Tulala..
Yan ang itsura ni Andrea habang pinapakinggan ang sinasabi ni Regina. Bigla siyang napaupo, hindi makapaniwala.
Dapat sinundan ko siya.. Dapat sinundan namin siya. Dapat hindi kami nakampante na kaya siya tumakbo ay para lang maunang umuwi. Dapat pinansin namin ang takot sa mga mata niya... Edi sana....sana... buhay pa siya.
Nang pumasok siya sa classroom ng pinsan niya'y naabutan niya ang nag-iiyakan na mga kaklase ng mga ito. Hinanap niya ang kanyang pinsan pero wala ito. Nilapitan niya si Regina dahil ito lang ang tanging taong hindi umiiyak. Basta nakatulala lang.. At nang tanungin niya ito kung anong nangyari'y nanghina siya bigla.
"Andrea... si Isabel... Patay na"
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Tila isa iyong bomba na hindi niya inaasahang sasabog papunta sa kanya. Unexpected
"Anong.... Paano?"
Doon na niya nakita ang pagtulo ng luha ni Regina. Tuloy tuloy na halos hindi na ito makapagsalita. Basta ang sabi lang ay..
"Nasagasaan..... siya... ka.. kagabi!" naramdaman niyang niyakap siya ni Regina. Mahigpit. Punong puno ng lungkot at dalamhati.
"Regina, dapat... dapat sinundan natin siya.. Dapat... Inalam natin ang lagay niya.. Edi sana buhay pa siya ngayon!" Mahinang bulong niya kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nasa loob sila ngayon ng mental hospital na pinagdalhan kay Poy kasama ang mga magulang nito.
"Salamat at sumama kayo dito. Kayo ang unang dadalaw sa kanya" mangiyak niyak na sabi ng mama ni poy sa kanilang dalawa ni Regina.
Ngumiti lang silang dalawa.
Pagkatapos pumunta sa libing ni Isabel ay napagdesisyunan nilang dalawa ni Regina na puntahan si Poy. Kailangan nilang malaman kung ano ang nakita ng mga ito at bakit kapahamakan ang nakuha ng mga ito. Nung una'y nag-aalangan pa ang mga mga magulang ni Poy na isama sila dahil sa kalagayan ng huli ngunit nagpumilit silang makita ito. Sa huli'y pumayag rin ang mga ito sa isang kundisyon. Hindi nila ipagsasabi ang kasalukuyang kalagayan nito. Marahil upang maproteksyunan ang kanilang anak.
"Andrea.."
Nilingon niya si Regina. Kitang kita niya sa seryoso nitong mukha ang lungkot... at inis. At alam niya kung kanino.
"Hindi ba talaga pupunta si Ada?"
Umiling lang siya. Ang totoo'y naninibago siya kay Ada. Ang sabi ng papa nito'y hindi na raw lumalabas ng kwarto at ayaw nang pumasok sa eskwelahan. Ni hindi nga ito pumunta sa burol at libing ni Isabel. Nang puntahan niya nama'y hindi siya nilabasan. Iyon ang ikinaiinis ni Regina sa pinsan niya, ni hindi man alng pumunta, kahit silipin man lang ang kabaong ni Isabel. Hindi nila alam kung ano ang nangyayari dito pero kailangan nilang alamin kay Poy ang nakita nito. Baka sakali, iyon rin ang nakita ni Isabel bago ito mamatay.
BINABASA MO ANG
BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!
ParanormalBawal pumasok sa Bagong Bahay in Maria... Nakamamatay!