Pang lima

21.6K 354 22
                                    

**Isabel**

 

Si Ted Naospital!

Naiiyak siya habang tumatakbo palayo sa kanyang mga kaibigan nang maalala ang nangyari sa kaibigan nilang si Ted.

 Natagpuan daw na walang malay dun sa lumang bahay sa dulo.

Si Poy ang huling kasama ni Ted sa bahay na iyon..

Si Poy! Dinala nila sa mental hospital!

Matutulad ba siya sa mga ito? Ano ang mangyayari sa kanya? Maoospital din ba siya? Mababaliw din ba siya?

 Ano ba ang kwento ng bahay na iyon?

 Kung hindi ka man makatakbo at tinitigan ka ng babae, magdasal ka na

  

“Oh my god” wala sa loob na nahawakan niya ang kanyang mukha.Ang bahay na pinuntahan nila. May demonyong nakatira! NAHAWAKAN SIYA NG DEMONYO!

 "Ahhhhh!" napatili siya nang bigla siyang madapa.

Nawawala sa sariling umiyak siya habang nakadapa sa gitna ng daan. Ramdam man niya ang sakit sa kanyang tuhod, mas ramdam niya ang panginginig ng mga iyon. Hindi niya magawang tumayo. Ngayon siya nagsisisi kung bakit sumama pa siya sa mga kaibigan niya para puntahan ang bahay na iyon. Tunay ngang ang kuryosidad ang papatay sa isang tao. Ang masama roon, baka siya pa ang maunang mamatay.

 "A...yo..ko- Ayoko! Ayoko!" Sana ay hindi na lamang sila pumunta sa lugar na iyon!

 Isabel...

Lumingon siya sa paligid nang marinig ng mahinang pagtawag na iyon sa kanyang pangalan. Bumungad sa kanya ang napakadilim na lugar na puno ng mga nagtataasan at nakakatakot na mga puno na tila nagdidiwang habang kinukumpas ang mayayabong na mga dahon sa malalapad nitong mga tangkay na sanga. Napahawak siya sa kanyang mga braso nang maramdaman ang pag-ihip ng hangin.

"Nasan... na ko?" mahina niyang tanong sa kanyang sarili. Ang alam niya'y nakahiga siya sa gitna ng kalsada at hindi sa lugar na iyon. Sinubukan niyang tumayo kahit nananakit ang kanyang mga tuhod.

Isabel..

Nang marinig niyang muli ang kanyang pangalan ay muli siyang lumingon, saka niya nakita ang isang pigura ng isang babaeng nakatayo sa di kalayuan. Base sa maliit na liwanag ng buwan ay nakasuot ito ng kulay asul na damit na sa sobrang haba ay hindi na niya makita ang nga paa nito. Mahaba rin ang buhok nitong sumasabay sa ihip ng hangin ngunit sa di malamang kadahilana'y hindi niya maaninag ang mukha nito.

BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon