya maaaring ipagsawalang bahala.


"Parang may hindi tama sa mga nangyayari.. Parang may kulang.. Bakit parang may kulang?" Napatigil siya sa pagsasalita nang makita rin ang isang pamilyar na gadget na nakapatong sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama ng pinsan. Inabot niya iyon at pinakatitigan.


Isang videocam


Kumunot ang kanyang noo nang makilala ang bagay na iyon. Hinanap niya ang isang marka upang masiguro na tama ang kanyang hinala. At nahanap nga niya iyon.

BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon