"AYOKO! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo Andrea na ayoko! Naisip mo man lang ba ang mga magulang mo? Naisip mo ba ang mararamdaman nila kapag may nangyari sayong masama? Naisip mo man lang ba iyon Andrea?" inis na inis na sabi ng kaibigan sa kanya. Saka ito padabog na umupo. "Mamamatay sila sa sobrang lungkot kapag may nangyaring masama sayo.. Sana... sana maisip mo man lang iyon." bumuntung hininga ito bago humarap sa kanya. "Naiinggit ako sayo dahil mahal na mahal ka ng mga magulang mo habang ako... pinapabayaan at binabalewala lang.. Baka nga kapag namatay ako.. magpaparty pa sila..."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinapansin at laging iniiwasan ng kaibigang si Regina. Kapag nakita na siya nito'y agad itong tatalikod sa kanya at pupunta sa ibang direksyon. Kapag recess naman ay sa iba ito sumasabay. Hindi na rin ito pumupunta sa kanila para mangumusta o makipag kulitan tulad ng dati.
Hindi naman niya sinasadyang saktan ito sa mga desisyon na ginagawa niya. Hindi niya intensyon na ipaalala dito na walang paki-alam ang mga magulang nito rito. Hindi naman kasi niya alam na ganuon pala ang nararamdaman ni Regina sa kanilang pamilya kaya laging nasa bahay nila.
Urrggg! Bakit ang insensitive ko? Hindi ko man lang naisip na nasasaktan ko na si Regina.
"Oh? Mag-isa ka ata"
Napaangat siya ng tingin sa nagsalita saka siya napasimagot nang makita kung sino ito.
"Mandy.."
Napangiti ito ng sobrang tamis na akala mo ito ang pinakamasayang tao sa buong mundo.
"Dalawa na nga lang kayong natira sa grupo niyo tapos mag-aaway pa kayo?.. How sad..."
Nainis siya sa sinabi nito kaya tumayo siya at nagsimulang maglakad palabas ng classroom.
"Hoy! Kinakausap pa kita! Huwag kang bastos dear" napa-aray siya nang hatakin nito ang kanyang braso.
"Ano ba Mandy! nasasaktan ako" naiinis niyang sabi rito pero hindi pa rin siya binibitawan. Pilit niyang binabawi ang braso rito pero hindi niya kaya. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.
"Sa susunod kasi huwag kang bastos Andrea!" saka siya nito tinulak ng malakas. Napahawak siya sa kanyang braso at nagulat siya nang makitang sobrang pula niyon.
"Mandy!" pareho silang napatingin sa sumigaw na iyon.
"Britanny..." naiiyak na sabi niya nang makita si Britanny na mabilis na lumalapit.
"Tss..." Mabilis na tumalikod si Mandy pero pinigilan siya ng kapatid. "Ano na naman problema mong babae ka? Bida-bidahan ka na naman?"
"Umayos ka nga Mandy! Wala namang ginagawa sayo yung tao tapos sasaktan mo?" mariing sabi ni Britanny.
BINABASA MO ANG
BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!
ParanormalBawal pumasok sa Bagong Bahay in Maria... Nakamamatay!