Labstory ni Ate

2.3K 16 3
  • Dedicated kay Jessica Gadia Gacusana
                                    


Naalala ko pa noon, tayo'y magkasama,
Hindi nagpapansinan at walang pake sa iba,
Walang alam sa pag-ibig dahil bata pa,
Mga taong gusto'y hindi pa pinoproblema.

Ako'y biglang dinala dito sa Maynila,
Sa aking pagbabalik ay nagbago ka na,
Gumwapo ka bigla at tumangkad pa,
Ako nama'y pumayat, hindi na mataba.

Nagulat ako nang may magtext sa akin,
Isang mensahe na nais linawin,
Kung ito ba'y seryoso at tototohanin,
Ika'y manliligaw at ang puso ko'y kukunin.

Sa sumunod na araw ay nagpakita ka ng intensyon mo,
Nanlibre ng meryenda sa akin pati sa kapatid ko,
Feeling ko tuloy araw-araw ay Pasko,
Ako'y napaibig at nahulog na nga sa'yo.

Lagi tayong magkatext at magkausap sa telepono,
Kinakantahan mo pa ako gamit ang gitara mo,
Ako'y kinikilig at iyong napapaamo,
Kapag magkaaway, sorry agad ang hinahanap ko.

Bigla na lamang nag-iba ang mahal mo,
Hindi na ata ako, ito'y ang barkada mo,
Na lagi mong kasama at sunud-sunuran sa'yo.
Pag-ibig mo sa akin ay kinalimutan mo.

Napagdesisyunan kong tapusin na nag relasyon na ito,
Wala ka na sa puso't isip ko,
Wala na ring patutunguhan ang sorry mo,
Pasensya na ngunit dito na magtatapos ito.

Pag-ibig (Koleksyon ng mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon