Pang pito

22.8K 308 29
                                    


"Uminom ka muna ng tubig iha" inabot niya ang tubig na inalok sa kanya ng nurse. Sunod sunod niya iyong nilagok.


"Okay ka na Andrea?" naiiyak na nilingon niya si Regina. Hanggang ngayon kasi'y masakit pa rin ang magkabila niyang braso at likuran. Nang silipin niya kanina'y nagkaroon ng pasa pasa ang mga braso niya. Kaya hindi maiwasang mag-alala ang kaibigan sa nangyari sa kanya. Kung hindi pa nga binigyan ng pampatulog si Poy ay hindi talaga siya makakawala sa pagkakayakap nito.


Nagpapasalamat siya na nahiwalay na siya rito sapagkat takot na takot na siya sa nakita niyang mukha mula rito.


Ang duguang mukha ni Isabel.


Hindi niya alam kung guni guni lang ba iyon o totoong nakita nga niya ang mukha nito kay Poy. Para talagang totoo iyon. Pagkatapos ay bigla niyang naalala ang sinabing pangalan ni Poy kaya hinarap niya si Regina.


"Regina, may kilala ka bang... Maria?"


"Maria?" nakita niya ang pagkunot ng noo ni Regina nang marinig ang pangalang iyon


"Kasi kanina, habang yakap ako ni Poy, paulit ulit niyang sinasabi ang pangalang Maria.. tapos..." natigilan siya. Napaisip siya kung sasabihin ba niya ritong nakita niya ang duguang mukha ni Isabel habang nakayakap si Poy sa kanya pero sa huli'y pinili niyang manahimik na lang."tapos... ang sabi niya sakin, hindi lang daw si Isabel ang kukunin. Marami pa daw. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin nun?"


Nakita niyang napaisip si Regina kaya mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Hinihintay niya kasi ang sasabihin nito. Nakita niyang bumuntung hininga ito saka tumingin sa kanya.


"Pumunta ka bukas sa bahay, may ipapakita ako sayo."


"Ano yun?"


Hindi na nakasagot si Regina nang lumapit ang mga magulang ni Poy sa kanila. Alalang alala rin ang mukha ng mga ito at halata sa kanila ang sobrang lungkot at matinding hiya.


"Iha, pasensiya na sa ginawa ng anak namin. Sana... hindi ka masyadong nasaktan" hinging patawad ng papa ni Poy sa kanya habang ang mama naman nito'y niyakap siya ng mahigpit habang umiiyak.


"Sorry iha! Sorry! Huwag ka sanang magalit sa anak namin."


Tinugon niya ang yakap at hinaplos haplos ang likuran ng ginang. Alam niya kung gaano kahirap sa mga ito na makita sa ganuong kalagayan ang anak. Sobrang lungkot ang kaalamang ang nag-iisang anak ng mga ito'y wala na sa tamang katinuan.


"Ayos lang po. Huwag po kayong mag-alala, hindi po ako galit."nakangiting sabi niya sa mga ito.


"Ang mabuti pa'y ihatid na namin kayong dalawa."


"Hintayin niyo na lang kami sa bungad at magpapaalam lang kami sa anak namin"


Inalalayan siya sa paglalakad ni Regina papunta sa bungad palabas ng mental ospital na iyon. Nadaanan pa nila ang ilang kwartong tila kulungan na may mga gumagalang pasyente. Kaya lang habang naglalakad sila sa pasilyo'y napansin nilang nakatingin ang mga mga ito na tila ba inoobserbahan ang bawat galaw nila. Medyo nailang siya sa paraan ng pagtitig ng mga ito, katulad kasi iyon ng paraan ng pagtitig ni Poy sa kanya kanina.

BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon