A/N: Paalala lamang. Ang mga naka-Italic na mga salita ay ang mga nangyari sa loob ng library. At ang mga normal lang ay ang kasalukyang nagyayari.
Kaya kung ako sa inyo, babasahin ko ito ng dahan-dahan.....
Madilim, mapanganib at kinatatakutan.
Iyon ang naging buhay ni Maria pagkatapos ng kasuklam-suklam na pangyayari na ginawa sa kanya ni Carmela. Isang pangyayaring naging dahilan kung bakit nabuwag ang matatag nilang samahan, kung bakit naputol ang tali ng kanilang relasyon, at ang tanging dahilan kung bakit nais niyang maghiganti.
==========o==========
Mataman lamang na nakaupo si Andrea sa upuan kaharap si Lola. Kasalukuyang umuulan sa labas ng bahay nito, isang pangitain na tila umaayon ang panahon sa kanyang nararamdaman. Iyon kasi ang unang pagkakataon na binalot siya ng galit sa isang taong siyang dahilan kung bakit namatay ang kanyang mga kaibigan.
Kanina lamang sa library ay may isang babae na pilit na tinatawag siya sa pangalang Rosenda. Nang sabihin iyang hindi siya ang taong iyon ay umiyak ito ng umiyak. Binigay niya rito ang kanyang kulay pulang panyo saka nagpatuloy sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa pamilya Dela Peña. Sunod niyang hinanap ang pangalang Maria Carmela Dela Peña.
"Anong pangalan mo?" narinig niyang tanong ng babae sa kanya.
Dagli niya itong sinagot nang hindi ito nililingon. "Andrea. Sorry kung napagkamalan mo akong kaibigan mo. Ikaw? Anong pangalan mo?"
"J-... Jaja" mahina nitong sagot sa kanya. Sakto namang paglabas ng resulta sa computer.
Sorry, no results found
"Bakit mo... hinahanap ang impormasyon tungkol kay Carmela?" bigla siyang napalingon ngunit kasabay niyon ay ang pagpatay ng lahat ng ilaw sa buong library.
Nakarinig sya ng tilian ng pagkagulat sa mga tao ngunit hindi iyon ang una niyang napansin. Sa tulong ng konting liwanag ng papalubog na araw ay nakakita siya ng isang nakatalikod na babae na nakasuot ng isang kulay asul na damit. Nakatayo ito sa gilid ng bookshelf malapit sa kanila. Hindi lamang iyon basta-basta lamang babae, kilala niya kung sino iyon. Ang kulot nitong buhok at ang madumi nitong mga damit.
Iyon ang babaeng nakita niya bago siya atakihin ni Lucy!
"Sandali!" malakas niyang sigaw rito saka mabilis itong sinundan.
Nakita niyang pumasok ito sa isa sa mga kwarto ng library na iyon. Madilim ang pasilyong kailangan niyang daanan ngunit hindi niya inalintana ang bagay na iyon. Isa lamang ang laman ng kanyang isipan, ang malaman ang katotohanan.
Habang naglalakad siya sa pasilyo ay nakarinig siya ng pag-iyak ng isang babae. Ramdam sa pag-iyak na iyon ang sakit, pighati at galit na sinabayan ng biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Papalapit na siya sa pintuan ng kwartong pinasukan ng babae nang dahan-dahan iyong bumukas. Sinilip niya iyon mula sa labas at napansin niya ang isang kandilang nakasindi sa pinakagitna ng kwarto.
BINABASA MO ANG
BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!
ParanormaleBawal pumasok sa Bagong Bahay in Maria... Nakamamatay!